Chapter 5: In His Point Of View

241 26 10
                                    

CHAPTER 5: In His Point Of View

Dale's Point of View

Ilang beses ko nang tinignan ang relos ko at halos maghahating gabi na pero ni anino ni Cassandra ay hindi ko man lang nakita. Hindi dumating si Sungit sa party ko. Nakapag ligpit nalang ako't lahat pero ni ha, ni ho ay wala akong napala. Ilang beses ko na ring siyang kinontak pero hindi niya man lang sinasagot kahit isa sa mga tawag ko. Okay lang sana yun, kaso ilang araw ko narin siyang hindi nakikita. Andami ko pa kaseng ginagawa at mga papeles na kelangang asikasuhin. So here I am, stuck in the main office of our company. The Matthews Inc. Kumusta na kaya si Cassie? Alam kong nagtataka na kayo kung sino nga ba ako sa storyang 'to. Pero bago ang lahat, may ikukuwento muna ako sa inyo.


Once there was an ugly 7 years old boy. May malaki siyang peklat sa kanang pisngi, dahilan para pandirihan at layuan siya ng mga kaklase niya. Until he met a little girl. Kinaibigan siya? Nope! Di ganyan ka cliche ang storyang toh. Imbes na icomfort siya ay binubully siya netoh. And instead of calling him by his name, Dada ang tawag sa kanya nito. Masyado daw kaseng maganda ang pangalan niya para sa kanya. Sungit niya noh? Pero alam niyo? dahil sa batang babae na'to hindi na nag iisa si little boy natin. She kept him company kahit puro kantyaw at batok ang naabot nya dito. For some reasons, that made our little boy happy. But one day, when he thought things are getting better.


"Hoy DADA. aalis na ako. Pero habang wala ako, wag kang magpapa bully sa iba ha? Kundi pipingutin talaga kita?! Dahil ako lang ang may karapatan na awayin ka! Gets?" Pagsusungit ng batang babae. Kasalukuyan silang nasa parke ng village nila at naglalaro.


"You comin' back Lee-Lee?" Medyo malungkot na tanong ng batang lalake sa kalaro.

"Malay ko? Di pa nga ako umaalis, pinapabalik mo na ako?" Tumaas na ang kanang kilay ng batang babae.

"You're leaving me alone?" Halos maiyak na ang batang lalake. Isinasaisip na baka ito na ang huling paglalaro kasama si Lee-Lee.

"NO ONE DESERVES TO BE ALONE! Tandaan mo yan dada. Kaya kapalan mo bunbunan mo. When I return dapat madami ka nang freinds kung hindi ISASABIT KITA SA PUNONG YAN?!!" Bulyaw ni Lee-Lee sabay turo sa puno na nasa likod nila pareho.

"Hahanapin kita Lee-Lee."

"Whatever, napaka laki kaya ng mundo. Paano ka ba mag isip? Hairpin ko nga, sa bahay lang nawala hindi ko na nakita, tao pa kaya na hahanapin mo sa buong mundo?" Tumalikod na ang batang babae para umalis ng muli siyang lumingon sa nagpipigil ng luha na batang lalaki.

Lumapit siyang muli para mag iwan ng remembrance sa batang lalake.

A hug? Nope.

A kiss? Nope.

Isang malutong na sampal.

*Pak*

"Wag kang iiyak, dada. Kalalake mong tao." She said as she stared at him.

Napatango nalang ang batang lalake kahit na pumipintig sa sakit ang kanyang pisngi. Pinigilan niyang umiyak but a tear escaped from his eye not because of his stinging cheek, pero dahil iiwan na sya ng kaibigan (?) niya.


But what surprised him the most is to feel Lee-Lee's arms around him. Then she whispered "Till then PANGIT." And the little girl run away from him. There, naiwan siyang tinitignan na lamang ang paliit na imahe ng batang naging malaki ang parte sa buhay niya.

"I will find you Lee-Lee. I will." The little boy whispered a promise.


The little boy never heard from Lee-Lee again. He stayed in states at pina operahan ang peklat sa mukha. Naisip niyang huwag nalang at baka hindi na siya makilala ni Lee-Lee pag nagkita sila, subalit napaisip naman siya na baka hindi siya magustuhanng batang babae paglaki nila. He growned up to be a fine young man. At ngayon, he owns a lot of companies, even a university. And Dada is known now as Dale Matthews.


Halos malibot ko na ang buong mundo kakahanap kay Lee-Lee. Medyo nahirapan nga ako kase hindi ko na matandaan ang buong pangalan niya. I found out that she lived in San Francisco for quite some time kaso nagkasalisi na kami kase nang mahanap ko ang tinutuluyan nila doon, ay saka pa sila umuwi ng Pilipinas. And I found out na model na pala siya ngayon. I even met her the other day. Pero di na niya ako ma alala. Sinarhan pa nga ako ng pinto eh? Ang sungit niya pa rin. Pero mas gumanda na siya ngayon. Hindi masyadong naglalagay ng make up at hindi pa rin nagbabago ang mga mata niya. Lalo na ang pagtaas ng kilay niya.


And yees, Lee-lee is Cassandra.


Sinadya ko talagang tumira sa harap ng unit niya. At ang pagiging professor niya? I owned the school, besides temporary lang naman ang pagiging professor ko. At etoh ako ngayon, tinatapos nalang ang mga papeles na kakailangin para tuluyan na akong maging may ari ng University.


Ano kaya ang nangyari sa kanya sa loob ng 18 taon nayon? Ang dami ng nagbago kay Cassandra. But what matters now is that I found her.. And I wont lose her, not now, not ever, not even to anyone. And I'll make The Selfie Queen fall for me.. 

In any ways.. 

---------

(a/n : Holllooooo nag lihim si Cassie sa inyo.. Di niya sinabing model siya.. hihihihhi

Pero sa mga nagbabasa ng TSQ chalamat! Ayabyow all!)

The Selfie Queen ღ [On-Hold]Where stories live. Discover now