chapter five

5.9K 188 20
                                    


Gaya ng inaasahan na niya, mas lalong naging malamig ang pakikitungo ni Simon sa kanya.  He didn't even muttered any word when he drive her off to her school that monday morning. Kung suplado na ito dati mas lalo na ngayon. Lalo iyon nadagdagan sa nangyari kahapon.

Mula sa backseat ng kanilang SUV ay kitang kita niya ang ilang beses nitong pag tiim ng mga bagang. But she don't mind at all. Kung galit ito sa di sinasadyang insulto niya, ganoon din siya.. He started it first. Kaya patas lang sila.

Naghalukipkip siya at itinuon ang paningin sa labas ng bintana.

Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto ng makarating sila sa eskwelahan. She immediately open her side door at agad na lumabas.

She's really not in the mood too, mula pa kahapon, she didn't have a proper sleep last night.. buong gabi yatang inokupa ni Simon ang kanyang isip. And the very question that occupy her mind was.. Why does he hate her so much? Hindi man nito iyon harapang sabihin sa kanya, hayagan naman nitong ipinaparamdam.

And she hate the thoughts of him feeling that way towards her.

"Nagyayaya sina Maggie na mag bar this friday.. Sama ka na?" Si Jessa na inagapay ang paglalakad niya sa corridor papunta sa kanilang classroom.

Balewalang nagkibit siya ng balikat. "Oo ba!" Maikli niyang sagot.

"Ow?" Tila hindi makapaniwalang sabi nito. "Hindi ka na ba grounded ni Tito?"

Tumigil siya saka bumaling rito. "At naniwala talaga kayo na kaya akong i-grounded ni Papa hah?" Sabi niya saka muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Narinig niya ang bahagyang tawa nito. "Of course.. hindi noh! Ikaw pa!" Ngumisi ito. "We just let you be the angel Ella this past week at the thought that you were traumatized in that accident, but we never really believe that you were grounded by Tito Armand."

"He really did grounded me Jess."

"Okey.. Sabihin nating ganoon na nga, Pero kilala ka namin friend, Kailan man hindi tumalab sayo ang bawal-bawal na iyan, you do what you want to do at walang nakakapagpigil sayo, not even Tito Armand."

"Well.." Sarkastiko siyang ngumisi. "Thank the heaven, because I'm back."

"Is it for good?" biro pa nito.

Isang malutong na tawa lamang ang isinagot niya bago siya tuluyang pumasok sa kanilang classroom.

Her mood eventually became lighter as hours passes by. Thanks to her friends at nakalimutan niya sandali ang ligalig niya kay Simon.

Kung dati halos hilahin niya ang oras para dumating na ang hapon, ngayon ay gusto niyang takbuhan ang orasan at patigilin ang oras. It's quarter to four at maya-maya lang ay naroon na ito para sunduin siya.

And as usual, isang supladong Simon na naman ang nadatnan niya sa sasakyan. He is in his usual dark face and lips in grim line. Kaya katulad kaninang umaga, minabuti nalang niya na ituon ang paningin sa labas ng bintana. She don't care if she'll get a stiff neck after that.

Madaling lumipas ang mga araw at biyernes na. Sa loob ng linggong iyon hindi niya naalalang nagkausap sila ni Simon. Hindi na rin naman siya nag effort, gustong-gusto niya itong kausapin tulad ng palagi niyang ginagawa noon, mga simpleng pagbati niya, mga simpleng ngiti na kahit hindi ito masyadong sumasagot at hindi gumaganti ng ngiti at least nagpapagaan niyon ng kanyang pakiramdam, hindi tulad nitong nakaraan na ramdam niya ang bigat sa kanyang dib-dib. She really want to talk to him, but her pride won't let her.

Kahit noong inihatid siya nito sa pinag-usapan nilang bar nina Jessa ay wala silang imik.

"I'll just text you.. kung uuwi na kami." Sabi niyang agad na bumaba at hindi na hinintay ang sagot nito. Knowing him, he won't answer her anyway.

A love so wild (Completed)Where stories live. Discover now