Pangwalo

324 23 2
                                    

ENR

Maalinsangan ang panahon nang naka-tambay kami ni Igo sa mini forest ng school habang gumagawa ng report  para sa Comm 1. Napag-isipan naming gawin dito para mas makakapagusap kami nang maayos kaysa naman sa library na kahit buntong-hininga mo ata'y sasawayin ng matandang dalaga naming Head Librarian na naglilibot sa buong library -- 'yong tipong lalamunin ka nang buhay na parang dragon pag nanaway at mapipilitan ka nang hindi bumalik sa sobrang sungit. Ramdam na ramdam. ko ang singaw ng araw mula sa 'king balat na kahit papano'y iniibsan ng mga punong nakapaligid rito na naglilim sa pwesto namin.

Napatigil ako sa pagtipa nang biglang pumasok sa isipan ko na tignan ang IG kung ano ang na ang nangyayari sa plano. Lumundag ang puso ko sa tuwa nang nakita ni Kah ang panibago kong IG story post tungkol sa pag-hatid sa 'kin ni Igo sa bahay noong nakaraang araw. Wala man lang siyang tugon o mensahe. Ngunit kumunot ang noo ko at nagbago ang timpla ng pakiramdam ko no 'ng sinubaybayan ang mga nilalaman ng my stories niya mula simula hanggang dulo. Walang hiya! Pati siya, nagpapakasweet sa bago niyang kalandian niya at ipinapakita niya na mas masaya siya dahil puro mga love quotes at admiration patungkol sa bago niya ang mga laman niyon. Hindi man lang nahiya na may pa-mahal kita forever pa siya na may tadtad ng humahalik na emoji pa. Mukhang hindi ata 'to nagpapatalo sa 'kin 'to. Kung gusto mo nang ganito, mas gagalingan ko pa para magmakaawa ka sa huli.

Napapitlag ako nang mag-lagay ng Bubble Gum ice cream na nasa basong papel si Igo sa la mesa malapit sa laptop ko. Nakakapagtaka kung paano niya nalaman ang paborito kong flavor ng ice cream, dahil hindi ko naman sinabi 'yon o kaya pinost sa kahit anong social media accounts ko.

Tinapik niya ang balikat ko at sabay ningitian. "Palamig ka muna bebe ko, mukhang hot na hot ka na naman diyan sa kaka-stalk mo sa IG niya." Sabay ngisi nito.

"Baduy mo talaga!" pakli ko at sabay binato siya ng lukot na papel mula sa kaliwang bulsa ko. "Oo nga pala, paano mo nalaman na bubble gum ang favorite ice cream flavor ko?" tanong ko na may halong pagtataka.

Ngumisi siya bigla. "May source lang naman ako at hindi ko sasabihin sa 'yo," turan niya.

"Tss.." usal ko at sabay dakot ng ice cream sa baso at kumain. "Salamat sa pa-ice cream mo, sobrang kailangan ko talaga nito ngayon!" sabi ko habang may ngumunguya ng ice cream.

Itinuloy na niya ang pagtitipa sa laptop habang ako nama'y iginagala pa rin ang saril sa mga IG profile niya. Gustong-gusto ko siyang sakalin sa selos dahil sa mga post niya tungkol sa dine-date niya. Kulang na lang, pipindutin ko na ang block button para mawala ang pagkabanas ko sa kanya; kung gagawin ko naman 'yon, baka hindi matupad ang plano kaya huwag na lang.  Masyadong palaban 'tong ex ko sa pagpopost ng bago niyang kalandian sa social media pero hindi naman pinapakita kung sino 'yon.  Basta, hindi talaga ako papatalo sa kanya at mas gagalingan ko pa para manghinayang siya.

"Gusto ko 'tuloy lumuwas ng Maynila at sasapakin ang hinayupak!" Gigil na gigil na pagkasabi ko sa sobrang inis.

"Kaya mo bang sapakin pag nakita mo?" pauyam na tanong ni Enr habang may tinitipa pa rin sa laptop.

Ni-lock ko ang cellphone ko at agad inilagay sa aking bulsa."Kung kaya ko lang siyang sapakin, ginawa ko na sana no'ng nag-break kami."

Itinigil niya ang pagtitipa at sinara ang kanyang laptop. "Di mo naman pala kaya e," pangangasar nito habang ibinabalik ang  niya ang laptop niya sa bag.

Inakbayan niya ako at tinapik-tapik sa balikat. "Patience lang ang kailangan mo diyan para mangyari ang gusto mo, Enr. Masyado ka kasing atat na mangyari agad 'yong gusto mong mangyari," pangangaral ni Igo. "Chill ka lang kasi, huwag mainip masyado at mangyayari 'yan."

Napasandal ako bigla sa ulo ko sa balikat niya at napa-buntong hininga sa mga nangyayari. "Alam mo, kung wala ka talaga dito, baka kung ano na lang talaga ang mangyari sa 'kin,"

"Ganon talaga," maikling tugon niya. "Gusto mo bang maglakad-lakad muna para lumamig ulo mo?" paanyaya niya.

Umiling ako bilang sagot. Siguro nga, masyado akong impatient sa pagkuha ng ultimate goal ko, pero masisisi ko ba ang sarili ko na hindi ko pa rin kaya na wala siya sa tabi ko? Pinaghirapan kong ligawan siya hanggang sa mapunta siya sa piling ko kaya ganito na lang din ako ka-atat na bumalik siya.

Habang naglalakad kami sa quadrangle,  hindi ko lang ang cellphone ko sa bulsa at baka i-kumpiska lang niya ito -- meron kasi kaming usapan na kukunin niya ang cellphone ko kapag nilabas ko 'yon para tumingin na naman sa IG -- at hinayaan ang paa ko na igala kung saan man kami mapunta. Medyo nakakahingal lang dahil ang bilis niyang mag-lakad at pero kahit papaano'y  kumakalma ang isipan ko na puno ng pag-aalala na hindi mangyari ang goal ko.

"Mukhang nababanas ka na  yata?" pambungad tanong niya na may pag-aalala at sabay inalok ang kanyang face towel.

Napatingin ako bigla nang masama sa kanya. "Oy! Hindi ako nababanas sa 'yo ah?" depensa ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.

Biglang natawa na lang siya sa sinabi ko. "Ang ibig sabihin ko ng nababanas ay naiinitan ka na, tumutulo na kaya 'yang pawis mo sa noo," paglilinaw niya. "Mag-punas ka muna ng pawis mo," dagdag nito.

Hinablot ko ang face towel at sabay pinunasan ang noo ko na tumatagaktak na ng pawis dahil sa tirik na tirik ang araw sa mga oras na'to. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Igo kung trip niyang mag-ikot ngayon dito sa school. 

May isang pamilyar na boses akong naririnig sa likod na parang tinatawag pangalan namin, napatigil ang aming mga paa sa paglalakad at  napalingon kami sa likuran namin. Natatanaw namin si Kuya sa malayuan na  kumakaripas ang kanyang takbo patungo sa pwesto namin.

Nang makarating si Kuya sa pwesto namin, agad niya kaming inakbayan kahit basang-basa na ito ng pawis.

"Kumusta naman kayong dalawa? Magiging kayo na ba? " pambungad na pangangasar nito. "Mukhang nagse-sail na ang ship ko," dagdag pa niya.

"Issue ka na maman diyan, Kuya!" inis na sabi ko sabay siniko siya sa bandang tiyan.

"Aray!" usal niya. "Ikaw talaga Enr, di ka mabiro."

Gumatong bigla si Igo. "Nako Kuya Kaz, masyadong atat yan na balikan siya ng ex niya kaya hindi rin magiging kami," pagbibiro nito.

"Nako! Aasa ka pa sa ex mong duwag? May Igo naman na pwedeng magmahal sa 'yo. Sigurado akong hindi ka niyan iiwan niyan," patuloy na pagtutulak ni Kuya sa ship niya.

Tawang-tawa naman si Igo sa pagpu-push nito sa ship niya. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa amin ni Igo at gusto niya kaming magkatuluyang dalawa nito.  Pogi naman siya at hot at the same time, pero tropa lang ang tingin ko sa kanya at parang di ko mawari na nagde-date kaming dalawa and I find it weird though.

"Kapag pumuti na ang uwak, tsaka pa lang ako mahulog ang loob ko diyan kay Igo," pasakyang biro ko.

"Basta ako, number one fan ako ng EnrGo!" diin ni Kuya.

Natawa kami ni Igo sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam talaga kay Kuya kung ano talaga ang nakain niya ngayon at gumawa pa talaga ng love team namin. Tapos 'yong name pa ng pairing namin ay base pa sa isang energy drink na pinapapremyo sa isang game show sa TV.  Malakas talaga ang tama ni Kuya ngayong araw, at mukhang epekto siguro ng puyat niya sa mga ginagawang assignments kaya napabiro na lamang nang ganoon.

Nag-ring ang cellphone ko at nag-message si Papa na nandoon na siya sa labas. Agad kaming nagmadaling lumabas papunta sa main entrance dahil mukhang may pasalubong na naman siya at kating-kati na rin kaming umuwi para manood ng paborito naming sini-stream naming show ni Kuya sa internet.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon