Una

1.7K 58 11
                                    

ENR

"Enrico Rojo, bumaba ka na diyan at aalis na tayo ngayon!" Bulyaw ni mommy na nasa labas ng bahay na dinig sa kwarto sa may pangalawang palapag. 

"Saglit na lang po 'to, Mommy! " Pasigaw na tugon ko habang iniimpake ang mga natitira kong damit sa drawer. Papalitaw pa lang ang haring araw sa mga oras na ito. Medyo napapahikab pa 'ko dahil ala una y media na ako nakatulog sa kakaimpake ng mga gamit. Lilipat na kami mula Maynila pa-Batangas. 

Pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng kwarto -- mula sa kulay lila na kisame na puno ng planetang glow in the dark stickers hanggang sa dingding na puno ng bakas ng double sided tape na pinaglagyan ko ng mga posters ng mga paborito kong singers at mga larawan namin ng ex kong duwag.  Tinuldukan niya ang lahat ng namamagitan sa amin nang sambitin kong lilipat  kami sa Batangas sapagat madedestino roon si Papa upang magtrabaho at doon na rin niya ako pinag-aaral para magkakasama pa rin kami sa iisang bahay.

Bago bumaba, tumingin ako sa salamin upang mag-ayos nang aking sarili. Habang marahang hinahawi ng itim na suklay ang buhok kong makintab at matuwid, pinagmamasdan ko ang aking sarili. Tanaw ng mata ko ang malamlam na mga mata't bibig na dati'y masaya na sa isang iglap lang ay nawala na lamang ito dahil sa mabigat na pinagdaraanan ko; ramdam ko na parang na-patay na ilaw ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Pinilit kong ngumiti na lang na parang maayos ang lahat, kahit hindi dahil sa sugatan ang buong pagkatao ko ngayon.

Alam kong maraming alaala na dapat nang ibaon sa limot sapagkat maari lang akong masaktan kung pipiliin ko na mag-aral dito sa Maynila. Nakakapanlumong  isipin na lilisan ko ang apat na sulok ng kwarto kung saan ka lumaki at nagkamalay. Ngunit kailagan ko na rin iwanan upang makapagsimula ng panibagong yugto ng buhay ng aming pamilya.

Pagkatapos mag-impake't magmuni-muni,  bumaba ako kasama ang mga maleta at bag ko'y patungo sa kotse namin dahil kailangan na rin namin umalis agad para hindi kami abutan ng traffic papunta sa lilipatan naming bahay.

Nang nakasakay na kami, pinagmamasdan sa bintana ang buong subdivision sa huling pagkakataon. Medyo paliwanag na rin ang paligid sa labas at may mga taong nagja-jogging na kung saan laging ginagawa ng mga tao rito dahil wala masyadong dumaraang sasakyan sa mga oras na ito. Mamimiss ko ang mga kalye na kung saan kami naglalaro ng mga kaibigan ko, puno't halaman na nagpapasariwa kahit papaano sa mapolusyong lungsod at ang mga kaibigan ko na nabuo dito simula noong pagkabata'y iiwanan ko na.

Napatingin si Papa sa akin. "Mukhang malalim ang iniisip mo ngayon, 'nak?"

"Mamimiss ko lang kasi dito," matamlay na tugon ko habang pinagmamasdan pa rin ang bintana. "Di ko po alam kung makakapag-adjust ako," dagdag ko.

"Drama ng baby bro oh!" pangangasar na banat ni Kuya Kaz na nakasando at board shorts lang. "Smile naman diyan oh?"

"Wala ako sa mood, Kuya Faux Hawk", matamlay na sagot ko sa kanya. Tinawag Faux Hawk dahil naging signature hairstyle niya ito simula noong nagpagupit siya for new look sa college. Ang ending, pinagkaguluhan siya ng mga kababaihan; nag-compliment naman kasi ang kanyang mala-chinitong bad boy na may konting angas na parang pagtatanggol ka kapag naapi ka.

Hindi ko inasahan na bigla na lang nanundot sa tagiliran at napaurong ako nang di oras. Napabuntong-hininga Pinigilan ko ang sarili ko na mainis sa kanya, dahil nawawalan ako nang gana makipag-usap kahit kanino dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Patuloy lang siyang nanunundot sa tagiliran ko hanggang sa nabulyahawan ko siya sa pagkapika sa ginagawa niyang pangungulit. Nagulat na lang siya sa

Biglang sumingit si Mommy na nagmamaneho ng kotse. "Anak, alam kong mamimiss mo sa dati nating bahay, magugustuhan mo rin sa bago nating tirahan," masiglang pagsabi niya.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now