Chapter 66 - Mother (January 04, 2020)

19.6K 635 116
                                    

Chapter 66 - Mother

Chapter 66 - Mother

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 16, 2019

"Mizelea!" Sigaw ni Odyssey nang mamataan si Mizelea.

Kumaway si Mizzy sa kanilang dalawa ni Perci pero patuloy pa rin nitong kausap ang doktor.

"Okay naman ang mga test. Aside from her mild wrist sprain and broken finger, maayos naman ang lagay niya. Pwede na siya mai-discharge kapag nagising siya."

"Salamat naman doc."

Tumango ang doktor kay Mizzy bago umalis. Dito lamang tuluyang nakalapit si Odi at hinawakan ang kamay ni Mizzy na parang humihing ng mga sagot.

"Okay na. Ngayon-ngayon lang siya na-test ng kung ano-ano. Maayos naman siya sa X-Rays. Bakit hindi ka pa pumasok doon? Nandiyan lang sa loob si Yaya Melay. Aasikasuhin ko lang 'yung bill. Hatian mo ako ah."

Hindi pa rin bumitaw si Odyssey sa pagkakahawak kay Mizzy. "Ako na magbabayad ng lahat. Ano bang nangyari? Anong hit and run? Bakit siya dehydrated? May lagnat pa ba siya? Bakit dito siya dinala. Napakalayo nito sa'tin ah."

Odyssey knew that Lee was supposed to him. Sa kabilang bayan ang ospital kung saan siya nakacheck in. What is he doing here in the South?

"Hindi rin masyado pang malinaw eh. Pinapaayos pa kung may CCTV kung saan siya nabangga. Pero ang sabi ng mga nagdala, nadali daw ng sasakyan diyaan lang sa may Alabang."

"Alabang?"

"Pero sabi ng doktor baka mataas na daw blood pressure niya noon. At saka fatigue na rin. O baka nahilohilo na talaga siya kaya nabundol din siya. Ano bang ginagawa ni Lee dito?"

Napailing si Odyssey. Walang nakakaalam.

"Anong test ang nagawa?"

"Huwag kang mag-alala, pina-kumpleto ni Yaya Melay. 'Nung dumating kasi siya, doon pa lang napasimulan 'yung tests. Kaya baka mahal 'yung bill. Alam mo na. Nasa Asian tayo. Parang hotel dito jusko."

"It's okay. Kung may kulang pa, let her be checked. Let us be sure."

"Ayos naman siya. Gusto ko lang talaga malaman kung sino 'yung walanghiyang nakabundol sa kanya."

Tumango si Odi. Gusto niya ring malaman 'yan. He will settle old scores but her safety and health is top priority.

There is a big wave of relief now that he knew that only a door is separating them.

Minsan, hindi niya matantsa kung gaano niya ito kamahal. He knew he loves Lee as much as he can. But in times like this, he just wanted to give even more than he is allowed to.

"Nawala na rin 'yung lagnat niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo nitong mga nakaraang araw, pero baka napagod lang siya, o may pinuntahan. Puntahan mo na doon." Tinapik ni Mizzy ang balikat ni Odi at naglakad.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now