chapter four

6.6K 177 9
                                    

"Mang Renato si Clark po?" She asked, trying to hide the excitement in her voice.

Natigilan ang matanda ng lumingon, the surprised in his face was so obvious as he look at her. Hindi siguro nito inaasahan ang pagpunta niya doon sa garahe ng kanilang mga sasakyan. Not in his five years of being their driver. And she can't blame him for being dumbfounded.
 
Kailan ba ang huling beses na napadpad siya doon?

Ah, hindi niya alam.

Wala siyang matandaan. Kahit pa nasa loob lang iyon ng kanilang bakuran ay ni minsan hindi siya nag aaksaya ng oras para magawi man lang sa bahaging iyon ng kanilang mansyon. Bakit pa? Kung pwede naman niyang iutos sa mga katulong na tawagin si mang Renato kapag kailangan niya  o kung may pupuntahan siya. She don't need to put an effort to go there, isang utos lang sa mga kasambahay nila nagkukumahog na ang mga iyon na sundin siya.

"Si Clark po?" Ulit
niya ng hindi ito sumagot at nanatili lang ang  nagtatakang mga mata sa kanya.

"Huh? ah.. nasa hardin señorita.." Sabi nito ng matauhan. "Tumutulong yata kina Pepe at Sabel.. May pupuntahan ka ba? sandali lang at tatawagin ko.." Dugtong nito saka dali-daling pinatay ang hose ng tubig.

"Ako nalang po ang pupunta sa kanya mang Renato!" Agad niyang agap na muli nitong ikinatigil. Kunot noong bumaling sa kanya.

'Damn!' Lihim niyang minura ang sarili. Hindi naman siguro ito nakahalata na atat na atat siyang makita si Simon.

"Ah, gusto ko rin po kasing makita ang hardin ni Mama.."

Shit! Why do she need to explain?

Agad siyang tumalikod mula rito at naglakad palayo, magkagayon man, hindi pa rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagsilay ng ngiti sa labi ni mang Renato.

At tulad nito, ganoon nalang din ang pagka-bigla ng mag asawang
Pepe at Sabel ng makita siyang papasok ng hardin, tumigil ang mga ito sa ginagawang pagdidilig at agad na tumayo saka siya sinalubong.

"S..señorita!" tulad ni mang Renato mababakas din ang pagtataka sa mukha ng mga ito. "May kailangan po ba kayo?" Si Pepe.

Inilibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ng mga mata ang taong dahilan kung bakit siya naroroon. Pero kahit nagkandahaba na ang leeg niya, hindi parin niya nakita ni anino ni Simon.

"Si Clark?" Muli niyang baling sa mag asawa.

Kitang-kita niya kung paano natigilan at napa-angat ang tingin ng dalawa sa kanya.  

"S..si Simon po ba?.." Si Sabel ang sumagot na halos makan-dautal ang boses. Alam niyang hindi pa sanay ang mga ito na ganoon ang tawag niya kay Simon. "Nasa likod po siya kasama si Itay na nananabas ng matataas na damo.." Dugtong nitong hindi makatingin ng diretso sa kanya.

She knew it, lahat ng katulong ay ilap sa kanya, wala ni isa man sa mga ito ang nangiming kumontra sa mga gusto niya, they all knew that she was spoiled so much by her father, what she wants, she get it in just a snap of her finger, they all treat her as their princess and so her Father. Alam niyang maldita ang pagkakakilala sa kanya ng lahat lalo na ng kanilang mga kasambahay At inaamin niya iyon, pero magkaganoon man ni minsan hindi siya nanghamak o gumawa ng mga di kanais-nais sa mga ito, she treat them fairly, lamang nga lang hindi na maalis sa mga ito ang pagkakaroon ng reserbasyon patungkol sa kanya.

Kaya hindi na siya magtataka ngayon kung bakit halos hindi makatingin sa kanya si Sabel lalo na at bago lamang ito doon. She is newly wed to Pepe. At sa tantiya niya matanda lang ito sa kanya ng tatlo o apat na taon. And Pepe is way older, perhaps in between thirty to thirty one.

A love so wild (Completed)Where stories live. Discover now