CHAPTER 28

73 4 1
                                    


JUST ONE DAY

Roseanne POV

Saturday ng gabi ay tumakas ako ng bahay total pag nagpaalam ako hindi ako papayagan. Nagbyahe ako papuntang airport at may lalakeng lumapit saakin "This way po Ma'am Roseanne"

Sumunod lang ako dahil siguradong kay Josh to dahil may nakasulat na Lopez. Pagkapasok ko ay may inayos lang sila at nagsimula na kaming lumipad at napatulog lang ako sa byahe.



Nagising ako at nakitang nasa isang magarang kotse na ako. Agad naman akong kinabahan at tiningnan kung sino ang driver


"Ohh hello there rosie!" Bati niya

"Hanubayan joshh, kinabahan ako, akala ko pa naman kinidnap na ako"


Ngumiti lang siya. Umaga na ng makarating kami dito, siguro mga 9 na. Tumigil kami sa isang coffee shop at umorder siya.

"Pano mo nalaman na gusto ko ng caramel macchiato?" Natatawang tanong ko

"Tulad ng dati lang right?" Sagot niya naman



Ngumiti lang ako dahil di niya parin nalilimutan ang paborito ko


"Nagpaalam ka?" Tanong ni josh

"Hindi hhehee" nahihiyang sagot ko

Akala ako ay magagalit siya pero tipid lang siyang tumango




"Congratulations"


"Ha? Bakit naman?" Natatawang tanong ko kay Josh

"Kasi finally nakapagdesisyon ka na para sa sarili mo....Minsan talaga maganda ring gawin ang mga bagay na magpapasaya sayo"

Pagkatapos namin ay pumunta kami sa rest house nila. Wala masyadong building malapit dito...parang secret place lang



Pumunta ako sa kwarto ko at nagpahinga.



Nagising ako ng may narinig akong kumakatok sa pinto "Rosie gising na ! Mag sisix na .... may pupuntahan tayo!"


"5 minuteeeees" inaantok na sagot ko



Akala ko ay makakatulog ako ng mapayapa pero nagulat ako ng may kumiliti saakin

"H-hoy ano ba josh—oo na please tatayo na ako"


Tumigil naman siya at nginitian ako. "Maligo at magbihis ka na" sabi niya na agad ko namang ginawa



7 PM ay umalis na kami at pumunta sa isang malaking theatre

Nakahanggul ang sulat kaya naman tinanong ko si josh kung ano meaning

" Meaning niyan may concert na magaganap officially for koreans only dahil gusto nilang makasama ang korean fandom nila at inaappreciate nila yun"


Heto ako nganga...


"Wait—pano mo naintindihan?"


"Isang buwan na ata akong nagaaral" tipid na sagot niya



"Teka, eh hindi naman tayo koreans diba?" Naguguluhang tanong ko

"I have my ways Rosie..."




Pagkatapos nun ay nakapasok na kami at naupo kami sa medyo malayo layo na.



Tumugtog ang isang kanta na nagpaingay sa lahat

Sabi ni josh ay dapat sa unahan kami pero sabi ko ay wag na dahil andaming tao at baka makasama ang baby ko. Lumabas ang pitong lalake na nagpaingay lalo

Teka——si namjoon yan diba?

Napangiti ako ng makita ko siya....He's still the same Namjoon...medyo gumwapo ng kunti pero siya parin yun

"See? I told you I'll make you happy" sabi ni josh na agad ko namang nginitian


Sumayaw sila ng maraming kanta at wala naman akong naiintindihan


"Ano daw sabi josh?" Tanong ko

"Meron daw isang lucky fan na makakapunta sa stage"


"Hys, gusto ko na umuwi pagod na ako chaka di naman ata tayo mapipili——"

Tumutok saakin ang isang ilaw at nakita ko ang sarili ko sa malaking screen


"Ikaw daw ang swerteng fan dali naaaa!" Natutuwang sbi ni josh

May mga sumundo saaking crew at dinala na ako sa stage

Pumunta ako sa stage at natahimik sina Namjoon. Agad siyang tumingin saakin at ngumiti

"Woooow! i yeoin-eun imsinhaessseubnida !" This lady is pregnant Sabi ni jin ata di ko alam

"She's an army" sabi naman ni hoseok, shempre kilala ko siya 


Sobrang lapit saakin ni namjoon "hello sweery" mahinang bulong niya saakin

Agad naman akong naghina

"We're going to sing for her" sabi naman ni jungkook


"Lets sing her a 'just one day" sabi ni jimin











Binigyan nila ako ng pitong rosas at bumalik na ako sa kinauupuan ko. Di ko man masyadong naintindihan ang sinasabi nila, pero naintindihan ko naman ang sinabi ni Namjoon na magusap kami pagkatapos.

Being Kim Namjoon's student Where stories live. Discover now