Episode 14: Revelation [Part 2] (P2)

3K 38 6
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

Ilang kwarto at pasilyo narin ang sinilip ni Xander simula ng lumabas siya sa dressing room pero hindi parin niya matagpuan ang asawa. Naghalu-halo na't halos natakpan ng pagka-busy ng crew at pagkalat ng samu't saring mga props sa daan ang kanyang nilalakaran. Bawat lingon niya'y wala paring Cathy na lumilitaw sa kanyang harapan. Napabuntong-hininga tuloy siya't naisipan munang tumigil sa isang tabi. Saan naman kaya ulit ito nagtungo?

Babalik na sana siya sa kanyang pinanggalingan upang doon magpatuloy sa paghahanap nang biglang may dumating na agaw-pansing grupo sa lugar. Agad ring nagtipon ang mga ito malapit sa may pintuan at pinalibutan ang isang babaeng nakasuot ng bestidang puti. Hindi naman niya mawari kung sino iyon dahil sa mga kumikislap na ilaw ng camera. Nanatili siya sa kanyang kinasasandalan habang tahimik na nagmamasid sa mga kaganapan.

"Ms. Cathy, final shot then balik na tayo kay Madam, okay?" Sabi ng litratista sa natatakpakang kaharap.

Nagulat siya sa pagkakarinig sa pangalang iyon. Ilang milyong tao naman siguro sa mundo ang may ganoong pangalan ngunit iisa lang ang naiisip niya kapag naririnig niya ito. Lalo tuloy nanghaba ang leeg niya sa katitingin sa nahaharangang misteryosang babae. Sa huli'y hindi na siya nakapagpigil at agad narin niyang sinadya ang pinagtitipunan nitong pwesto. Tumungo agad siya sa may harapang gilid upang madaliang makita kung sino ang kinukuhanan.

"Cathy?" Tawag niya sa nakapusturang musa.

Napatingin naman ang esposa sa kanya't tila nawala sa konsentrasyon. Mukhang nagulat ito ng husto sa paglitaw niya kaya't napahawak ito sa dibdib.

"I'm sorry... I didn't mean to startle you," paumanhin niya sa misis.

Parang parehas na sila ngayong naghahabol ng hinihinga sa muling pagkikita. Ewan ba niya kung bakit siya hinihingal gayung hindi naman siya tumakbo. Ang lakas ng tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ng buo ang asawa mula ulo hanggang paa.

"We'll leave you two here," agad na sabi ng nakangiting stylist na mabilis na inaya ang mga kasama palayo.

Unti-unti siyang lumapit sa esposang napapako sa kinatatayuan. Nakaramdam ata ito ng pagkaasiwa sa suot kaya't pilit nitong hinihila pataas ang strap ng bestida.

Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeWhere stories live. Discover now