Panlabing-lima

272 13 1
                                    

ENR

Halos tatlong linggo na rin ang nakalilipas simula nang nagparamdam muli si Kah sa buhay ko. Habang patagal nang patagal, mas nagiging malambing siya tuwing nag-uusap kaming dalawa sa phone. Lagi na siyang bumabati pag umaga, tanghali at gabi. Dati kasi, sa gabi lang siya bumabati kapag matatapos kaming mag-usap at matutulog na. Maya't maya rin siyang nagsesend ng mga selfies niya na nagpapa-cute na parang bata, para daw ganahan daw ako sa pagpasok. Sabi ko nga sa sarili ko, lume-level up na siya ngayon kung kailan wala na kami.


Pero, nandoon pa rin ang pangungulit niya na makuha uli ang matamis kong oo -- 'yong tipong isisingit na lang niya nang biglaan sa usapan. Ang lagi kong sagot sa kanya lagi'y pagiisipan ko pa. Hindi pa talaga ako handang sumugal pa uli sa kanya. Kung kailan natupad ang kahilingan ko, at saka naging hindi pa 'ko handa. Ang lagi niya lang sinasabi, maghihintay daw siya sa matamis kong oo.


Hindi ko naman sa pinapaasa, pero gusto ko lang manigurado ang puso ko na talagang karapat-dapat talaga siyang makuha ulit ang pag-ibig ko.


Habang nasa canteen kami Igo dahil break naming dalawa, biglang nag-text si Kah.


'Hey, lunch mo na. Kain ka nang mabuti,' text ni Kah na may humahalik na emoji.


Agad ko siyang ni-replyan. 'Ikaw rin. Ingat ka diyan.' sagot ko na walang emoji.


Sinitsitan ako ni Igo nang mapansin niya na may ka-text na naman ako habang may sinasabi siya. "Text nang text, di man lang nakikinig," parinig niya habang patuloy pa rin akong nakatingin sa cellphone ko.


Patuloy lang siyang sumisitsit hanggang may tinaktak siyang bote na nagpatawag pansin sa atensyon ko.

"Ay ano ba 'yong sinasabi mo?" tanong ko at napatingin sa kaniya.

Napahalukipkip at napa-ngisi siya. "Hindi ka naman kasi nakikinig eh," inis na tugon niya.

"Sorry na, Igo. Ka-text ko lang si Kah ngayon," paumanhin ko sa kaniya at sabay tinabi ang cellphone ko. "Ano ba 'yong sinasabi mo?" paglilinaw ko para malaman ang kanyang sinabi kanina.

"'Yong tungkol sa pustahan kasi nating dalawa," paglilinaw niya. "Sa kaka-aasikaso mo kasi sa ex mo, kinalimutan mo na," pagtatampo nito.

Hindi maipinta ang mukha ni Igo sa pagka-inis. Kapag tinititigan ko siya, parang kulang na lang ay awayin ako.

"Ikaw, ex mo na lang ang inaasikaso mo simula noong nagparamdam siya. Ano, puro na lang ba siya aasikasuhin mo? Hindi ka naman siguro nauumay diyan kakausap sa kanya at nakakalimutan mo " Iwanan na lang kaya kita diyan," pagbabanta niya.

"Asus! Tampururut ka masyado," sabi ko habang kinurot ang kanyang pisngi bilang paglalambing sa kanya. Ngayon ko lang ginawa ito sa kanya, kahit di ganoon ka-tambok, malambot siya at ang sarap hawakan.

Tinitigan niya ako bigla nang masama at napabuntong-hininga na lamang ito.

"Di mo 'ko madadaan diyan sa pakurot-kurot mo nang pisngi ko, " patuloy na pagtatampo niya.

Noong mga nakaraang linggo kasi, puro si Kah ang napag-uusapan naming dalawa kapag nagkakasabay kaming umuwi. Noong mga nakaraang araw kasi, pag sinimulan ko ang topic tungkol sa kanya, hindi na talaga mapigilan ang bibig ko dahil siguro wala naman akong ganoong masasabihan tungkol sa kanya kundi siya lang o kaya si Kuya Kaz. Kapag kasama namin si Kuya tuwing uwian, mas mainit pa ang ulo niya kapag si ex na ang pinag-uusapan. Kahit kailan, napaka-init talaga ng ulo niya doon. Minsan, aasarin pa 'ko na baka mamaya, nagseselos na daw si Igo na laging bukambibig ko na lang si Kah.

Noong mga nakaraang araw, 'pag nagyaya si Igo mag-jamming, tinatanggihan ko dahil nasa kalagitnaan kami ng video call ni Kah. Hindi ko naman pwedeng babaan 'yon, dahil iba magalit ang ex ko kapag ibinaba ang tawag; asahan mo, sangkatutak na paliwanag ang kailangan mong baunin bago ka paniwalaan. No'ng isang beses na nagpaalam ako para makipag-usap saglit kay Igo, galit na galit at ayaw akong tigilan hangga't tanggihan ko daw siya sa mga paanyaya niya.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now