Episode 9: The Second Trip (Part 4)

3.4K 71 5
                                    

Sumalubong agad si Xander kay Cathy pagkapansin nito sa pagpasok ng babae sa malaking entrada ng gusali. Napangiti siya at tumangu-tango nang makita ang ayos ng paparating na asawa. Mas maganda pa pala sa personal ang pagkasuot nito sa puting damit na pinili niya para sa gabing iyon.

"You look stunning, Mrs. del Viñedo," bati niya sa babaeng nahihiya pa habang naglalakad.

"Thank you," mahinhing sagot nito nang magkaabot din silang dalawa. "Pero bakit naman gano'n yung mga damit na pinasusuot mo sa'kin? Laging may shortage sa likod."

Natawa naman siya sa komento nito na malamang ay iniisip rin ang unang damit na ipinasuot niya sa cruise sa Singapore.

"Siyempre. If you have a sexy back, you should flaunt it," tugon niya dito habang hinihila sa baywang ang esposa.

Gusto pa sana niyang manatili silang ganoong magkalapit pero nagsisimula na silang mapansin ng mga press sa tabi. Hindi nga nagtagal ay kabit-kabila na ang pagkislap ng mga hawak nitong camera sa kanilang direksyon kaya't agad niyang kinuha ang kamay ni Cathy para ilayo siya sa mga ito.

Dinala niya ang kasama sa isang pribadong bulwagan na kung saan ay nagkukuwentuhan ang iba pang mga naghihintay na tagapanood. Dito ay walang masyadong media na nakikiaalam sa kung anong pinaguusapan o ginagawa ng mga tao sa kwarto.

"Do you want something to eat?" Alok niya sa asawang tila hindi parin nawawala ang pagkaasiwa.

Itinuro niya ang mesa na may iba't ibang klase ng finger foods, pero umiling naman ito at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid. Napabuntong-hininga na lamang siya sa weirdong ikinikilos ni Cathy at binigyan ng kaunting pisil ang kamay nitong kanyang hawak.

"She's not here, if you're looking for her. She's backstage."

Agad binawi ng katuwang ang kamay nito sa kanyang pagtangan at saka pumuwesto ng patago sa kanyang likuran. Kumunot bigla ang noo niya habang sumusulyap sa esposang ngayo'y nakahalukipkip.

"Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong nito sa kanya.

"Why?"

"Paano kung isa sa mga nakakita sa'tin yung magsabi kay Ariana? Anong sasabihin ng press tungkol sa inyo? Sa'yo?"

Tuluyan siyang humarap dito at iniharang ang sarili sa mapangusisang tingin ng mga kalapit kay Cathy. Hindi man nakikialam ang mga bisita sa lugar ay hindi rin maiiwasan ang paminsan-minsan nilang pangiisyoso.

"All I know is that I'm with my wife and I don't see anything wrong with that."

"Pero hindi naman 'yon ang alam ng tao."

Bumuntong-hininga si Cathy at isinandal ang likod sa pader sabay ng pagtungo ng ulo. Hindi naman malaman ni Xander kung paano pa ito papaliwanagan kaya't maging siya ay tahimik na lang na napatuon ang palad sa pader.

"Dapat pala hindi nalang ako pumunta," mahinang sabi nito nang naglaon.

"Hey..." iniangat niya ang baba ng asawa at tinitigan ang mga mata nito.

"... Listen. It's gonna be alright. Don't worry about it, okay?"

Kung dahil ba ito sa seryosong pagkatitig ng esposa o dala narin ng katawan niyang nais kumapit ng mahigpit ay unti-unti na lamang niyang naramdaman ang sarili na inilalapit ang mukha sa pinagmamasdang mga labi. Maaabot na sana niya ito ng kanyang bibig nang biglang pumigil ang mga kamay ng asawa sa kanyang dibdib sabay ng agarang paglihis ng ulo nito.

"Cathy..." pabuntong-hininga niyang usal.

"Dalhin mo nalang ako sa upuan ko."

Tuluyan namang lumayo ang babae sa kanilang pinagpwestuhan at nagsimula ng lumakad patungo sa pintuan. Wala naman siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ito sa pag-alis.

Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon