Chapter 4.5: Whispers From The Past

213 24 9
                                    

Chapter 4.5: Whispers From The Past

Cassandra's Point of View

Mahimbing nang natutulog si Mio sa crib niya habang nakaupo ako sa kama at pinapanoud siya. Yes, crib, pero malaki laki rin naman. 'Di ko maiwasang makita ang sarili ko kay Mio. I was the same age as her nung iwan kami ni mama ni Victor, my dad, but he doesn't deserve to be called one. Nang dahil sa kanya lumaki akong mag isa. It's like living in the shadows.


Pinagpalit niya kami sa iba. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit. Mabait naman si mama, malambing, maganda, matalino. Siguro nga, she just doesn't deserve my dad.

Simula ng mangyari 'yun nakikita ko nalang si mama pag free time niya sa work, and by free time it means once in a bluemoon. She has to strived for the both of us. Birthdays, pasko, new year, si nana juliet lang ang kasama ko, ang yaya ko. Noong una, para sa isang bata, ang maiwang mag isa ay napaka hirap. Tatanungin mo ang sarili mo, hindi ka naman naging masamang bata hindi ba? Bakit kelangan mong mag isa? Hindi na aba ako mahal ni mommy at ni daddy? For quite some tome I had nightmares, nightmares of being left alone pero sa tuwing nagigising ako, mare-relize ko nalang na hindi lang pala bangugot ang lahat ng 'yon. Pero nasanay narin ako. Wala naman nang magagawa diba?

I was home schooled. Si Yaya Juliet lang at ang mga guro ko ang nakikita ko. Ayoko rin namang lumabas ng bahay, pakiramdam ko hindi ako safe pag nasa labas ako ng bahay namin. 'Pag nasa labas ako ng kwarto ko. Ganun lang ang sitwasyon ko until I reached Highschool. Napilit ako ni Yaya Juliet na lumabas, nag aalala na daw kase siya saken, masama daw na lumaki akong walang nakakasalamuhang tao. At doon ko nakilala sila Miel. Pero dahil sa hinayupak kong ama, nawala sila kasabay ng pagkawala ni Nana Juliet.

~FLASHBACK (6 years ago)~

Nasa ikatlong taon na ako sa hayskul. At sa loob ng tatlong taon na yon, sila Mil ang naging kasangga ko. They never left unlike what my father did. Dala-dala ko ngayon ang bagong padala na digicam ni mama habang naglalakad ako sa hallway ng paaralan namin. Sa wakas magkakaroon na ako ng pic kasama ang buong barkada.

Nasa may pinto na ako ng silid aralan namin at papasok na sana ng may narinig akong usapan. Usapan na hindi ko nalang sana pinakinggan.

"Miel kelan mo ba sasabihin kay Cassandra na step sister mo sya? Tatlong taon na nating nilihim 'toh sa kanya. She derves to know." Rinig kong sabi ni Mia. I gasped. Is this a joke? May hidden cameras ba dito? Cause seriously, this is not funny.

"Please Mia, not now." I heard Miel answered. Naghintay ako sa labas ng pinto. Naghintay akong may lalabas at magsasabing "Joke lang".

"Kung hindi ngayon? Kelan pa? I admit at first, kinabigan ko lang siya dahil ito ang pakiusap ng dad niyo, ni tito victor, pero napamahal na siya saken Miel. At alam kong ikaw rin." Kristine said at rinig kong napatayo na siya. Victor? My dad? What the hell?

Lalapit na sana ako ng magsalita uli si Miel.

"Napamahal? Ako sa kanya?? You kidding me?? Kelan Kris?? Don't you know that would never happen?? She will always be my rival!!"

"What?!!" Sabay pang sigaw ni Mia at Kristine. No, this isn't true. This is not happening.

"Ano bah? Would you stop it. Miel's right." The voice of the who spoke almost broke my heart. That was Jake's voice. My boyfriend's voice. Wala na akong nagawa, nag uunahan ng tumulo ang mga luha ko. Ang saket eh. Ang sakit-sakit. Bakit?

"What the fuck Jake?!! She's your girlfreind. Hanggang kelan mo siya kayang lokohin??" Galit na si Kristine at ramdam ko yun. I waited for an excuse. Kahit anong excuse. Pangako, papatawarin ko siya. Sila.

The Selfie Queen ღ [On-Hold]Место, где живут истории. Откройте их для себя