She's Not Expecting That One

285K 5.3K 287
                                    

WALO

"Galit ka pa?!" I rolled my eyes at my twin. Nasa likod niya si Allison at nagtatago.

"Come on Sandz, kausapin mo na kami." nagbeautiful eyes pa siya. Allison made her famous peace sign pero tinitigan ko sila.

"Tulog na si Stan?" I asked them. Allison nodded bago lumapit sa akin.

"Pareho kayo ng temper. Kakaloka. I can imagine you when you were young Kuya." Ali said. Alexa laughed.

"Stan is 100 times worse. Atleast naman noon, hindi nagsasalita si Sandro kahit may temper. Si Stanley kulang na lang lumuwa yung vocal chords kakasigaw ng sweetheart." I sighed then bit my lips.

I am having trouble getting Phoebe, dumagdag pa si Stanley. Ni hindi nga ako makalapit sa kanya dahil palaging bola ng basketball o kaya ng soccer ang sasalubong sa akin. Ang mga kapatid ko lang na babae ang kinakausap niya, sapilitan pa yun. Kakain lang rin siya kapag pancit canton at lucky me ang ulam niya na may halong toyo. Seriously, I am worried for my son's kidney. Alam ba niya kung gaano kaalat ang kinakain niya?

"Manahimik ka Alexa." Saway ko sa kanya. She rolled her eyes bago ako pinalo ng tsinelas sa ulo.

"Ikaw ang arte mo ha?! Nagsosorry na nga ang tao. Sinabi ko na nga na anak mo si Stanley tapos galit ka pa?" nameywang na ito sa harapan ko. I shook my head at tinitigan ito. Wala ng nagawa ang dalawa kung hindi ang lumabas na lang. when the two of them were out, mabilis kong pinuntahan si Stanley sa kwarto niya, hoping he is really asleep now. Ang sakit kayang mabato ng bola sa mukha.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto and crept inside. I sighed in relief when Stan is already fast asleep. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kumot nito. Tinitigan ko siya and remembered Mom saying he looks exactly like me. Pati raw sa ugali.

"Sweetheart..." he mumbled. I furrowed my brows. Alexa said sweetheart ang tawag ng anak niya kay Pheoebe and I don't know why. I smiled bago hinalikan ito sa noo.

My son despises me. My wife doesn't want to be with me. This is not getting better.

____________________________________

"Ma'am kumain na po kayo. Kami pong mapapagalitan ng youngmaster niyan." Pagmamakaawa ng isa sa mga katulong ko. Tiningnan ko lang ang pagkain bago ko tinulak palayo.

"Wala akong gana." Mahina kong sagot. Isang linggo na mula ng ikinulong ako ni Sandro dito. Hindi na rin siya nagpakita pa sa akin magmula noong huli naming pag-uusap. Siguro nawalan na siya ng interes sa akin at gumagawa na siya ng paraan para makuha si Natalia kahit wala ang tulong ko.

Maybe he realized that I am of no use at all. O baka si Natalia na ang kusang bumalik sa kanya at nakalimutan na niyang may isang babae siyang ikinulong.

Vices X Virtues (AWESOMELY PUBLISHED BY POP FICTION)Where stories live. Discover now