Chapter 21: Milo The First and Mio The Second

101 10 7
                                    

CHAPTER 21: Milo The First and Mio The Second


Cassandra’s Point of View


Tanghali na nang magising ako. Hinanap agad ng mga mata ko si Dale but he's nowhere to be found. And for some reason, I felt a pang of disappointment. Dahan-dahan akong tumayo pero di ko pa rin mapigilang mapangiwi. I’m so sore. Naka-ilang ulit pa kasi kami ni---------- >//////////////////< deym.

Sinuot ko ang pink shirt ni Dale na nakita ko sa sofa dito sa loob. Nanliit ako sa shirt niya. Hanggang thighs ko na kasi ito. Naghalungkat rin ako sa cabinet niya at nanghiram ng malinis na boxer shorts. I put it on at lumabas na ng kwarto niya.

Ang tahimik naman ng bahay nila. Don’t tell me iniwan ako ng lalaking yun dito? Haishh.. At habang tinatahak ko ang hallway nila, I felt the coldness of the floor on my feet. Sa'n na nga ba kase si Dale?

“I’m lucky I’m in love with my Cassieeeeee.. Lucky to have been where I HAVE been. Lucky to be coming homee againnn..”

I stopped in my tracks at umatras ng ilang hakbang. Nilingon ko ang daanan papunta sa kusina nila. Lumapit ako sa door frame and there I found Dale. Napataas ang kilay ko habang pinapanood siyang nagluluto. Nakasuot lang siya ng sweatpants and pink apron. Kume-kembot at kinakanta ang sariling version niya ng Lucky. Nakatalikod siya sa akin that’s why I could clearly see how his muscles flexed every time he moves the pan in his hands.

Napansin niya siguro ang presensya ko kaya napalingon siya sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata niya, binitawan ang hawak na frying pan at tarantang lumapit sa akin.


“Dapat hindi ka muna bumangon, baby! I know you're sore.” Namula ang magkabilang pisngi ko at pinigilan siya ng akmang bubuhatin niya ako. Please tell me I didn’t sleep with a paranoid man.

“I’m fine. Pero ang food natin hindi.” Inginuso ko sa kanya ang naiwang niluluto at nasapo naman niya ang noo ng wala sa oras. Agad niyang pinatay ang apoy at isinalang sa plato ang mga niluto. Inilatag niya ito sa lamesa at nilapitan uli ako upang alalayang umupo.

“Dale, hindi naman ako disabled kaya di mo na dapat ako tinatrato ng ganito.”

“I’m just caring for my future Mrs. Matthews. Ayoko namang ma stress o ma trauma ka.”

Oh God. Paglalakad lang ma i-stress na? Ma trauma? Marahan kong sinapak ang ulo niya na siyang ikinatawa niya lang.

“Mrs. Matthews mo mukha mo. How sure are you na pakakasalan kita, aber?”

“Una, pakakasalan mo 'ko dahil kay Mio the Second or kay Milo the first.” tinitigan ko siya na para bang tinubuan siya ng apat na mata at kinunutan ko siya ng noo.

Naintindihan niya sigurong hindi ko na gets ang pinagsasabi niya kaya sumiksik pa siya sa tabi. Hinawakan niya ang sinapupunan ko na siyang naging dahilan para mapa-pitlag ako.

“I’m sure may laman na 'to. And we will name him/her Mio the second or Milo.”

“Don’t get your hopes up, Dale. Walang laman yan.” wala naman talaga eh. I’m safe kaya imposibleng may mabuo. But Milo’s a cute name. I smiled secretly.

Akmang sasapakin ko uli ang ulo niya ng saluhin niya ang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. Ipinalibot niya naman ang dalawang braso sa bewang ko at hinapit pa ako. He leaned down and whispered, “Sooner or later magkakaroon din yan. And second, you're gonna marry me because you love me as much as I love you,” before claiming my lips. I can’t help but moan and I felt him smiled in between our kisses.

“Awww. . .  Sweet..”

“Shhhh.”

“Sabi ko naman sayong wag na isama si Steffi, eh,”

The Selfie Queen ღ [On-Hold]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt