Chapter 14: The Other Side Of The Queen

142 16 14
                                    

CHAPTER 14: The Other Side Of The Queen

Cassandra's Point of View

Matapos kong tawagan ang isang tao ay napagdesisyunan kong bumangon na mula sa kama. Sinout ko muna ang sapin sa paa bago tuluyang naglakad papunta sa pinto ng banyo kung saan pumasok si Dale kanikanina lang.

"Dale?"

Kumatok ako sa pinto niya at pabulong na tinawag ang pangalan niya. Ayaw ko naman kasing magising si Mio. Tsk. Yan tuloy, mukha akong baliw na binubulungan ang pinto. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago tuluyang binuksan ni Dale ang pinto.

Tagal ah? Dalaga much?

Nakasout lang siya ng simpleng bluejeans at plain white shirt habang busy ang kaliwang kamay niya, na may puting tuwalya, na patuyuin ang basang buhok. Amoy na amoy sa kinatatayuan ko ang panlalakeng pabango niya. Nakangiting lumapit siya sa akin at sumandal sa threshold ng pinto.

"Yes Hon?"

For an unkown reason, naramdaman ko na lang ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi ko. What on Earth is happening to me?! Tumitig lang ako kay Dale at nang mapansin niya ang reaksyon ko ay napatigil siya sa ginagawa at nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mapakurap ako. Kumurap-kurap din siya habang titig na titig sa mukha ko na para bang inoobserbahan ang isang bagong specie na di pa nadidescover ng mga scientist. Ano bang proble-

"Cass baby.. you're blushing."

It's a statement and not a question.

"Inlove kana saken noh?"

Titig na titig pa rin siya saken at sa tanang buhay ko ngayon lang ako naconcious sa itsura ko. For goodness sake! Hindi pa ako nakakapag hilamos o toothbrush man lang?? Uggh.. Cassandra si Dale lang yan ano ka ba?? Kaya para madivert ang attensyon niya at di na matuon sa namumulang pisngi ko ang topic ay piningot ko nalang ang ilong niya.

"Hindi ako nagblush Dale. Sadyang rosie lang cheeks ko. AT Wag na wag kang sisigaw. Kalalake mong tao. Hihiyaw ka sa harap ng isang babae?"

Pabulong ko paring sabi ng akmang magrereklamo siya sa pagpingot ko ng ilong niya. Kaso... Why does it feels like nangyari natoh? Dejavu? Napatigill din si Dale at titig na titig saken. Uhhh... may dumi ba sa mukha ko?

"Anyway, let's order a cake Dale." 

Binitawan ko na ang kasalukuyang namumula niyang ilong habang hinimas-himas niya naman ito at dahan-dahang tumayo ng tuwid.

"Aray naman Cass.. Pero teka.. Gusto mo nang cake?? Ganito kaaga? Naglilihi ka na ba Cass?? Nag holding hands lang naman tayo ah? Nakakabuntis bayun?? Shit! I'm gonna be a father!! Gusto mo bang mangga? Green manggoes? Kelan tayo mag pre-pre natal- OW!"

Ayan! Nabatukan ko tuloy. Kaaga-aga kung anu-ano pinag iisip eh? Hayyy! 

The Selfie Queen ღ [On-Hold]Where stories live. Discover now