Country Road- A Short Story

740 55 7
                                    




Hindi ko akalain na babalik ako sa probinsya namin. Nilimot na ng utak ko ang daan na ito ngunit heto ako, tinatahak ang pamilyar na daan pauwi, at least pamilyar sa puso ko. Mula sa airport, nag-arkila ako ng kotse pauwi sa aming bayan. Mahigit walong oras na biyahe ito kung deretso, pero mas nais kong gugulin ang mga natitirang oras sa mga masasayang alaala.

Palabas ng Metro Manila, huminto ako sa isang gasolinahan sa NLEX.

"Sir, dine in or take out?" tanong sa akin ng isang service crew.

"Take away," sagot ni Victoria. Naguguluhang tumingin sa amin ang service crew.

"Take out," natatawang sagot ko.

"Take out na lang." Hinintay kong maibigay sa akin ang order ko. Pilit akong ngumiti nang iabot sa akin ang binili kong coffee. Dalawa— kahit mag-isa lang ako sa biyahe. Sakay muli ng kotse ay pinagpatuloy ko ang biyahe. Sumisigaw ang Eraserheads sa speaker at nagkukwento si Ely Buendia tungkol sa pagmamaneho niya hanggang Bicol.

"Please, please lang turuan n'yo akong magdrive... gusto kong matutong magdrive,"

"Wala ka naman kotse," basag ko sa kinakanta ni Victoria.

"Uma-ano ang kotse mo kung hindi ko pwedeng gamitin?" tumatawang sagot niya.

Napapangiti akong sinasabayan ang kanta. Ilang sandali pa ay natanaw ko ang Pulilan Exit at imbes na dumeretso ako ng daan ay lumiko ako pa-Pulilan. Tahimik akong nag-park sa parking ng Barasoain church. Pagpasok ko sa loob ay may natanaw akong magkasintahan.

"Dito ko gustong ikasal,"

"Wala ka ngang jowa e. Magtigil ka nga, Victoria," sagot ko sa kanya.

"Tapos naka- baro't saya ako habang nakabarong tagalog si crush," kinikilig na pagpapatuloy niya sa kwento.

Umusal ako ng panalangin at nag-antanda bago ko iniwan ang simbahan na naging saksi noon sa aking mumunting dasal. Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho patungong norte. Bago ako bumalik sa express way ay dumaan ako sa bilihan ng chicharon.

"Hay, pam-high blood ito pero magjo-jogging na lang ako saka pineapple juice," wika niya habang kumakain ng chicharon sa passenger seat. "Daan ka sa Clark. Gusto kong makita ang mga eroplano doon."

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit tuwang-tuwa ka sa eroplano," bulong ko sa kawalan habang pinapanood ang mga eroplano na bumababa at lumilipad mula sa isang open space malapit sa Clark Airport. Nagpalipas muna ako ng ilang sandali at inubos ang chicharon bago sumakay sa arkilado kong sasakyan. "Saan tayo?"

"Pangasinan. Bibili ako ng sibuyas na tagalog at bawang," sagot niya.

"Aanhin mo iyon? Ang daming sibuyas sa probinsya," angal ko.

"Iba ang lasa ng sibuyas at bawang na tagalog. Bilis na,"

"Manang, magkano po?" tanong ko sa isang stall na nadaanan ko.

"Wampipti isang bigkis," sagot ng tindera.

"Bakit ang mahal?"

"Huwag ka ng tumawad," pigil ko kay Victoria at tinakpan ang bibig ng kamay ko upang hindi na kami mapahiya pa.

"One hundred na lang po,"

"Naku nga, doon ka na lang sa iba bumili kung mangbabarat ka." Medyo nagalit ang tindera sa akin. Napangiti ako ng kaunti at inabot ang bayad ko sa kanya. Kinuha ko ang bawang na binili ko at inihagis sa likuran ng kotse kasama ng ibang chicharon na hindi ko maubos-ubos.

Midnight Thoughts (Short Stories Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon