ON THE PHONE
Paolo 📞 XanderPAOLO: Boss?
XANDER: Yes?
PAOLO: Mga anong oras mo kami balak siputin? Nandito na kaming lahat, o. Nagpatawag ka ng emergency meeting diba?
XANDER: Right...
PAOLO: Sakit eh. Sakit umasa.
XANDER: Just... tell them I'll be late.
PAOLO: Busy ka, bossing?
XANDER: I just have to do something. I'll be there after lunch.
PAOLO: Eh, sa'kin okay lang naman 'yan, boss. Sanay na 'ko d'yan. Pero alam mo naman ang nangyayari kapag isinasantabi mo 'yong mga problema dito sa opisina. Remind ko lang ha... 'yong plantation? Si Mr. G.? 'Yong scandal niyo ni Ma'am Cathy?
XANDER: (Lumayo pa lalo kay Cathy) She's not part of the problem. Leave her out of this.
PAOLO: Wala naman akong masamang ibig sabihin do'n. Team XanThy nga ako diba? Kaso Team "Patay Tayo If No Show Si Boss" din ako. Anong sasabihin mo sa investors' meeting bukas? Ready ka na ba?
XANDER: (Bumuntong-hininga)
PAOLO: Kaya nga... kung ano man 'yang gagawin mo ngayon, pwede, sir... next time na muna? Suggestion lang ha.
XANDER: It's kind of important, too...
PAOLO: Mas importante pa sa kompanya mo? Sa future ng anak mo?
XANDER: (Bumuntong-hininga ulit) Alright, fine... I need to be picked up. I don't have my car with me. Send someone over.
PAOLO: Oks na oks. Copy that.
* * *
* * *
YOU ARE READING
Fated to Love You: BOOK 1 || Social Serye
RomantikusCONTAINS SOME MATURE SCENES Paano kung dahil sa isang gabi ng pagkakamali ay habambuhay kang matali sa taong hindi mo kilala? Kaya mo bang iwaksi ang mga plano't pangarap para sa buhay na hindi mo naman ginusto? Lalung-lalo na kung hindi lang kayong...