Episode 5: Stuck Together (Part 1)

3.8K 61 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

"Sino yan!?"

Singhal agad ang ibinungad ni Nanay Charito sa dalawang lalaking kakapasok pa lamang sa pintuan. Wala man itong masyadong epekto sa sanay nang manugang ay mukhang labis namang natameme ang bisitang kasama nito.

"Nay, si Mr. Xander del Viñedo ho. Boss ko."

"Good afternoon po," malumanay na bati ng binata.

"Ahhhhh...." Tumango naman ang ginang na noo'y papalapit narin sa pintuan. "Ikaw ba yung bagong may-ari ng plantation?"

"Yes, ma'am," mabilis na sagot ni Xander.

"Yung gustong magpasara at magtanggal ng mga kabuhayan ng mga taga Santa Catalina?"

"Uhh...." Hindi na nakapagsalita ang lalaki at napanganga na lamang ito sa harap ng matanda.

"ISA KA PA! Anong ginagawa ng pagmumukha mo dito ha? Gusto niyo talagang lahat makatikim ng mag-asawang sipa at sampal eh!"

Walang tigil na pinalo ng ina ang bisita gamit ang hawak nitong walis-tambo at pilit itong itinaboy palabas.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito! 'Yan ang dapat sa'yo!"

"Teka po... wait.... AAHHH!!" Dali-dali namang nagtago si Xander sa likod ni Andrew nang hindi na mapigilan ang panghahampas ng ginang.

"Nay! Wag ho 'yong boss ko!" Sinalag naman ng manugang ang mga hataw nito para sa amo.

Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeWhere stories live. Discover now