Pangatlo

562 26 5
                                    

(A/N: Ilalagay ko na ang fictional characters sa mga next few chapters ng story na 'to. HAPPY READING!)

ENR

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang lumipat kami ng bahay, maraming mga bagay na hindi ko inasahang mangyari; isa na rito ang paghahanap ng school namin ni Kuya para sa college na hanggang ngayon ay hindi pa makapag-desisyon dahil nag-iisip pa si Kuya Kaz kung ano ba talaga ang kukunin niyang kurso. Isang taon lang naman ang pagitan ng tanda niya sa akin at sabay lang kaming grumaduate ng High School pero magkaiba nga lang ng eskwelahan. Gusto kami na pagsamahin na ngayon ni Mommy ngayong college na kami para kahit papaano ay madali lang kaming ma-monitor at baka makatipid pa dahil sa may mga eskwelahan na nag-aalok ng sibling discount.

Naging hands-on si Mommy sa amin dahil napag-isipan na niya dito muna siya sa bahay habang naghahanap pa siya ng trabaho na pwede niyang pasukan. Nag-resign na siya mga tatlong buwan na ang nakalilipas bago man kami makalipat dito sa bago naming tinitirahan. Kahit ayaw ko man talagang umalis dahil mahirap mag-adjust sa bagong environment at hindi ko kaya na malayo talaga kay Kah. Wala rin naman akong magagawa dahil pangarap nila Mama at Papa dito manirahan simula noong mag-boyfriend at girlfriend pa sila at nataon lang na dito na rin na-destino si Papa sa kanyang trabaho. Nagmakaawa ako kina Mommy at Papa na doon na lang ako mag-cocollege sa dati kong school para hindi na ako magaadjust sa panibagong environment pero tumutol sila at huli na ang kanilang desisyon. Ginawa ko lahat para kumbinsihin na huwag ituloy ang pag-lipat pero natuloy din.

Habang kumakain kami ni Mommy at Kuya, binuksan ni Mama ang pinakaayaw namin na tinatanong niya -- ang pagpili ng kurso sa kolehiyo.  Napatitig ako kay kuya dahil wala pa rin siyang naiisip na kurso sa ngayon at samantalang ako ay nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ang Mass Communication o kaya Journalism. Masyado pang naglalaban ang dalawa sa utak ko dahil pareho ko silang gustong kunin at nandoon sa mga kursong yan ang hilig ko -- ang kumuha ng litrato at magsulat ng mga balita.

Naging tahimik ang paligid nang nagtanong na si Mommy tungkol doon. Hindi namin alam ni Kuya kung ano ang sasagutin sa tanong niya na kung saan hindi pa kami sigurado kung ano ba talaga ang gusto namin ni Kuya.

Napasubo na lang kami ng kinakain namin para hindi lang maisagot ang tanong niya.

Napataas ang kilay niya nang wala ni isa ang sumasagot sa kanya. "Wala ba kayong maisasagot diyan? Baka gusto niyo na ako na mismo kurso niyo?" pangungulit na tanong ni Mommy habang nagbabasa siya ng diyaryo.

"No!" Sabay naming tugon ni Kuya Kaz.

Alam naming ilalagay kami ni Mommy sa kursong tinapos niya na kung saan kami mahina ni Kuya -- BS Accountancy. Gusto kasi ni Mommy na may sumunod sa yapak niya na maging CPA pero  wala sa amin nagmana ang kanyang kagalingan pagdating sa accounting and bookkeeping. Kahit ako, hirap na hirap sa basic accounting lalo na sa debit credit na yan at kung paano ipapantay ang ganito ganyan.

Habang naguusap kami sa hapagkainan, biglang may kumatok sa pinto. Umalis sa upuan si Mama at siya na ang nagpapasok sa taong na nasa labas. Nang makabalik si Mama, nagulat ako na ang bisita namin ay walang iba kundi ang kapitbahay naming si Igo na may dalang sopas.

"Hi Enr!" pambungad na pagbati niya at sabay ngumiti sa akin. "Sopas pala para sa inyo. Si Mama ang nagluto niyan,"dagdag nito at sabay nilapag ang sopas sa la mesa.

Napa-buntong hininga ako sa sobrang inis. "Hello," maikling tugon na pagbati ko sa kanya nang walang buhay.

Pinasabay na ni Mommy si Igo na kumain ng agahan dahil gusto niyang makilala ito at kaibiganin kami ni Kuya para daw may makausap kami na ka-edad namin dito.

Habang kumukuha ng mangkok si Mommy sa kusina, biglang binuksan ni ang topic tungkol sa paghahanap ng eskwelahan.

"Balita ko, naghahanap si Tita ng school niyo for college ah?" pambungad na tanong ni Igo habang kumakain siya.

"Oo eh. Baka may alam ka naman diyan bro," tugon ni Kuya Kaz. "Gusto ko sana 'yong may Fine Arts," pahabol ni Kuya Kaz.

"Doon na kayo mag-college na papasukan ko sa may bayan. Mga thirty minutes away lang mula dito at maganda ang Fine Arts doon," turan niya sa amin.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Kuya nang marinig niya iyon at sabay nag high five sila. Mukhang alam na niya talaga ang gusto niya at hindi lang niya sinasabi sa amin dahil siguro baka tumutol si Mommy at Papa sa gusto niya. Ngayon ko lang narinig kay Kuya na may napupusuan na pala siyang kurso at kung saan pa siya magaling -- ang gumuhit.

Pagkatapos niyang kausapin si Kuya, ako naman ang kinausap niya tungkol sa kurso. "Ikaw ba Enr, may naiisip ka na bang kunin?" Seryosong tanong niya.

"Either Mass Comm or Journalism, passion ko kasi ang news writing, films and photography," sagot ko.

"Oh! That's nice. Mass Comm kasi ang kukunin ko sa pasukan," turan niya.

Tumango lang ako. Wala sa mukha niya na magma-masscomm siya. Mukha kasing puro papogi lang naman ang alam niya at parang walang future sa buhay.  Hindi ko pa naman siya kilala pero sadyang 'yon lang ang first impression ko sa kanya. 

Nang nakabalik na si Mommy galing kusina, tinanong niya si Igo tungkol sa paghahanap ng eskwelahan. Sinagot naman niya na doon na lang sa papasukan niya dahil malapit lamang ito dito at isa sa pinakamagandang eskwelahan sa bayan.  Natuwa naman siya at napagisipan na tumungo kami doon bukas at isasama niya daw si Igo para hindi kami maligaw doon. 

Nang matapos kaming kumain ay lumabas ako sa bahay at tumungo uli sa dagat. Hindi ko namamalayan na sinusundan na naman ako ni Igo.

"Sinusundan mo na naman ba 'ko?" Inis na tanong ko.

Ngumiti siya. "Oo, baka kasi mahimatay ka na naman eh," tugon nito na may halong pangangasar.

Iniwasan ko siya at patuloy lang ako sa paglalakad habang pinagmamasdan ang dagat. Gusto ko lang kahit papaano na gumaan lang ang dinadala kong hinagpis kahit papaano. Masyado pang sariwa ang mga sugat ng pagsuko niya sa aming dalawa.

"Alam mo, tama na ang pagtakbo at mapapagod ka lang," sabi ni Igo habang patuloy lang akong tumatakbo.

"Mind your own business bro," tugon ko at sabay napadapa ako sa buhangin.

Inalok niya ang kanyang kamay at itinayo ako sa pagkadapa. Wala na akong nagawa kundi makipagusap sa kanya para matigil na siya sa kakasunod sa 'kin.

"Iniiwasan na nga kita, sunod ka pa nang sunod," sambit ko sa kanya. "Ano ba gusto mong mangyari?" tanong ko na may halong pagtataka sa pagsunod niya habang naglalakad sa dagat.

"Sadyang gusto lang naman kasi kita maging kaibigan," deretsang sagot niya.

"Paano kung ayaw ko?" pambabarang tanong ko sa kanya.

"Sa ayaw mo at gusto, makikipagkaibigan pa rin ako sa 'yo," pursigidong sagot niya sa tanong ko.

Sa sobrang pursigido ni Igo na kaibiganin ako, wala na rin akong nagawa kundi makipagkaibigan sa kaniya. Kung hindi ko gagawin iyon ay hindi titigil si Igo sa kakakulit sa' kin and sa tingin ko rin ay bigyan ko na rin ng tyansa para naman makakilala ng bagong tao.  Mukha rin namang hindi naman ako kikidnapin o bubugbugin nito kaya pumayag ako na maging kaibigan niya.

Dito Ka Lang (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora