Chapter 6: Going Through Her Walls

253 24 12
                                    

Chapter 6

Cassandra's POV

Masakit ang ulo ko. Lutang at pakiramdam ko ay magkahiwalay ang ulo at katawan ko. Papasok pa ako ngayon sa building ng condo. It's 6 am at ngayon palang ako nakauwi. At hindi ako galing sa gimik o sa kung saang bar, I'm from work. Nakalimutan ko atang sabihin na model ako sa isa sa mga fashion line companies na hinahandle ng kaibigan ni mama. Selfie Queen nga diba? Kaya given na na mahilig akong mag pose. But the heck with the schedule of that photoshoot, pag ako nagka eyebags, nako makikita nila.

"Excuse me ma'am." Tawag saken ng isa sa mga security guards nang madaan ako sa concierge.

"Hmmm?" Tugon ko sabay lingon sa kanya. Tinanggal ko na rin ang sunglasses na sout. Lumapit si manong guard ng nakangiti at nahiya naman daw ako kaya ngumiti na rin ako.

"Pinabibigay ho ni Sir Matthews ma'am." Inabot niya saken ang isang bouquet ng pulang-pulang mga rosas. Naka kunot noong tinanggap ko ito at tinitigan ng mabuti. Ano nanamang trip ni Matthews sa buhay?

"Thank you Mang Ben. Akyat na ho ako." Tinanguhan nalang ako ng butihing guard at umalis na. Habang nasa elevator, kinuha ko ang card na nakaipit dito at binasa. A smile crept in my lips when I read it. Believe me, this will be a very nice day for me.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ko, dumiretso na ako sa banyo at mabilis na naligo. Nung makapasok ako sa kwatro ko ay binagsak ko agad ang katawan sa malambot kong higaan. This is heaven. Tili rin ako ng tili habang gumugulong. I'm so happy. Wanna know what's written in the card?

Red roses for a beautiful lady. Won't be able to see you today. Something came up. -Dale

Yang mahiwagang note nayan ang kumumpleto ng araw ko. And noooooooo hindi ako kinilig. Langyang Dale Matthews nayan, I'm just so happy that I'm gonna have this day for myself after how many days. Ganito kasi yan, remember mom's party? After that, I went straight to Brooklyn for an emergency photoshoot na dun ginanap, buti nalang at na excuse ako sa ibang classes ko. Sinend ko nalang via email lahat ng namiss kong requirements. So long story short, I stayed there for almost 2 weeks and when I got here this freakin' seductive guy keeps on pestering me. HINDI AKO NILUBAYAN NG HINAYUPAK NATOH.

Here read this.


(From Brooklyn)

Day 1

Pagkalabas na pagkalabas ko sa unit ko, isang nakangiting Dale Matthews ang sumalubong saken.

"Good morning Cassie my lhubs."

Tinignan ko lang siya at nilampasan. Pero si lolong makulit ay bumuntot lang saken.

"Cassie babes. Di moko namiss? Ilang days tayong di nagkita eh?"

"No"

Sagot ko nang di parin siya nililingon. At pano ko yan mamimiss aber? Message ng message sa fb, tawag ng tawag sa phone ko. Not that I would miss him kung 'di siya nagparamdam.

"Kahit konti?" Pangungulit pa rin niya.

"No." Tugon ko ulit.

"San ka pupunta?" Sobrang bored na ba talaga ng taong 'toh kaya ako nalang ang pinagdidiskitahan?

"None of your business."

"Sa university?"

For the nth time, he made me stop at inis na ins na nilingon siya.

"Ano bang problema mo? Sa lahat ng tao dito, bat ako pa ang binubwisit mo? Look, I don't have time for your funs and games okay?"

"Well as your neighbor I wanna build good relationship with you." Tinignan ko siya na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Nakakabobo naman kase ang sagot niya.

The Selfie Queen ღ [On-Hold]Where stories live. Discover now