Panlabing-tatlo

285 16 5
                                    

ENR

Napanatag ang loob ko sa sagot ni Papa tungkol sa out of the blue na tanong ni Kuya Kaz tungkol sa amin ni Igo na maging kami na lang daw ang maging magkasintahan -- 'yong tipong pwede na ako umamin sa kanila kahit kailan ko gusto. Kahit ganoon, hindi pa ako handang sabihin lahat at naghahanap ako ng tamang tiyempo at oras. Kung ipapahayag ko man sa kanila tungkol doon, dapat 'yong bukal sa puso ko at yong handa na ako sa mga posibleng mangyayari kapag ginawa ko iyon. Mahirap kasi kapag nag-out ka nang hindi ka handa at baka pagsisihan mo pa sa bandang huli. Medyo bahag pa ang buntot ko sa ngayon sa ganoong pangyayari. Mahirap na kasing mabigla sa mga pangyayaring hindi ka pang handang mangyari.

Noong umamin nga ako kay Kuya Kaz,  nanginginig pa 'ko sa sobrang takot, pumapasok sa isipan ko na baka bugbugin niya ko't di na niya ko pansinin pa. Hindi ko kasi kaya na magalit si Kuya dahil bata pa lang kami, sanggang dikit na kami sa lahat ng bagay. Kapag inaasar o kaya'y inaaway ng mga kalari ko, susugod siya sa mga 'to at aawayin niya para sa akin. Lagi siyang overprotective pagdating sa 'kin, dahil ako lang kasi ang kapatid niya.

Paano pa ba naman, bumaba kasi ako para uminom ng tubig saglit at nakalimutan ko na naiwan kong palang  bukas ang FB ko sa browser at  nagkataon na nakigamit  siya ng printer  para magpi-print siya ng assigments niya dahil sira 'yong kanya noong mga oras na iyon. Nakita ni Kuya na nagpop-out ang chat ni Kah at binasa niya yong mga pag-uusap namin. Kinumpronta niya 'ko at hindi tinantanan hanggang sa umamin ako. Wala rin naman akong nagawa kundi aminin ang totoo, dahil ni-lock niya ang pintuan at pinahayag niya na 'di siya aalis ng kwarto ko hanggang sa aminin ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Kah.

Hindi maipinta ang kanyang mukha  noong mga oras na iyon, at wala siyang nagawa at binigyan niya ko ng mahigpit na yakap bilang  pagtanggap.

Na-antig ako sa sinabi niya sa akin noong umamin ako sa kanya, "Kuya mo 'ko Enr, dapat isa ako sa mga una mong pagsasabihan tungkol sa pagkatao mo dahil sanggang-dikit tayo sa lahat ng bagay. Kung sa tingin mo na magagalit ako sayo at iiwasan kita, hindi mangyayari 'yon dahil hindi ko kayang gawin sa 'yo 'yon.  Simula ngayon, mag-oopen up ka na at ayokong nagtatago ka sa 'kin. Your secret is safe with me."

Simula no'n, nag-oopen na 'ko sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa akin -- kasama na doon ang love life at crush. Gusto kasi ni Kuya para sa akin, mapunta ako sa matinong lalaki at kaya akong ipaglaban kaya' y malaki ang galit  niya kay Kah noong nalaman niya na nakipag-break siya dahil ayaw niya ng LDR. Susugurin na sana ni Kuya si Kah sa bahay nila o kaya aawayin niya sa FB, pero pinigilan ko lang siya bilang respeto sa ex ko.

Sa totoo lang, ayaw na talaga ni Kuya si Kah para sa akin, dahil may nararamdaman na siyang kakaiba na hindi niya gusto. Sa unang kita palang niya noong ipinakilala ko siya ng personal, minamata na niya 'to at hindi siya nagkaroon ng tiwala kailanman.

Hindi ko inaasahan ang pagtawag ni Kah nang biglaan habang nasa kalagitnaan kami ng usapan. Kung kailan hindi ko na siya ganoon masyadong iniisip, tsaka pa siya magpaparamdam.

Nakipag-usap siya sa akin na umiiyak sa phone at nag-sorry tungkol sa  paghihiwalayan naming dalawa noong sinabi ko sa kanya sa text na lilipat na kami sa malayo. Ngayon lang niya napagtanto na masyado siyang nadala ng emosyon, kaya  ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ako. Pero biglang napa-isip ako sa gusto niyang mangyari -- ang magkabalikan kami. Tumulo ang mga luhang namumuo sa mata ko habang patuloy siyang humihingi ng tawad sa ginawa niyang pagpapasakit sa puso ko noong iniwanan niya 'ko nang basta-basta.

Gusto niya na magkabalikan kaming muli sa pangalawang pagkakataon. Sa isip-isipan ko, mukhang tadhana yata ang nagdala sa sitwasyon niyang iyon. Alam ko na gusto kong mangyari ang araw na pagsisihan niya na iniwan niya ako, pero parang ayos na lang sa 'kin ngayon na wala siya. Nakaramdam ako nang awa sa kanya no' ng nagpaliwanag pa siya kung bakit niya nagawa iyon, ngunit hindi naman ako pwede magpadalos-dalos na balikan ko siya agad dahil ex ko siya. Marami nang masyadong nangyari sa akin kaya nasabi ko na lang  na pag-iisipan ko muna ang gusto niyang mangyari. Ang tanging nasabi na lang niya ay gagawin niya ang lahat, maibalik lang ako sa buhay niya at kung mangyari daw iyon, handang-handa na raw siyang sumugal sa LDR.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now