Episode 5: Stuck Together (Part 2)

3.8K 64 0
                                    

Santa Catalina Gen. Hospital, 8:30am:

"Cathy?!"

Humahangos na pumasok si Xander sa loob ng kwarto na itinuro sa kanya ng nurse. Nagulat ang lahat ng mga naroroon pati na si Cathy na hawak-hawak ang isang clipboard na may nakasipit na form.

"Xander?"

Nagmamadaling lumapit ang lalaki at inagaw sa dalaga ang hawak nito. Nang malaman kung ano ang nakasaad sa papel ay mariin nitong ibinagsak sa mesa ang clipboard at galit na galit na hinarap si Cathy.

"Look, you gotta stop making sudden decisions by yourself! Ano ka ba!!!"

Nanginginig sa takot na tumingala ito sa nagpupuyos na si Xander. Pati ang doktor at ang mga nurse na nasa loob ay natigilan din sa kani-kanilang pwesto.

"First, you didn't tell me about the baby. And now, you decided to go off on your own and get rid of him without telling me again!"

Hindi parin makapagsalita si Cathy na tila nawalan na ng kahit anong kulay sa mukha sa sobrang pamumutla.

"Am I not the father of your child? Why do you always leave me out of this! I have the right to say yes or no to everything that involves this kid!"

Napamura na lamang si Xander sa sarili sabay ng pagkabog ng kamao sa katabing mesa.

Matapos ng sandaling iyon ay katahimikan naman ang bumalot sa buong kwarto. Wala ni isang nagbalak na bumulabog dito sa pagkabahala na muling magkagulo. Maging ang binata ay nanghina na lamang na napaupo sa katapat na silya at hingal na itinungo ang kanyang ulo.

"Xander..." Mahinang tawag ni Cathy sa kanya.

Noon di'y tumingin muli ang binata sa kaharap. Ano mang bahid ng galit sa mga mata nito ay napalitan na ng sobrang kalungkutan.

"I couldn't sleep," pagtatapat niya.

"And I was scared..."

"... for him and for you."

Napalunok si Xander sa pait ng nararamdaman at sa pagpipigil ng mga luhang gustong kumawala.

"I thought of what you have to go through... what he would feel... that one day I will see him again and he will tell me how messed up of a father I am."

Marahan siyang napahikbi sa lungkot at pagsisisi.

"Don't do this," nanlulumong pakiusap ng binata.

Dito na napaluha si Cathy nang walang humpay. Lahat ng kinikimkim na kirot sa dibdib ay tila biglang kumawala at wala itong magawa kundi ang umiyak sa mga kamay na itinakip sa mukha.

"I'm so sorry," agad namang niyakap ni Xander ng mahigpit ang humahagulgol na dalaga at hinayaan itong tumangis sa kanyang balikat.

* * *

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fated to Love You: BOOK 1  || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon