chapter one

20K 286 17
                                    


"Miss Santana, you can go now." sabi sa kanya ng chief investigator ng presintong iyon.

Agad siyang tumayo pagkarinig sa sinabi nito saka walang lingon-lingon na naglakad papunta sa pintuan at agad na lumabas mula sa opisina nito.

Sa labas kita niya si attorney Labrador, their family lawyer, busy talking to the owner of the stall. Ang maliit na kariton ng fishball na kanyang nabangga kani-kanina lang. Somehow she's a bit dissapointed dahil wala doon ang tanging tao na gusto sana niyang naroroon sa mga sandaling iyon. Her father.

Lumingon ito ng maramdaman siguro ang presensiya niya. She walk immediately towards him.

"Is everything settled now Attorney?" Tanong niya. Ang mga mata ay naroroon sa medyo may edad ng lalakeng kaharap nila. The cart owner.

"Yes Ella, but I'm still talking to Mang Tonyo. Gusto ng Papa mo na bigyan siya ng dagdag pa na kabuhayan bukod sa pinalitan yung kariton niyang nabangga mo." Binigyan diin nito ang huling sinabi. He is insinuating that it was really her fault. At base sa mga tingin nito sa kanya, gusto pa yata nitong humingi siya ng tawad sa Mang Tonyo na iyon.

Napataas ang kilay niya. She will never do such thing!

Okey, she admit it. Partially it was her fault, pero may kasalanan din naman ang matanda dahil tumawid ito doon kahit alam nitong ipinagbabawal dahil accident prone area ang lugar. Kung iisipin, siya pa nga itong agrabyado dahil muntik ng mabagok ang ulo niya sa headboard ng kanyang  sasakyan dahil sa mabilisan niyang pagpreno. Na naabot pa rin ang kariton nito.

"H...Hindi na naman po kailangan iyon Attorney." Sabi ng matanda na alanganin ang tingin sa kanya. "Sapat na po na pinalitan yung kariton ko, at yung binigay ninyong dagdag na puhunan ko."

"Yun naman pala Attorney e, so come'on let's go, I'm dead tired. Masakit pa ang ulo ko sa muntikan kong pagkabagok kanina." inip niyang sabi.

Napayuko naman ang matandang may-ari ng kariton.

"Pagpasensiyahan ninyo na po ako na ma'am." Mahinang sabi nito.

"Alam ninyo naman siguro na bawal tumawid doon di ba?" Sarkastikong di niya napigilang tanong.

Kung tutuusin, ito pa ang may malaking atraso sa kanila dahil nagupi ang harapang bahagi ng kanyang bagong biling Sedan. Hindi na nga niya iyon irereklamo pa dahil alam naman niyang wala rin naman itong ibabayad.

"Pasensiya na po talaga, nagmamadali po kasi ako dahil hinahabol ko yung oras ng meryenda sa eskwelahan sa kabilang kanto. Kung doon pa kasi ako dadaan sa pedestrian lane, hindi na ako aabot, at kapag nagka-ganoon, hindi na po mauubos yung paninda ko."

"Kahit alam ninyong pwede kayo madrisgrasya? And then you will blame it on us? On me?"

"Ella!" Saway sa kanya ni attorney Labrador.

"What?" Taas kilay niyang baling dito. "It's true anyway."

"Let's just settle this okey." Mahinahon nitong sabi. "Besides kagustuhan ng Papa mo na bigyan si mang Tonyo ng dagdag na hanapbuhay, at scholarship na rin sa tatlo niyang anak na nag aaral."

"Naku, huwag na po," agad ring sansala ng matanda. "Sobra-sobra na po yung mga ibinigay ninyo, nakakahiya naman po na pa--"

"I'm going attorney!" Naiiritang putol niya. "Hihintayin nalang kita sa kotse. Kung ano man ang charity works na gustong ibigay ng Papa, settle it immediately." Dugtong niyang hindi na hinintay ang sagot ng abogado. She turn her back at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng presintong iyon.

"WHAT?" Taas-kilay niyang sita kay attorney Labrador. Pansin niyang kanina pa ito pasulyap-sulyap sa kanya sa front mirror ng kotse nito.

"You don't have to be that harsh to that old man Ella, nakakaawa yung matanda."

A love so wild (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora