Ex

1.6K 78 5
                                    

Natatandaan mo pa ba ako?
Ang pangalan ko? Ang pangako mo?
Naalala mo pa ba ang sumpang iyong binitawan?
Na ang pag-ibig mo ay walang hanggan.
Natatandaan mo pa ba ang bawat pangarap na ating binuo?
Natatandaan mo pa ba ang iyong mga ipinangako?

Natatandaan mo ba ang araw na nagpasya tayong maghiwalay?
Sa gitna natin ay isang puno ang nakatunghay.
Magkatalikod tayo at sabay na lumakad palayo.
May huling sumpaan na hindi lilingon at hihinto.

Ngunit hindi ko kinaya mahal ko, ako ay lumingo sa likod ko.
At sa bawat hakbang mo palayo ay syang sambit ng pangalan mo ng labi ko.
"Pakiusap, luminhon ka." Ngunit hindi ka lumingon.
Ikaw ay nagpatuloy sa paghakbang habang ako'y umiiyak sa damuhan.
Nanatili ako kung saan mo ako lugar na iniwan.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi ako nag-iba.
Ako pa rin ito, ako na dating AKO.
Ako na nakadungaw sa bintanang basag at hindi ko makayanang palitan dahil nariyan ang ala-ala mo.
Lumipas ang mga araw ngunit hindi ako nag-iba.
Ako pa rin ito. Ako na dating minahal mo.
Ako na yakap ang iyong mga unan at inaalala ang bawat oras na tayo ay nagbubulungan.
Inaalala ang iyong mga pangako habang pumapatak ang mga luha sa unan.
Iniisip ko kung saan ako nagkamali. Iniisip ko kung saan ako nagkulang.
Bakit mo hiniling ang iyong kalayaan?

Ako ba ang may mali dahil lubos pa rin akong umaasa?
O ikaw na umalis dahil hindi ka nakuntento at humanap ka ng iba?

—————————
A/N
Can relate?

Midnight Thoughts (Short Stories Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon