Episode 12: The Comeback (Part 3)

3K 53 20
                                    

10:45pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

10:45pm.

Wala parin si Xander at hindi parin umuuwi. Hindi naman ito makamusta ni Cathy dahil nga sa nawawala pala ang cellphone nito. Kaya pala hindi ito sumasagot sa mga tawag o text messages niya kanina.

Mag-aalas onse na nga pero paulit-ulit paring tumatakbo sa isipan niya ang mga pangitain sa opisina. Hindi niya maalis sa utak niya ang pagsasalitan ng mga bibig ni Xander at Ariana na labis na nagpapakirot sa kanyang dibdib. Kahit ano pang sabihin ng asawa na wala itong ibig sabihin dito ay hindi talaga niya kayang balewalain ang mga haplos nito sa nobya na kitang-kita ng mga mata niya kanina.

Mahal pa nga kaya ni Xander si Ariana?

Napabuntong-hininga nalang siya at nanumbalik sa pagkakabit ng mga larawan ng ultrasound ni Zion sa ginagawa niyang scrapbook. Ni isang beses ay hindi pa ito nakikita ng ama ng personal. Tanging sa mga larawan lamang nito ito nasisilayan.

"Pagpasensyahan mo na si Daddy ha? Marami lang siyang inaasikaso ngayon. Pero love na love ka niya. Tandaan mo yan."

Hinawakan niya ang kanyang tiyan at pilit na ngumiti. Hiniling niya na sana ay maintindihan ito ng bata para hindi naman ito magtampo sa ama.

Bigla naman niyang naramdaman ang paggalaw nito't pagsipa. Napangiti tuloy siya ng malaki habang hinahaplos ang gumalaw na parte.

"Gising ka pa? Tulog na, anak. Si Mommy nalang maghihintay kay Daddy ha? Wag ka magpuyat, baby. Sweet dreams."

Tinapik-tapik niya ito at kinantahan ng pampatulog na lullaby. Sa pagtatapos niya ay napadako na naman ang tingin niya sa kanyang cellphone na hanggang ngayon ay hindi parin tumutunog.

* * *

11:52pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

11:52pm.

Wala parin si Xander. Ni tawag o text man lang ay walang natatanggap si Cathy galing dito. Sinubukan naman niyang tanungin kanina si Paolo pero ang sabi nito'y matagal na raw nakaalis ng opisina ang amo.

Tinawagan muli niya ang cellphone ng asawa sa pag-asang baka natagpuan na ito nito, ngunit hanggang ngayon ay wala paring sumasagot sa kabilang linya.

Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeWhere stories live. Discover now