Chapter 63 - Saving grace (January 02, 2020)

19.3K 663 109
                                    

Chapter 63 - Saving grace

Chapter 63 - Saving grace

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 14, 2019

Nakahiga si Lee sa kama. Isang araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto dahil iniisip niya pa rin kung anong gagawin kay Ericka... at kay Perci.

"Shit." Napabangon siya nang mag-ring ang cellphone. Buong araw ay nakikipagtext lang siya Odyssey habang patuloy nirereject ang mga tawag nito dahil ayaw niyang mahalata nito sa boses niya ang problema.

Pero ngayon, she can't pull off the same stunt dahil paniguradong mas makakamoy ito.

"Hello?" Pinasigla niya ang boses. "Miss na miss na kita."

("If you miss me, bakit hindi mo ako dinalaw dito kahapon?") There was helplessness in his voice which made Lee's heart constrict a little more tighter than it already was.

"Sorry na. 'Di ba sabi ko napagod lang ako kasi inumaga na kami ni Dani..."

Bumuntonghininga si Odi.

("Don't feel too bad about Danielle.") Sagot ni Odi. He must have received Danielle's email already. And maybe he was assuming that Lee's mood was affected just by that.

At totoo naman na nalulungkot si Lee sa mga desisyon na ginawa ni Danielle na alam niyang ginawa lang naman nito dahil bumalik siya. Pero ibang-iba ang umo-okupa ng utak at puso niya ngayon.

Kaya lihim siyang nagpasalamat na kahit hindi totoo, nagagamit niya ang tungkol kay Dani, para hindi makasugod agad-agad sa ospital kung saan nagpapagaling si Odi.

Lalo na nang wala pa ring solusyon at katapusan ang usapan nila noong nakaraang madaling araw ni Ericka.

The last thing that Ericka said to Lee was for her to leave the house immediately. Dahil kung hindi, ito daw mismo ang magsasabi kay Perci ng mga nalaman nila at ng mismong reaksyon niya.

She hated everything about it. Ericka's manipulative threats. Pati na'ng pagpapaalis nito sa kanya na akala mo kanya ang bahay na iyon.

Lee wanted to retort. Gusto niyang salubungin ang isinusumbat sa kanya na kawalan ng karapatan pabalik dito, pero nanatili siyang tahimik hanggang masabi nito noong gabing 'yun ang gusto nitong sabihin.

Gusto lang daw nitong protektahan ang dalawang kapatid.

Lee begged off.

Nakiusap siya kay Ericka na aayusin niya ang mga bagay na 'yun nang hindi masisira ang relasyon ng magkapatid. Pero kahit sa sarili niya, hindi niya alam kung paano niya 'yun magagawa. But at that time she knew she couldn't just leave. Lalo na't wala sa bahay si Odyssey.

She asked Ericka to give her even just a couple of days hanggang makapagpaalam lang siya kay Odi.

But being the Lee that she is, binubugbog niya ang sarili niyang utak ng mga paraan para walang magbago sa kanila.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now