Pampito

344 20 6
                                    

ENR

TATLONG LINGGO na rin ang nakalilipas noong napagkasunduan namin ni Igo na magtutulungan kami para bumalik sa 'kin si Kah.  Hindi ko inasahan mula sa kanya  na gagawin niya iyon, pero lumundag ang puso ko sa tuwa na nag-initiate siya na tulungan ako sa gusto kong mangyari. Hindi ko rin sukat na akalain na magiging magkaibigan kaming dalawa kahit nasusungitan ko siya kada bisita niya rito sa bahay. Kahit ganoon, unti-unting magiging malapit ang aming pagsasamahan bilang magkaibigan.

Minsan, nagdadala talaga siya ng pagkain na luto ng nanay niya sa tuwing bibisita siya rito pag hapunan, at lagi na rin siyang sumasabay papasok sa school. Tuwang-tuwa sila Mommy, Papa at Kuya Kaz kapag napapabisita siya sa bahay dahil sa kanyang pagiging makwento at makwela. Sabi nga ni Daddy, buti daw at nandiyan si Igo para may kakilala na ako sa bago kong school. May isang araw na dinala ni Igo ang mga magulang niya rito and it turns out na kaklase ni Mommy pala si Tita Monica no'ng college -- ang nanay ni Igo. Nagkwentuhan sila ng matagal na parang walang bukas habang kami naman ni Igo ay pinaplano na namin sa dalampasigan kung paano namin ipapamukha sa ex ko na sinayang niya'ko. 

Ang una naming gagawin ay magpo-post ako sa IG ng litrato ng isang regalo mula sa kanya na may appreciation message na ginawa namin noong nakarang araw. Mabuti na lang na hindi talaga kami nam-block sa isa't isa ni Kah kaya'y madali lang gawin ang bagay na ito.  Bumili kami ng isang dosenang na tsokolat na nasa hugis puso na tsokolate na sa isang convenience store at isang valentine card para mas kapani-paniwala ang gagawin naming plano. 

Habang naghihintay kami ng pagkain sa isang restaurant noong mga oras na 'yon, nilapag ko sa table ang box ng tsokolate at ipinatong ang card sa taas. Kinuhanan ko ito ng pa-flatlay at agad na pinost na may mensahe -- I can' t believe that someone will give me this box of chocolates with a message card on the side, thank you for this, niglagyan ko rin ng heart emoji at hashtags tungkol sa pag-ibig para mas kapani-paniwala na meron talaga akong manliligaw.

Bumaha ng notifications ang IG post kong iyon. Ni-isang bakas ng likes,comments o messages mula kay Kah ay wala man lang akong natanggap. Shet! Feeling ko, mukhang papalpak 'tong planong 'to. Huwag naman sana dahil hindi talaga kakayanin ng puso ko na hindi siya bumalik sa buhay ko.

Tumungo ako sa bahay nila Igo para kausapin siya tungkol sa plano. Nang makarating ako sa kanilang pintuan, pinindot ko ang doorbell ng isang beses, naghihintay na ko ng higit sa limang minuto ay wala pa rin ito. Siguro, may ginagawa sigurong kababalaghan 'yong lalaking 'yon. Pinindot ko nang mariin ang doorbell ng maraming beses pero wala pa rin sumasagot. Pagkabukas niya ng pinto, napasinghap ako nang tumambad siya sa akin na tanging jacket na hindi naka-zipper lamang ang suot. Tenernuhan nito iyon ng boxer shorts dahilan para magmayabang ang v-line niya. Pigil ko pa rin ang hininga ko. Hindi ko na rin napigilan na igala ang mga mata ko pababa sa kanyang dibdib at tiyan. Hindi naman ganoon ka-fully formed ang kanyang abs, pero masasabi kong puwede na iyon ihilera sa mga model ng underwear na may billboard sa EDSA.

Napalunok din ako nang makita ko ang kanyang litaw na litaw na balagat. Potek, mas hot pa siya sa ex ko! Para akong natuyuan ng lalamunan pagkatapos. Erase, erase. May Kah ako at hindi dapat ako ma-attract nang ganito.

"O? Napatulala ka diyan Enr?"  tanong niya habang isinasara niya ang kanyang jacket.

"W-wala..."pautal-utal na sagot ko.

Natawa na lamang siya. "Sus, baka mamaya, pinagnanasahan mo na'ko niyan?"

Itinaas ko ang gitnang daliri sa harap niya. "Feeling hot ka naman diyan! Wag ka ngang conceited," turan ko. 

"Okay," maikling tugon nito at sabay ngumisi.

Pagkatapos nang usapang iyon, tumungo kami sa kwarto niya para pag-usapan ang pag-usad ng plano. Sinabi ko sa kanya na marami ang nagla-like at dm sa post kong 'yon pero hindi pa rin siya nagpaparamdam kahit like man lang.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now