Panlabing-siyam

253 15 0
                                    


ENR


Hindi ko sukat akalain na lumuwag ang aking pakiramdam nang masabi ko kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman para kay Kah -- 'yong tipong para akong de-clutter ng mga bagay sa isang bagahe na hindi ko naman dapat na kailangan na ang hirap bitwan dahil may sentimental value sa 'kin. Naramdaman ko na naging malaya na 'ko mula sa kanya na dapat ginawa ko na noon pa.


Siguro, nakatulog na rin ang pag-uusap naming ni Kuya tungkol sa pagkalito ko sa nararamdaman ko kaya ganoon na lamang ang nangyari. Nagpapasalamat rin ako sa palabas ni Marie Kondo na pinanood ko noong mga nakaraang araw na nakatulong sa 'kin hindi lang sa paglilinis ng mga gamit ko sa kwarto, kundi sa pagtanggal ng mga bagay sa bagahe na hindi na dapat pang dalhin.


 Naalala ko noong mga nakaraang araw, hinawakan at pinagmasdan ko ang picture ni Kah at tinanong ko ang pinakasikat na tanong ni Marie kapag nagdedeclutter ng gamit, "Does it spark joy?" Medyo na-curious lang din kasi ako, baka gumana siya sa pagde-desisyon ko kung gagana siya sa pagdedesisyon sa mga taong gustong balikan ng mga ex nila.


 Pagkatapos kong tanungin ang sarili ko ng iconic na tanong na 'yon habang pinagmamasdan ang larawan ng ex ko, naramdaman kong bumagsak ang mood ko na parang na-short circuit na kuryente habang hawak-hawak ang kanyang litrato.


 Tama nga si Marie Kondo, mararamdaman mo talaga na hindi na importante ang isang bagay sa unang hawak mo pa lang ay malamlam na ang pag-sagap ng enerhiya nito. Dahil doon, naging buo ang desisyon ko na tapusin ko na ang lahat sa amin ni Kah.



Nang subukan ko namang tignan ang profile picture ni Igo sa FB at itinanong ko ulit sa sarili ko ang "does it spark joy?", nakaramdam ako na biglang lumakas ang tibok ng puso ko at gumuhit bigla ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko noong mga oras na 'yon, at parang ayaw ko nang umalis ng mata ko sa kanyang larawan na nasa quadangle na ako pa mismo ang kumuha noong midterm exams last sem.


 Na-miss ko talaga ang presensya ni Igo simula noong lumayo siya. Sa tuwing kasama ko siya, para laging may hawak siya ng bola na puno ng positive energy na nakakahawa na pati ikaw ay magiging masaya sa tuwing kasama siya. Hindi niya 'ko pinabayaan noon pa man, simula noong tinulungan niya ko sa mga bagay na pwedeng magpasaya sa 'kin – simula sa pagsali sa sessionistas hanggang sa pag-adjust ko sa Pacific Fair kung saan siya lang ang kilala ko sa department namin.


 Kung hindi na siguro nagparamdam si Kah, baka boyfriend ko na siya ngayon at mas magiging masaya pa 'ko sa piling niya.
Ramdam ko naman sa kanya na he will be the best boyfriend ever dahil kapag nagugutom ka, bibili talaga siya ng pagkain para sa 'yo; at kapag gusto mo ng yakap dahil naramdaman mo na ang sama ng araw mo, hahayaan ka lang niya na yakapin mo siya nang mahigpit at gagawin niya rin sa 'yo. Ang pinaka-gusto kong nangyari sa 'ming dalawa'y iyong lagi niya 'kong ina-akbayan in public kahit pinagtitinginan kami ng maraming tao pero wala siyang pakialam.


Sabi niya nga noon sa 'kin, "Hayaan mo sila, mainggit lang 'yan sa atin dahil ginagawa ko 'to sa 'yo dahil nagiging kumportable ako sa 'yo sa tuwing kasama kita at ikaw 'yong taong hindi ko ikakahiya, kahit halikan pa ata kita, ayos lang gawin sa 'yo."


Sobrang na-flatter ako noong mga panahong 'yon at gusto ko siyang palakpakan sa mga sinabi niyang 'yon. Sa una, nakakailang pero nasanay na rin ako sa kanya dahil pinaparamdam niya sa 'kin na maging kumportable lang ako sa tuwing magkasama kaming dalawa. Ewan ko ba, nakakamiss lang talagang kasama si Igo.


 Noong mga nakaraang araw, lagi ko na siyang nakakasalubong kasama si Alden na talagang kinakainit ko nang ulo dahil grabe kung maka-lingkis na parang ahas kay Igo. Kulang na lang ata, hubaran na lang n'ya 'to at ikamot ang sarili sa katawan ni Igo eh. Mabait naman siya at nakakausap ko minsan kapag nasa practice kami ng sessionistas. Sadyang hindi ko talaga gusto ang way niya kung pa'no siya mag-interact kay Igo. Kung pwede lang siyang kunin kay Igo at itatapon ko sa dagat ay nagawa ko na.

--


Pinagmamasdan ko ang dingding habang sinasariwa ko ang nangyari sa usapan naming ni Kah sa telepono at ang mga oras na nagpakatanga ako sa kanya. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko na sobrang tanga ko rin pala at hinabol-habol ko na parang tagu-taguan at sa huli naman ay wala rin akong napala. Wala pa kasi si Kuya dahil medyo male-late ang kanyang pag-uwi mula sa bahay ng kanyang kaklase. Gusto ko pa naman siyang maka-usap ngayon, dahil gusto kong ibahagi ang desisyon ko noong nakaraan. Hindi na kami ganoon nakakapangabot ni Kuya Kaz dahil lagi nang busy sa mga group projects at plates noong mga nakaraang araw.


Simula noong tinapos ko kung ano ang meron sa amin ni Kah, patuloy siyang nangungulit sa text o kaya tawag at hindi ko naman 'yon sinasagot. Minsan nga, pati sa FB at IG, todo message na parang kulang na lang ay sasabog na ang cellphone ko sa dami ng notifications mula sa kanya. Ang ginagawa ko na lang ay ine-airplane mode ko ang phone ko dahil nakakairita na ang mga pangungulit niya na makipagbalikan ako sa kanya. Nakakagigil lang! Kung pwede lang lumipad papunta sa kanila, talagang babatukan ko siya at sasabihin na wala na talaga. At least, naramdaman niya ang naramdaman ko no'ng siya naman ang nakipaghiwalay. Bilog nga naman talaga ang mundo, at kami pa ang nagkapalitan ng sitwasyon. Hay! Sadyang digital na talaga ang karma ngayon.


Ang hiling ko na lang talaga para sa kanya ay makahanap talaga siya ng mas hihigit pa sa pagmamahal na binigay ko sa kanya. He deserve someone better, kahit nakakadurog sa puso ang ginawa niyang pakikipaghiwalay sa 'kin noon. Lubos na tanggap na ng puso ko na ipinagtagpo lang kami ng panahon, pero hindi kami itinadhana para sa isa't isa.


Pinag-iispan ko ngayon kung ano ang pwede kong gawin para pansinin akong muli ni Igo. Kailangan kong sabihin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Ayokong dumating sa puntong huli na ang lahat, saka pa 'ko aamin sa kanya. Medyo ang hirap talaga, dahil kahit magpapansin talaga ako sa kanya'y hindi pa rin talaga niya 'ko papansinin.



Bigla na namang pumasok sa isipan ko 'yong hinalikan niya 'ko sa dalampasigan. Halos nanlaki ang mga mata ko nang ginawa niya 'yon. Pero ang lambot ng lips niya, naramdaman ko na parang nakuryente ang buong katawan ko. Unang beses pa lang akong mahalikan sa labi, at ang hirap maka-alis dahil parang may mahika na talagang mananatili ka lang sa pwesto mo kapag nahalikan ka na niya. Hindi ko talaga makakalimutan 'yon, dahil hindi talaga ako makatulog sa ginawa niyang yon. Ni nga matulak siya papalayo, hindi ko talaga magawa sa kanya noong mga panahong 'yon.


Biglang umilaw ang bumbilya sa sentido ko. Mukhang alam ko na ang gagawin ko, sana maging matagumpay ako sa gagawin kong 'to. It was now or never, dahil hindi ko pwedeng palampasin ang golden opportunity na mahalin ko pabalik ang isang Indigo Antony Sandoval. Sana, magawa ko 'to nang tama bago pa 'ko mahuli. 

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now