STANLEY #8

120K 2.6K 260
                                    

STANLEY # 8

Sira pa rin boyfriend ni author. Kawawa naman siya. Di kasi siya mayaman tulad namin eh. Sayang.

Ayun nga, sumunod ako kila Toryang hanggang sa mall. Banas nga kasi nagjeep silang dalawa ni Greg. Kaya ayun, sumakay din ako sa kasunod na jeep nila. Ang init init. Ang lagkit sa pakiramdam. Tapos pinagtitinginan pa ako ng mga nakasakay. Ngayon lang siguro sila nakakita ng katulad ko. Grabe talaga ako. Haay. Sa sobrang gwapo ko, napapanganga na lang yung mga tao sa akin.

Nilabas ko ang pitaka ko at kinuha ang five hundred ko. Ito lang kasi ang barya ko eh. Inabot ko ang bayad sa driver. Napanganga naman siya ng makuha iyon.

"Bata, wala ka bang barya?" tanong nung driver. Uminit lalo ang mainit ko ng ulo. Alam ko naming hot talaga ako-pero nakapagpainit sa akin lalo ang sinabi ng driver na bata ako.

"Wala. Keep the change na lang." sagot ko. Tumingin lalo sa akin ang mga tao. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo na limang daan ang pinangbabayad sa jeep? Asus.

Pawis na pawis ako ng makaabot na ako sa mall. Tinakbo ko ang entrance dahil hindi ko na makita kahit anino man lang ni Toryang. Nag-ikot ikot pa rin ako sa pag-asang makikita ko ang bungi na iyon. Pero nakaabot na ako sa dulo ng mall, wala pa rin sila.

Kinuha ko ang iPhone ko. Yung 6. Yung bendable. Yung kahit sobrang mahal ang daling matupi. Alam ninyo yun? Ay basta, yun na yun. Tinext ko agad si Manong.

"Problema mo?" sagot ni Manong sa kabilang linya. Diba ang sweet niya?

"Tatay kong gwapo, may hihingiin ako." paglalambing ko. Halos masuka suka naman ako ng sinabihan ko siyang gwapo. Naiimagine ko na siyang napapangisi niyan. Uto uto yan eh.


"Bait mo yata ngayon Tol." natatawang sabi niya. Napanguso ako. Mabait lang ako dahil may kailangan ako sayo Tatay.

"Tay, nasa opisina ka,po?" pahabol ko sa po. Nakalimutan ko eh. Para kunwari magalang akong bata.

"Bakit?"

"Nasa mall ako."

"Stanley! Hindi ka na naman pumasok?!" sigaw niya sa kabilang linya. Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.

"Very good Tol. Ganyan din ako noon,hindi ako nag-aaral pero valedictorian pa rin ako. Magaling kasi tayo." mayabang niyang sabi. Tumaas ang kilay ko. Akala ko mapapagalitan ako, hindi pala. Proud pa siyang hindi ako nag aaral. At ang yabang pa niya. Pasalamat siya Tatay ko siya. Hindi ko talaga maintindihan, lahing sinasabi ni Nanay na buong buo akong Alessandro. Na wala akong nakuha kay Nanay. Pero hindi naman ako mayabang eh. Si Manong lang ang mayabang sa pamilya namin.

"Tss. Tay!" pumadyak na ako dahil ang dami niyang sinasabi sa buhay niya. Nakakainis na talaga. Hindi ko na Makita sila Toryang at kailangan ko na silang mahanap bago mahuli ang lahat.

"Ano nga kasi?"

"Pasara mo yung mall. Ngayon na. Nawawal si Toryang. Kasama niya si Greg. Kailangan ko silang mahanp pero ang daming tao. Naiinis na ako Tay. Kanina pa ako naglalakad---"

"Hay, Tol. Gusto mo talaga si Toryang ano?" biglaang sabi niya. Napahinto ako sa paglalakad lakad at bigla na lang natawa.

"Asa ka Tay! Patawa ka. Hindi ko siya gusto. Kadiri ka." naiinis ko ng sabi. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko na si Toryang na may hawak na box at papalabas sa isang music shop. Nakangiti siya kay Greg habang nakaakbay naman ang pangit na iyon sa kanya. Napahigpit ang kapit ko sa cellphone ko at natupi.

Wow. Bendable nga. Nasira agad.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at napahinto sila sa paglalakad ng makita ako. Gulat na gulat si Toryang at agad niyang tinago ang box na hawak niya sa bag niya.

Agad ko siyang hinila at walang sabi sabing kinaladkad papalabas. Naiinis ako. Naiinis ako na nakangiti siya kay Greg. Ang lakas ng loob niyang ngumiti. Hindi ibig sabihin na kumpleto na ipin niya ngingiti na siya. Dapat sa akin lang siya ngumiti para lagi ko siyang maasar.

"Tan Tan, si Greg, iniwan natin." sabi niya. Lalong humigpit ang hawak ko sa pulso niya. Malapit na kami sa exit ng salubingin ako ng guard.

"Sir." nakangiti nitong sabi. Kilala nila ako. Si Manong ang may-ari ng mall eh. Dito kami bumili ng mga action figure ni Natsu noon.

"Toryang!"

Napalingon ako kay Greg na papalapit na sa amin. Agad kong hinarap ang guard.

"Sabi ng Tatay ko, wag na ninyong papapasukin iyong lalaking yu. Lalo na kapag kasama ito." turo k okay Toryang. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Pati na rin ang guard nagtaka.

"Wag mo na silang papapasukin sa mall KO ng magkasama ulit. Nakuha mo?" tanong ko ulit. Tumango na ang guard bago sinalubong si Greg. Nakita kong nakaabang na ang driver ko sa harap. Agad kong dinala doon si Toryang.

"Pasok."

"Tan Tan si Greg-"

"Victoria! Papasok k aba o itutulak kita?!"

Nakita kong nanlaki ang mata niya sa sobrang lakas ng sigaw ko. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakialam. Napayuko si Toryang.

"Hindi natin pwedeng iwan si Greg. Sinabi mo pang magnanakaw siya, adik ka ba? Hindi mo pwedeng gawin yun." naiinis din niyang tanong.

"Montreal ako. Pwede kong gawin kahit anong gusto kong gawin. Sapat ng rason yun. Ngayon pumasok ka na sa loob ng kotse bago ako tuluyang magalit." banta ko sa kanya. Tumigas ang mukha ni Toryang bago nilabas ang box sa bag niya at binato sa akin.

"Nagpatulong ako kay Greg kasi gusto kong bilhan ka ng bagong drumsticks. Hindi ko naibigay nung birthday mo dahil kulang pa ipon ko kaya ngayon lang ako nakabili. Bwisit ka! Siya pa yung ginanyan mo! Wala naman siyang ginagawang masama!" sigaw niya bago ako nilampasan. Tinawag ko siya ulit.

"Saan ka pupunta?!"

"Babalikan ko si Greg." at tuluyan na siyang naglakad papasok. Agad akong tumakbo at hinila siya. Kinarga ko siya bago tinawag ang guard kanina. Agad siyang lumapit habang hawak si Greg.

"Joke lang yung kanina Kuya. Hindi magnanakaw yung pangit na yan." sabi ko bago pinasok si Toryang sa loob ng kotse ko. Agad kong inutusan ang driver na umalis na.

"Baliw ka talaga." bulong niya. Ngumiti lang ako bago binuksan ang kahon. Kinuha ko ang drumsticks na bigay niya at pinaikot ikot iyon sa daliri ko. Nakatingin naman siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

"Grabe kang Montreal ka. Daig mo pa ang Tatay mo." sabi niya. Hindi na ako sumagot. Totoo naman eh.

Isa akong Montreal. I'll just let my surname speak for itself. Hindi na kailangang ipaliwanag. Montreal ako. At makukuha ko kahit na anong gustuhin ko.

At sa lahat po ng nagtatanong kung buo na ba akong lalaki, ang sagot ko-OO. Buong buo na po. Baby pa lang ako tuli na ako. Kaya nga gwapo na ako, bata pa lang ako.

-------------------------------------------

Last 2. :)

May naisip ako. Tutal ibang serye naman ang AEGIS, tutuloy ko na ang Seducing The Bad Boy pagkatapos ng mga special chapter. Pero baka pa lang. Baka lang ha? Tinatamad pa ako eh.

Nagmamahal kay Tao,

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon