Chapter 45 - Sinners (December 12, 2019)

27K 753 269
                                    

Chapter 45 - Sinners

Chapter 45 - Sinners

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

June 30, 2019

Panay ang sulyap ni Odyssey sa babaeng nakaupo ngayon sa passenger's seat. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa labas at tuluyang kumunot nang makita ang One Way sign sa dapat sana nilang lilikuan.

"One way din pala dito." Ani Lee.

"Oops. Sorry." He replied bago kinuha ang kaliwang kamay nito at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. "Baka sa kabilang kanto, makakaliko na tayo."

Lee looked at their intertwined hands at saka tumingin sa mukha ni Odi na abot tenga ang ngiti.

"Sinasadya mo bang maligaw tayo?"

Lalong lumawak ang ngiti nito.

"Odyssey!"

"Oh God, I missed that." He chuckled even more. He really missed her temper.

"Magpahinga naman tayo." Bumuntonghininga si Lee. Pilit niyang tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak ni Odi para mas maging maayos ang pagmamaneho nito, pero hindi nito pinapakawalan ng lalaki.

If anything, he even placed the back of her hands over his lips.

"Sorry..." Tanging nasabi nito. "'Eto na, iuuwi na kita."

Odyssey smiled on the thought that they were like forbidden lovers. Na parang nagnanakaw lang ng sandali sa gabi na magkasama.

"Wala ka bang pasok bukas? Hindi ba maaga ang mga school?"

"How much did you know about my 8 years, Lee?"

Tumahimik muna si Lee bago sumagot.

"Not much."

Tumango si Odyssey bago tahimik na itinuloy ang pagda-drive.

Saglit lang at narating din nila ang apartment ni Lee.

"Kung matulog na lang kaya ako ulit dito?" Odyssey playfully asked habang inihahatid niya ito sa loob.

"Umuwi ka na..."

"Hmm... Tama. Dito na lang ako matutulog."

"Umuwi ka na. Baka nag-aantay na 'yung kapatid mo."

"Malaki na si Perci, Lee. Kaya niya na ang sarili niya."

"Paano ka matutulog dito?"

"Dito sa sofa."

Tumingin si Lee sa maliit niyang sofa na parang hindi nga kakasya kahit kalahating katawan nito.

But Odi is already smiling at the fact that she is considering the thought already.

"Bakit ka matutulog dito kung may mas kumportableng higaan ka doon sa inyo?"

"Kaya nga, bakit ka rin natutulog dito kung pwede ka naman sa bahay ko."

Natahimik si Lee.

Odyssey smiled at his own straightforwardness. Isn't that directly asking her to live in with him?

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now