Stanley

266K 4.5K 653
                                    

DALAWAMPU'T DALAWA

Nagising ako na wala na yung dalawa sa tabi ko. Tumayo ako pero napaupo rin ako ng makaramdam ako ng kirot sa pagitan ng hita ko, considering Sandro was so rough when he took me dahil na rin sa pagmamadali naming mapuntahan si Stan. I sighed at pinilit na lang tumayo.

"Hindi nga kasi ikaw sasama sa amin ni Nanay!" sigaw ni Stanley habang inaabot ang bayong na hawak ni Sandro.

"At bakit hindi?"

"Kasi ayoko!" sigaw ulit ng anak. Sumandal ako sa pinto at tiningnan kung anong gagawin ni Sandro.

"Hoy, ikaw bata ka, bakit ba ang sungit mo sa akin. Kagabi ang bait mo sa akin ah." Tinuktok ni Sandro ang tungki ng ilong ng anak at naiinis namang inalis ni Stan ang kamay nito.

"Kasi nagkaroon lang naman ng alien sa bahay namin nung dumating ka Tatay! Ikaw may kasalana--" natigil si Stanley sa paghihimutok ng kinuha siya ni Sandro at kinarga.

"Ulit nga Tol." Sabi ni Sandro. Ngumiti si Stanley.

"Sabi ko dumating lang yung mga alien--"

"Hindi yun. Yung isa. Yung tawag mo sa akin. ulitin mo yun Tol." Ungot ni Sandro. Natawa na lang ako ng ngumisi si Stanley at naglahad ng kamay.

"Pahingi munang limang piso po." Sabi nito. Natawa si Sandro at ginulo ang buhok ng bata. Nagpasya na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

"Ayos ka rin ah." Natatawa nitong sabi kay Stan bago nilahad ang kamay niya sa akin. Yumakap ako kay Sandro bago tiningnan ang dala nitong bayong.

"Bakit hawak niyo yan?"

"Mamamalengke daw kami sabi ni Tatay, Nanay. Wala pa daw kasi tayong ulam eh." Sagot ni Stan na pinaglalaruan yung limang piso na hawak niya.

"Sa palengke? Sandro hindi ka pwede doon." Pagbabawal ko. Hindi naman sanay si Sandro sa mga ganoong lugar. Isa pa, pakiramdam ko kahit kailan hindi pa nakakatapak iyang si Sandro sa wet market. Sa yaman ba naman ng mga Montreal, duda na lang ako kung nakarating na ba ito sa palengke.

"Bawal ba yung gwapo doon?" seryoso nitong tanong. Stanley smirked bago tumingin sa ama.

"Hindi naman Tatay. Pwede ako doon eh." Sagot nito. Napatawa ako ng malakas sa sagot ng anak. Ang talino talaga ng baby ko!

"Ang yabang nito ah." Sabi ni Sandro bago inilipat sa kabila niyang braso si Stanley. Hinawakan naman ako ni Sandro sa beywang gamit ang isa niya pang braso.

Nagpumilit pa rin si Sandro na pumunta kami sa palengke at isama siya. Wala na akong nagawa dahil kumampi si Stanley sa kanya. I looked at the two of them habang naglalakad silang dalawa papunta sa sakayan ng jeep. Lihim na lang akong napapangiti kapag naririnig ko ang hagikhik ni Stan o di kaya ay ang pambubuska ni Sandro sa anak.

Hindi naman siguro masamang sumubok ulit hindi ba?

____________________________________________

I was looking at her habang kausap niya ang tindera ng bawang. Her hair was flowing freely from her shoulders and she was smiling so vibrantly. Dumako ang mga mata ko sa labi niya and she bit it unconsciously. My member down there reacted kaya huminga ako ng malalim pero sumiit naman sa ilong ko ang amoy ng mga karne at isda.

"Tatay gusto ko ng itik." Ungot ni Stan sa akin habang nakaturo sa itik na nakatali sa bandang unahan ng palengke. Binuhat ko si Stan at naglakad kami papunta doon.

"Gusto mo yan?" turo ko dun sa kulay brown. Umiling si Stan at bumaba sa akin para ituro ang puti.

"Gusto ko yung white Tatay. Para pwede kong pinturahan." Sabi nito. Tiningnan ko ang mga itik. Tatlo ang puti.

"Magkano po?" tanong ko sa tindera.

"Alin dito ang bibilhin mo pogi?" tanong matanda. Kumunot ang noo ko.

"Lahat. Magkano?" pag uulit ko. Ganito ba talaga sa palengke? Ang daming tanong ng mga tindera. Hindi ba pwedeng ibigay na lang nila agad?

"Lahat?!"

"Ayaw mo?" paghamon ko. Ang arte naman nito. Stan looked at me with pleading eyes at yumuko dito.

"I'll buy you a duck farm na lang Tol. Para wala ng magiinterview pa sa ating dalawa." Sabi ko. Lumiwanag ang mukha ng bata bago tumango at nagpahila na sa akin pabalik kay Phoebe.

"Nanay!" sigaw ni Stan. Nilapitan ko si Phoebe at binuhat ang lahat ng dala niya. I looked at my hand when I felt something wet on the bayong. Inamoy ko ito at napangiwi when I smelled blood.

"Sandro?" Phoebe called me. tiningnan ko ito at nagkunwaring okay lang ako. Pasimple kong pinunas ang kamay ko sa likod na pantalon ko bago lumapit sa mag-ina ko.

"So, this is your life for the past five years?" tanong ko dito. Ngumiti siya bago tumango at kumapit sa braso ko.

"I love you Phoebe." Bulong ko dito. Napatigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Namula ang pisngi niya bago ngumiti sa akin.

"To the moon and back Phoebe. Tagos na tagos." Dagdag ko. Hinampas na niya ako sa braso bago sumandal sa akin habang naghihintay kami ng masasakyan.

When we got home, agad kong tiningnan ang phone ko to check on my office when it beeped. I looked at Phoebe na busy sa pagluluto. I opened the message Mr. Madrigal sent me.

Sandro, I need Phoebe back.

I closed my phone and turned it off. No. hindi ko na ibibigay ulit si Phoebe sa kanila. I learned my lesson then, I will make things right now.

________________________________

Nakakainis si Tatay. Sabi niya bibilhan niya ako ng itik, hindi naman natuloy. Tapos sabi pa niya may alien daw sa bahay, noong hinanap ko naman, wala naman akong nakita. Nagpapacute pa siya kay Nanay, akala mo naman gwapo siya, eh mas pogi kaya ako. Gusto nga ng mga kapitbahay namin, sasali ako sa Showtime, kaso ayaw ko. Baka kasi sumikat ako.

"Tan Tan!!"

Ngumuso ako ng marinig ko na naman yung sigaw ng batang iyon. Lagi na lang siyang sumisigaw. Nakakainis na siya.

"Alis ka nga!" sagot ko bago tumakbo papasok sa bahay pero hinarangan ako ni bungi. Pinaglaruan niya pa yung bulaklak niya sa ulo niya.

"Laro tayo Tan." Hinawakan niya ang kamay ko. Binelatan ko siya.

"Alis ka nga Toryang!"

"Tan naman eh.." nagdabog na ito. Tinitigan ko lang siya bago tinanggal ang kamay niya. Ngumuso siya para pigilan ang luha niya.

"Kapag lumaki ako, papakasalan kita Tan Tan! Akala mo! Tutubo din ngipin ko!" sigaw niya bago tumakbo palayo.

Haaay. Tama nga si Tatay, mahirap talaga maging gwapo. Lagi kang iniiyakan hindi ka naman patay. Kawawa naman ako.

Pinakasabaw na UD ko, ever. Minadali ko lang kasi eh. :)

POV na ng kinababaliwan ninyong si Stan yung nasa dulo. :)

*pen<3

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Where stories live. Discover now