Chapter 08 - More than he can ever think of (July 02, 2019)

37.6K 1K 50
                                    

Chapter 08 - More than he can ever think of

Chapter 08 - More than he can ever think of

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

December 17, 2010

Parang mabigat naman ang dala-dala ni Odi nang pumasok sa classroom. Dala-dala ang stuff toy na regalo ng kapatid niya kay Lee, pati na rin ang nakabalot na dala niya pang-exchange gift, hindi niya alam kung bakit parang mas mabigat pa ang laman ng bulsa niya. Bulsa kung saan nakalagay ang necklace na pinagawa niya.

Ilang beses siyang nag-isip kung kukuhanin niyo 'yun. Hindi 'yun kamahalan pero halos maubos pa rin ang savings niya na inilaan sana niya para bumili ng bagong damit. Pero inisip niya, peace offering na rin para sa mga masasakit na nasabi niya. He admits to himself na totoong pumutok naman talaga siya ng araw na 'yun. Kapag naiisip niya ay nahihiya pa rin siya sa sarili niya na sinigawan niya nang ganun na lang ang isang babae. Lalo pa't 'yung babaeng 'yun 'yung taong may malaking utang na loob siya— sila ng kapatid niya.

'Pag-upo pa lang ni Odi ay nakita niya na agad ang isang regalo na nasa upuan niya. Agad niyang tinignan kung sino ang nagbigay, pero walang nakalagay. He silently wished it was from someone. Para hindi niya na kailangang kabahan pa sa pago-offer ng peace offering.

Pero nang magbubunutan na para sa exchange gift na doon palang nila ginawa, siya ang nabunot ng ka-klase niyang si Danielle.

"Gosh." Nahihiyang bigay nito sa kanya ng regalo. Odi becomes confused. Bakit ito nahihiya?

Pero nang makabalik siya sa upuan matapos ring ibigay ang regalo niya sa isa pang ka-klase, he realized that Dani's gift has the same gift wrapper as the one on his chair. He suddenly compared the handwriting on the card. It's the same.

Napatingin siya kay Danielle.

"Galing din sa'yo 'tong isa."

"Yeah..." She replied shyly. "'Di ko naman akalain na sa'yo din mapupunta 'yung exchange gift ko."

"Ah. Salamat. Pero bakit?"

"A-anong bakit?" Namumula na ang mukha ni Dani.

Odi realized how rude he was upon questioning the gift.

"I mean, ano ito? Bakit meron ako?"

"Wala lang 'yan. 'Yung libro."

"Libro?"

"Nakahanap ako 'nung librong hiniram mo at nasira. Tinanong ko sa librarian natin kung saan pwedeng makabili. Medyo mahirap humanap, pero at least 'di ba? Nakahanap ako. Sa La Rotunda lang daw meron niyan eh. Bumili din ako ng isa pang book. Sana magustuhan mo." Biglang tutop si Dani sa bibig. "Ano ba 'yan sinabi ko na tuloy 'yung laman."

"Ah... Salamat." Gusto sanang sabihin ni Odi na hindi naman na kailangan pang gawin ito ni Odyssey because he can buy it himself. Tutal siya naman ang nagtapon nito sa basurahan. But his thoughts overcame him. Naisip niya na naman kung paano niya sinigaw-sigawan si Lee until she cried. He felt really bad he did that.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin