It All Started

257K 4.4K 107
                                    

LABINGWALO

"Sweetheart, bakit nandito yan?" tanong ni Stanley sa akin habang nakatingin kay Sandro na nagaayos na ng mga gamit niya sa sala. Ngumiti lang ako sa anak at binigay ang tatlong pinggan dito. Mabilis naman nitong inilagay iyon sa bilog naming lamesa bago bumalik sa tabi ko.

"Konti lang ulam natin. Pati kanin natin konti lang. Atsaka wala tayong cake dito." Sabi pa nito. Natawa na lang ako at yumuko para mapantayan ang bata.

"Stanley, hindi naman malakas kumain si Sandro. Atsaka hindi naman siya mahilig sa cake kaya okay lang din. Wag ka ng magalala." I said then smiled. Stanley pouted bago nameywang sa akin.

"Hindi naman ako nag-aalala eh." Bulong pa nito bago bumalik sa lalagyan ng pinggan at kumuha ng tatlong baso roon.

"Tawagin mo na siya." utos ko dito habang nagsasandok ng kanin. Stan looked at me bago padabog na bumaba sa upuan niya.

"Bakit ako Sweetheart? Hindi naman kami bati noon." Sagot nito. Natawa na lang ako at umiling.

Naglakad na ito papunta sa sala at lumapit sa ama niya. Hinila nito ang pantalon ni Sandro. Sandro looked down and greeted his son with a smile.

"Kakain na." yun lang ang sinabi ni Stanley bago tumalikod at bumalik sa akin. Sandro tailed behind him.

Lihim akong napangiti. The house looked smaller with the presence of Sandro Montreal inside. Kapag kasi nakikita ko o naririnig ang pangalan ni Sandro, parang kadikit na noon ang mga salitang big, grand and luxurious. Isa siyang Montreal, apelyido pa lang niya ay kinatatakutan na. everything about him speaks of fortune, pagkatapos ngayon ay sumisiksik siya sa maliit na lugar na ito just to have our forgiveness. It is not like him.

I really don't think that he is serious about saying that he loves me. Hindi ko rin alam kung kaya ko pa bang magbigay ng isa pang pagkakataon ulit, knowing that my sister and my family is just right around the corner. I don't want to go through that hell again. Natatakot ako na baka kapag sumubok ako ay maulit lang ang lahat. Sandro only wanted Natalia back then, ano bang iba ngayon?

"Aray!" nawala ako sa pagiisip when Stanley spanked Sandro's hands na kukuha na sana ng kanin.

"Problema mo Tol?"

"Magdasal ka muna! Hindi ka nga nagwash ng kamay! Magkakabulate ka niyan sa tyan, diba Sweetheart?" humingi pa ng confirmation si Stanley sa akin. I nodded at wala ng nagawa si Sandro kung hindi ang tumayo at maghugas ng kamay sa lababo. Stanley led the prayer. Ng matapos ang bata ay kinuha ko ang pinggan nito at nilagyan ng ulam at kanin.

"Sweetheart, ako na kasi. Malaki na ako. Hindi na ako bata." Stan tried taking the serving spoon away from me.

"Stanley Philip, anong sabi ko? Wag maingay kapag nasa harap ng pagkain hindi ba? Quiet ka na lang diyan. Kapag may sasabihin ka wag ka ng sumigaw." Sabi ko dito bago inabot ang plato nito sa kanya. I was about to take my plate para ako naman ang kukuha ng pagkain ko when I noticed na may laman na ito. I looked at Sandro na tahimik na kumakain.

"Sweetheart, tubig oh." Stan said bago tiningnan ng masama ang ama. I furrowed my brows. Naano si Stanley at ang sama na naman ng dugo sa ama niya, wala namang ginagawa si Sandro dito ah?

"Phoebe, ulam pa?" Sandro offered me. Umiling ako. Stanley cleared his throat.

"Gusto mo pa ng kanin Sweetheart?" Stan said. Umiling rin ako. When I am done, tumayo din ang dalawa at nagsimulang iligpit ang lamesa. Nag-agawan pa sila sa basahan para magpunas.

"Ako na nga kasing magpupunas. Hindi mo naman abot yung buong lamesa." Sandro said while pulling the rag.

"Ako na lang nga kasi. Doon ka na. Umuwi ka na. nakakain ka na rin naman." Stan added. I just rolled my eyes at the two of them. Sandro looked at me bago ko sinenyasan na ibigay na kay Stanley ang basahan. Hindi sila matatapos dalawa kung pati basahan pagaagawan pa nila.

Pumatong si Stanley sa upuan para maabot ng malilit niyang mga braso ang buong lamesa bago nagpunas. Sandro stood beside me.

"He's really smart." He said. Napahagikgik ako sa sinabi nito.

"Ikaw ba namang magkaroon ng ama na katulad mo, ewan ko lang kung magkakaanak ka pa ng mahina ang ulo." I answered as I soaped the plates. Sandro laughed with what I said.

"And hard headed, and possessive, and bossy, and ruthless." Dagdag pa nito. I rolled my eyes at him at hinarap siya.

"Are you describing Stanley, o ang sarili mo?" I teased. Ngumisi lang ito bago nilapitan si Stanley at kinarga.

"Ano ba Manong! Di pa ako nakapagwalis!"

"Mamaya na yan. Tulungan mo akong ayusin yung higaan ko para mamaya ha?" he said to his son. Stanley stuck his tongue out pero tinulungan din ang ama na kumuha ng unan. Lumabas ako and checked on the two of them.

"Kakasya ka ba sa sofa?" I asked. Sandro looked at me before scratching his head.

"Hindi. Sa lapag na lang ako. Maglalatag ako." He said. I sighed bago tumango. Ginusto niya yan, bahala siya. kung gusto niyang makuha ang tiwala namin, dapat paghirapan niya. Everything that is hardwhile is worthwhile.

"Sweetheart, magbibilang lang ako ng stars sa labas ha?" paalam ni Stanley. Tumango ako. Marami pa namang tao sa daan, at kilala si Stanley dito. Isa pa, naroon din si Nay Esper na pwedeng magbantay rito.

"Hinahayaan mo ang bata na lumabas kahit gabi na?" bakas ang iritasyon sa boses ni Sandro. Tumalikod ako at sinimulang ayusin ang higaan naming mag-ina.

"Maraming nagbabantay sa kanya sa labas Sandro--"

"Sino? Mga sanggano? Lasinggero? Tsismosa? Yun ba yung mga nagbabantay sa anak ko?" tumaas na talaga ang boses nito at nakaramdam na ako ng inis. Ibinagsak ko ang unan and faced him.

"Wag mong kwestyunin ang paraan ko ng pagpapalaki kay Stanley, Sandro. Maayos ang mga tao na yun at wala kang karapatan na husgahan sila. Wala ka ring karapatan na husgahan ako at ang pagpapalaki ko kay Stanley!" I spat. Sandro clenched his jaw.

"If you are against this then leave. Umalis ka na at itigil mo na itong kabaliwan mo Sandro. Bumalik na na sa mansion ninyo. Just stop." I said. Sandro held my arm and jerked me towards him, making me crash my body in his hard chest.

"Don't you dare tell me to stop Phoebe. I didn't wait for you for five fvcking years para tumigil na lang ngayong abot kamay ko na kayo. My love for you and Stanley doesn't have a trigger button. Wala itong switch na pwede mong pindutin at titigil na lang. Dahil kung mayroon, sana noon ko pa pinigilan kung ano man itong nararamdaman ko to spare myself from complications, pero wala." He hissed at me. nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Itinulak ko ito at humakbang palayo sa kanya. I shook my head and looked at him straight into his eyes.

"Mahal mo ako?" I asked him. Sandro's face light up. Lumapit ito sa akin at hinapit ako palapit.

"Oo Phoebe. Walang tulak kabigin. Walang katapon."he said. My chest heaved at nanginig ako. My soul is starting to crumble as doubts slowly crept inside me. tumingin ako ng diretsyo dito.

"Then why did you leave me Sandro? Bakit mo ako iniwan sa Germany noon?" my voice broke. Namutla si Sandro at napahakbang palayo sa tanong ko.

"Phoebe..." he trailed off bago yumuko. Mukhang wala itong maisagot sa akin.

"Forget it. Matulog ka na lang." sabi ko dito at tinalikuran siya.

I stopped on my tracks when Sandro called my name. humarap ako sa kanya.

"Promise me you would not hate me when I tell you everything Phoebe." He said. Kumunot ang noo ko.

"Sandro?"

"If I tell you the truth you would leave me. And I don't want that." He said bago yumuko. Napakagat ako ng labi.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Mangako ka muna sa akin Phoebe."

Tinaas ko ang noo ko bago tumingin ng diretsyo sa kanya.

"I'll try." I said. He looked as if he was contemplating on something bago huminga ng malalim.

"Well..it all started when me and Alexa first came in Germany.."

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Where stories live. Discover now