Panlabing-apat

264 17 2
                                    

ENR

Hindi ko maipaliwanag ang na nararamdaman ko simula no'ng mahigit isang linggo na ang nakalilipas no'ng napag-isipan ni Violet na mag-maikling bakasyon dito sa bahay para magkita silang muli ni Kuya Kaz na nangungulila sa kanya. Maraming mga pangyayari na hindi ko inasahang darating nang biglaan -- iyong tipo na naghalo-halo lahat ng naramdaman kong emosyon sa buong katawan mo at gustong pakawalan lahat sa sonrang puno na.

Napag-usapan namin ni Kuya Kaz ang tungkol sa ginawa niya, dahil medyo uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Halos isang araw ko siyang hindi pinansin n'on sa sobrang galit. (Bakit kasi itatanong ang posibilidad na maging kami ni Igo sa harap nila Mommy at Papa?) Pero, nagka-ayos naman kami agad at humingi siya ng tawad tungkol sa nangyari. At dahil doon, makakalibre ako ng milk tea kay Kuya sa pasukan. Hindi ko rin naman matitiis si Kuya Kaz, siya kasi ang the best kuya in town sa buhay ko.

Nagtagal ng tatlong araw si Violet sa bahay, dahil iyon lamang ang binigay na  palugit ng mga magulang niya para makita si Kuya Kaz. Sa pananatili niya rito, lagi kaming sinasama ni Igo sa mga dates nila. Tuwang-tuwa si Violet sa aming dalawa ni Igo sa tuwing nagkakabiruan kami at sa mga kilos naming dalawa. Sabi nga nila Kuya, lagi daw kaming namumula kapag inaasar kaming dalawa. Hindi ko alam kung nilololoko ba kami no'ng dalawa sa mga sinasabi nila.

Grabe naman kasi sila kung makapag-tulak sa aming dalawa, para kaming ginagawang love team sa mga BL o kaya 'yong mga gay series na napapanood namin sa internet kung makapag-ship -- 'yong tipong sisigaw  pa si Kuya na parang cheerleader sa labas ng #EnrGo at gumagawa ng senyas na hugis puso na may halong sayaw pa. Gusto ko na lang talaga minsan magtago sa kweba sa lagay na 'yon, dahil nakakailang ng kaunti kasi na ipagsigawan  mismo ng sarili mong kapatid ang pag-reto sa in public tapos deretso tingin pa ang mga mata sa aming dalawa na parang inuusisa mula ulo hanggang paa.

Napapansin ko naman kay Igo kinakantiyawan siya ni Kuya tungkol sa 'kin, tinatawanan niya lang ito na parang wala lang sa kanya. Kung ibang tao siguro 'yon, baka ma-ilang at lumayo na lang bigla. Kitang-kita naman sa kanya na marunong talaga siyang makisama sa bawat taong nakakasalamuha niya. Kahit ako na mismo sa sarili ko, aaminin ko na  naging ka-close ko siya ka-agad kahit inis na inis ako sa kanya noon no'ng nagungulit siyang makipagkaibigan sa 'kin.  Naramdaman ko ang kanyang pagsisikap na gusto niya talaga akong maging kaibigan, kaya napapayag din ako. Siya kasi 'yong taong nandiyan mapa-masaya ka man o malungkot, at siya rin mismo ang gagawa ng paraan para tulungan ka kapag may problema ka.

No'ng mga nakaraang araw,  laging tumatawag si Kah at lagi niyang sinasabi na pinagsisisihan niya ang pag-iwan niya sa 'kin.  Na-kwento rin niya tungkol sa kanyang nililigawan dati, at nabigo siya rito dahil napagtanto niya raw na hindi niya nararamdaman  ang spark doon sa lalaking iyon, at sinabi niya rito na mahal pa rin niya ko at ayaw na niyang lokohin ang sarili niya at 'yong niligawan niya kaya hindi na niya rin tinulo.  Nakilala niya raw iyon sa isang dating app, at tumagal lang ng apat na buwan ang kanilang pagde-date.

Halos gabi-gabi siyang tumatawag sa 'kin at nagmamakaawa na balikan ko siya dahil gusto na niya uli subukan kung gagana ba talaga ang LDR para sa amin. Kitang-kita naman sa kanyang effort na nagsisisi na siya, pero hindi na kasi ganoon kadali iyon para balikan siya. Masyado nang nawasak ang puso ko sa kanya para balikan ko siya ng ganoon-ganoon lang.  Kailangan ko mismo pag-isipan muna nang mabuti sa ngayon, at iba na rin ang sitwasyon sa aming dalawa kaya mahirap na siyang pagkatiwalaan agad-agad.

Sa tuwing tatawag siya, may nararamdaman pa 'kong kaunting pananabik kahit papaano, dahil mas naging ma-effort na siya kaysa sa dati. Noon kasi, kailangan ko pa siyang pagsabihan na tumawag naman siya at hindi lang puro ako lang. Ngayon, maya't maya ang text o kaya tawag niyan. Minsan nga, hindi ko na nasasagot dahil sa busy o kaya maraming gala kasama sila Kuya Kaz, Violet at Igo.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon