chapter six

5.5K 173 23
                                    

Pinilit niyang humarap kay Simon kahit na ipinirmi siya nito sa kanyang kinatatayuan. Sunod-sunod siyang huminga. It was the first time she's been this close to him. And feeling the heat of his body behind her back is making her breathless. Hindi na niya alintana ang talim sa boses nito o ang dilim sa mga mata nito. The only thing she has in her mind is the nearness of him and.. Tama ba ang narinig niya?

Kinausap siya nito!

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Marahan siyang humarap at sa mapupungay na mata ay minasdan niya ito.

"Umuwi na tayo!" Matigas nitong ulit.

"You're talking to me now.. hindi ka na ba galit?" Instead she asked.

Walang ekspresyon ang mga mata nitong tumitig sa kanya, but she saw how his jaw clenched at her remarks. At nang tangkain siya nitong bitawan ay agad niyang hinawakan ang braso nito. Marahas itong bumaling pagkunwa'y itinuon ang paningin sa kamay niyang nakahawak rito.

"Let's dance.." She gently whisper. She tilted her head so she could see his face clearly. Nahihilo na kasi siya sa sari-saring kulay ng disco lights.

Kumunot ang noo nito saka nag tiimbagang.

"Pinuntahan kita rito para yayain ka ng umuwi.. hindi para isayaw ka!" he said harshly.

Napakagat labi siya. But his harsh words can't make her stop from asking him to dance with her. Gustong-gusto niyang makasayaw ito. "Just this one Clark please?" Namumungay niyang sabi.  "Promise, after this, we will go home."

"No!" Matigas pa rin nitong tanggi. "Why don't you asked that blond boy again? It's obvious that you're enjoying his company, kaya nga nakalimutan mo na mag aala-una na at inaantok na ang driver mo sa kahihintay sayo. You could at least have a little consideration. Pero pati pala iyon wala ka!"

'Ouch!'

Marahas nitong inalis ang kamay niya at malalaki ang hakbang na tinungo ang exit.

"But I've told you to go home." Nagkukumahog siyang sumunod dito "Sinabi kong ite-text o tatawagan nalang kita kapag uuwi na ako."

"So you called that as your consideration?" Nang uuyam nitong baling sa kanya. Nasa labas na sila ng bar at papunta sa parking lot. "Anong  pagkakaiba non sa naghintay ako sayo sa labas? You'll still disturb me in a way. Sabihin mo nga, wala ba akong karapatang magpahinga ng maayos kahit driver mo lang ako?"

Napalunok siya.

"Ngayon alam ko na kung bakit walang driver na tumagal sayo.  You're not just spoiled as what I've heard, but a selfish and inconsiderate brat!" Tuluyan siya nitong talikuran at naglakad patungo sa kanilang SUV sa may parking area.

She gritted her teeth hardly as anger begin to consume her being. She only asked him a dance. Just one dance.. Kailangan ba nitong insultuhin at sabihan siya ng mga masasakit na salitang iyon? Hindi ba nito makita na nasasaktan na siya? Na marunong din siyang masaktan? Sino sa kanilang dalawa ngayon ang walang konsiderasyon?

"Bakit ba galit na galit ka sa akin huh?" Di na niya napigilang sumbat. She walk steadfastly towards him saka tiim itong tinitigan. "Why do you hate me so much as if I've done something terrible to you? Wala akong matandaang trinato kita ng masama. I have been nice to you even from the very beginning. So why Clark?" Hindi na niya napigilan ang pagpiyok ng kanyang boses.

And she hated it. Hindi niya gustong makita nito ang bahaging iyon sa kanya. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa pero hindi na niya kaya. If she won't ask him that question now, pakiramdam niya hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon kailan man. Patuloy iyon dadaloy sa isipan niya at mababaliw siya sa kakaisip kung bakit ganoon nalang siya nito kung tratuhin.

A love so wild (Completed)Where stories live. Discover now