Pang-anim

397 20 7
                                    

ENR

Pinagmamasdan ko ang kalangitan at nililibot ang kanyang tingin sa kalangitan na puno ng makikinang na bituwin kasama ang kabilugan ang buwan habang hinihintay si Igo na kinukuha ang gitara sa kanilang bahay.

Nakakahinga ako nang maluwag sa sariwang hangin na dumadampi
sa aking balat na nagpapakalma sa 'kin, at samahan pa ng himig ng hampas ng alon na nakakapagpahinga sa utak ko na maraming pumapasok na nagpapaalala sa mga bagay-bagay. Siguro, tama nga talaga na desisyon ni Papa na lumipat rito dahil nakaka-stress sa ang mga maiitim na usok na binubuga ng tambutso sa mga kotse at napaka-init pa roon na sa punto na makaka sampung ligo dahil sa tagaktak ng pawis sa buong katawan na dulot ng mataas na temperatura ng araw. Pero dito, hindi ka ganoon tatagaktakin sa pawis dahil sa dami ng puno sa paligid. 

Napapitlag ako nang may biglang tumapik sa likod ko. Nagtaka ako kung sino iyon at napalingon sa likod para tignan kung sino at walang iba kundi si  Igo lang pala na may dalang gitara.

"Nagulat naman ako sa 'yo, para akong aatakihin sa puso nito sa ginawa mo," sabi ko sa kanya.

Bumungisngis siya sa kakatawa. "Sorry naman. Ano, ayos ba? Jam na ba tayo?" Kinalabit na niya ang kanyag gitara at simula pinatugtog ang Araw Gabi. Kumakanta siya na parang nanghaharana sa harap ko ang sa bandang koro ng kanta. Bumuka ang bibig ko sa pagkamangha sa kanyang istilo ng pagpapatugtog ng gitara dahil ang swabe ng pagpapalit ng mga daliri niya sa mga chords. 

Pagkatapos niyang magpatugtog, pinitik niya ang kanyang daliri  at bumalik ako sa ulirat.

"Uy sorry, na-overwhelmed lang ako sa galing mong magpatugtog ng gitara," paliwanag ko.

"Ayos lang," maikling tugon nito.

Napansin namin na kanina pa kami nakatayo kaya napagdesisyunan naming umupo sa buhangin. Pinagpatuloy lang namin ang jamming habang lumalalim ang gabi.

Limang kanta rin ang kinanta naming dalawa at may oras na nagdu-duet pa kami minsan pag alam ko ang lyrics. Ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko na may maka-jamming at masarap pala sa feeling.  "Masaya pala ang may ka-jamming. Gawin natin uli 'to minsan. G?"

"Oo naman, walang problema sa 'kin 'yon. Na-enjoy ko rin naman eh," aniya habang itinabi ang gitara sa gilid. "First time mo ba?" tanong nito.

"Oo eh," maikling tugon ko. 

Nabigla ako nang may tinanong siya na hindi ko inakalang tatanungin niya. "Oo nga pala, Kah pala ang name ng ex mo, right?" panimulang tanong nito.

"Yup, pero Kahel Patrick ang full name niya," turan ko.

Dahil sinimulan niyang tanungin tungkol kay Kah, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at ipinakita ko ang litrato naming dalawa. In-open ko na rin ang tungkol sa aming dalawa mula sa panliligaw hanggang sa paghihiwalay naming dalawa dahil sa tingin ko ay mukhang mapagkakatiwalaan naman si Igo tungkol sa ganitong mga bagay.

Hindi ko namalayan na pati siya ay nag-open din tungkol sa buhay pag-ibig niya dati. Nabigla ako nang inilahad niya ang tungkol sa ex boyfriend niya na bestfriend din niya dahil mas malala ang nangyari sa kaniya dahil namatay ito kasama ang nanay nito sa isang aksidente sa sinasakyang bus mga magta-tatlong taon na rin ang nakalilipas. Napansin ko na tumatangis ang luha sa kanyang mga mata at sinubukan kong yakapin para mai-comfort sa nangyari. 

"I'm sorry for your loss," sambit ko sa kanya habang patuloy na tinatapik ang likod niya.

"It's fine, naka-moved on na rin naman ako sa kanya," tugon niya.

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya. "Paano ka naman naka-moved on sa kanya eh namatay 'yong pinakamamahal mo?" tanong ko na may pagtatakang tono.

"Tinanggap ko na rin ngayon dahil alam kong masaya na siya ngayon, "sagot niya habang nagpupunas ng luha gamit ang damit niya.

Naiyak ako bigla. "Buti ka pa. Samantalang ako, hindi ko matanggap dahil parang kahapon lang lahat ang  nangyari sa amin.  Sabi ko nga sa sarili ko, sana pinaglaban ko na mag-dorm ako para hindi humantong sa ganito. I want him back, dahil doon ako sasaya."
Patuloy na humagulgol ako sa luha nang masabi ko iyon. Kung ano ang iniyak ko noong nakipaghiwalay siya ay mas iniyak ko ngayon. Ang masakit pa doon, mayroon na siyang iba at pinost pa niya sa instagram na may kahawak pa siyang kamay at pinapakita niyang masaya siya sa pinalit niya. "

Tinapik-tapik ni Igo ang likod ko habang nilalahad ko pa ang lahat ng hinanakit ko sa nangyari sa aming dalawa ni Kah.

"Gusto mo ba talagang bumalik talaga sa kanya?" seryosong tanong nito.

"Gusto, gustong-gusto kong bumalik siya sa 'kin dahil alam kong mas magiging masaya ako uli katulad ng dati," pursigidong tugon ko.

"Kaya kitang tulungan kung gugustuhin mo," pagaalok niya.

"Paano mo naman ako matutulungan?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Simple lang naman, gawin mo kong manliligaw at ipapakita natin sa kanya kung ano ang nawala sa kanya noong iniwan ka niya," seryosong alok niya.

Napatahan ako bigla sa alok niyang iyon at napatahimik ako para pag-isipan iyon.

"Ano, gusto mo ba? One time big time opportunity na 'to. Papalampasin mo pa?" patuloy na pagpilit niya sa alok niya.

Nalilito ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Ayoko kasi na baka isa sa amin ay mahulog ang loob habang ginagawa namin iyon. Alam kong mahirap pero desperado na talaga akong manumbalik ang relasyon namin ni Kah; siya ang lahat sa akin. Kahit alam kong may iba na siya, gusto ko pa rin na sa akin pa rin siya liligaya at wala nang iba.

"Sige, tanggapin ko 'yang offer mo." siguradong sagot ko sa kanya na talagang pinag-isipan ko ng limang minuto.  "Pero may isang kondisyon."

"Ano namang kondisyon 'yon?" tanong niya habang napapakamot siya sa ulo niya na parang nagtataka.

Bumuntong hininga muna ko. "Huwag kang ma-fall sa 'kin," seryosong sagot ko sa kondisyon na iyon.

Natawa siya bigla nang sinabi ko iyon. "Oo naman, baka mamaya ikaw pa mahulog sa 'kin," pagbibiro niya.

Tinitigan ko siya nang medyo masama. "Paalala lang, huwag na huwag kang mafa-fall sa 'kin at baka masaktan ka lang," untag ko.

Nagka-sundo kaming dalawa sa planong iyon at paplanuhin namin iyon nang mabuti para siguradong-sigurado na mangyayari ang gusto naming mangyari. Nang matapos ang usapan naming iyon, napagdesisyunan namin na umuwi na dahil napansin namin na maga-alas onse na pala ng gabi at may pasok pa pala kami bukas. 

Pagkarating ko sa bahay, napansin ko na tulog na silang lahat pati si Kuya Kaz na napakahimbing ng tulog sa kama niya. Agad akong humiga sa kama at gumuhit ang ngiti na nagsisimbulo ng pag-asa na babalik siya sa piling ko at pagsisisihan niya na iniwan niya ko nang ganoon ganoon lang.

Nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bedside table at kinuha ko ito. Nag-text pala si Igo at agad ko 'tong binasa.

Thanks sa Jamming kanina. Planuhin na natin within this week ah? Good night bebe ko, text niya na may pusong emoji sa dulo.

Agad kong nireplyan ang text niya. Baliw! Wala'yon. Umayos ka nga diyan. Masyadong kadiri yang bebe na 'yan, tugon ko na may cactus at natatawang emoji sa dulo.

Ang alam ko lang, gagawin ko ang lahat para magsisi siya na maling desisyon na iwanan niya ko at ipinagpalit sa iba. Hindi ko talaga 'to papalampasin  hanggang sa magmaka-awa siya na balikan ako.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon