Chapter 19: Meet The Matthews

77 12 15
                                    

CHAPTER 19: Meet The Matthews


Cassandra's Point of View


Nagising ako ng dahil sa ingay na nanggagling sa labas. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at marahan akong bumangon sa malambot na kamang kinahihigaan ko. I winced at nasapo ko ang aking ulo ng bigla itong sumakit. Damn!


What happened? Where am I?


Inilibot ko ang paningin ko at ngayon ko lang napansing hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko. Inalis ko ang kumot na nakapatong sa katawan ko at ibinababa ang dalawang paa upang isuot ang high heels na kanina pa maayos na nakalagay sa paanan ng kama. I saw myself in the mirror in front me and I frowned.


Maayos naman ang itsura ko pero nagulo ang medyo kulot kong buhok. Tsk. Mahal ko pa ang buhok ko kesa sa mga gadgets ko. Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri at nang masatisfied ako ay tumayo na akong tuluyan. Binuksan ko ang pinto at isang malaking hallway ang tumambad sa akin. Sinundan ko ang ingay na kanina ko pa naririnig at habang naglalakad ay di ko maiwasang mamangha sa disenyo ng bahay. It's so huge like ours. Pero iba ang aura nito, it's so... warm.


And for an unknown reason, I felt like home.


Bumaba ako sa isang malaking staircase at nang tuluyan ko ng marating ang pinaka baba ay nakita ko na ang pinanggalingan ng mga boses.


In a sofa with it's back on me, tahimik na nakaupo si Dale habang may isa pang pamilyar na bulto ng isang babae ang nakaupo sa tabi nito. Sa harap naman nila ay isa pang sofa kung saan nakaupo ang tila aliw na aliw na isang ginang na kasing edad ni Mommy. She's wearing a red sabrina dress, a simple gold necklace with a pearl pendant, and a glass of wine on her left hand. Sa tabi nito ay isang lalaking kung makikita niyo ay parang older version ni Dale. He's wearing a gray tuxedo at may hawak ring baso habang ang isang kamay ay nakaakbay sa babae kanina. In a single sofa, ay may isang sopistikadang babae na naka eyeglasses at nakasout ng peach dress na prenteng nakaupo lamang habang napapailing sa mga kausap. Sa paanan naman nito, sa mismong sahig, ay nakaupo si Jake habang nakataas ang kanang tuhod kung saan ipinatong niya ang kanang braso at umiinom rin ng wine.


Makikita mo talaga ang kasihayan sa mukha ng pamilyang ito. A family I never had. I felt a pang of jealousy but I composed myself.

"You are not a selfie queen for nothing Cassandra." Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko upang pilit na iwakli ang pang hihinayang na nadarama ko.


Nang maibaba ni Jake ang iniinom ay napadako ang tingin niya sakin. Parehas pa kaming nagkagulatan pero maya-maya pa ay marahan niyang siniko ang paa ng babaeng naka eyeglasses. Nilingon siya nito at tinuro naman ako ni Jake kaya napatingin rin sa akin ang babae. Ngumiti ang babae sa akin at tila ito ang naging hudyat para lumingon ang lahat sa akin.


Bigla tuloy akong na concious sa sout ko. I'm wearing a gray three-sister skirt, a gray tank top na pinatungan ng white coat with black accents paired with black high heels. Also, nang lumingon silang lahat sa akin, that's where I found out na si Steffi ang katabi ni Dale. Wait.. Steffi??


"Our guest is awake." Nakangiting sabi ng lalaking katabi ng babaeng ka edad ni Mommy. Tumayo naman si Dale at nilapitan ako. Umakbay siya sa aken at iginaya ako papalapit sa kanilang lahat. Ipinulupot ko naman ang isang braso ko sa bewang niya. And I felt him sigh contentedly. He smiled at me pero tinitigan ko lang siya.


Tumayo naman silang lahat at isa-isang bumeso sakin.


"Everyone, I'd like you to meet my baby, Cassandra. Cassandra, meet... everyone." Palihim ko siyang siniko pero nginisihan niya lang ako. Kung hindi lang ako nahihiya sa harap ng pamilya ng mokong na toh, kanina pa ito bumalandra sa sahig. Ipakilala ba naman daw ako as his baby? Lintek yan. -____-

The Selfie Queen ღ [On-Hold]Where stories live. Discover now