Episode 12: The Comeback (Part 1)

3.4K 49 0
                                    

"Apo, are you okay?"

Nasilayan ni Cathy na nakamasid sa pintuan ng nursery si Madam Ramona. Puno ito ng pagaalala sa mukha.

"Lola..."

Lumapit naman ito agad sa kanyang kinauupuan sa tabi ng crib ng bata.

"Bakit ka nagkukulong dito? Hindi na kita nakita sa labas after breakfast," masinsing tanong nito.

"Inaayos ko po kasi yung mga gamit ni Zion," sagot naman niya sa ginang habang nilalagyan ng dekorasyon ang baby album ng anak.

"Pero parang ang lungkot mo naman. What's wrong? You can tell me."

Umiling siya at nagpakita ng maliit na ngiti. Hindi niya alam kung sapat na ba iyon para hindi ito mag-alala pero iyon lang kasi ang kaya niyang ibigay.

Pinagmasdan naman siya nito't pinakiramdaman kaya't napilitan siyang magsalita ng kung ano pang pumapasok sa isip.

"Sinusulit ko lang po yung mother and son bonding namin. Kapag lumabas na po kasi siya, marami na akong kahati," pabiro niyang lahad.

Dahan-dahan na umupo ang lola sa kanyang tabi at tumulong sa pagkakabit ng mga stickers sa scrapbook.

"May problema ba kayo ni Xander?"

Umiling siya ng marahan.

"Don't lie. You know lying is bad."

Nahihiya tuloy siyang napatingin sa matanda bago nagpakawala ng malalim na hininga.

"Wala naman po siguro. Busy lang talaga siya ngayon sa trabaho," sabi narin niya.

"I know. I should check up on him and see what's keeping him busy. Ni hindi nga sumama sa checkup mo with Dr. Davide eh. Unbelievable. If he's up to something again—!"

"Lola... okay lang po..." pigil niya dito sabay hawak sa braso ng lola. "Wag niyo na pong pagalitan si Xander. Feeling ko kailangan lang talaga siya sa office ngayon."

Nang napako muli sa kanya ang tingin ni Madam ay bumalik siya sa kanyang pagaasikaso sa ginagawang album.

"Mahal mo talaga siya 'no?"

Napatigil siya saglit sa kanyang ginagawa at saka nalang nanumbalik ng may kasamang tango. 

"Gracias, hija. Salamat sa'yo. Ang laki ng pagbabago na nakikita ko sa kanya," pagpapatuloy ng matanda.

"Él te quiere mucho. He loves you very much. I can tell..."

"... And when you love each other, don't let anything come between you. Huwag niyong pakakawalan ang isa't isa, por favor. You are for each other."

"... One cannot live without the other. I can feel it in my heart. No matter what happens, you will always find each other."

Nagulat siya sa sinabi nito dahil iyon din ang eksaktong sinabi ng estrangherang matanda na nakasalubong nila ni Xander sa Japan. Napatingin tuloy siyang muli sa ginang ng may pagtataka.

"Vale?"

Halos tulala parin siyang nakatingin ngunit tumango naman siya sa sinabi nito. Kahit paano'y lumakas ang kanyang kumpiyansa at napanatag ang kanyang loob.

"You have my full support," pangako nito na hinawakan ang kanyang braso.

* * *

* * *

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeWhere stories live. Discover now