chapter eleven

5.6K 154 4
                                    


They almost made love last night.  Hindi man sa tunay na kahulugan pero lumalabas pa rin na siya ang nagbigay ng motibo kay Simon kaya nangyari iyon. At kung hindi lang malakas ang self control nito sa sarili malamang nga may nangyari na talaga sa kanila.

Was it self control? O talaga lang mahal na mahal nito ang fiancée nito kaya hindi nito nagawang pumatol sa kanya sa kabila ng matinding pagnanasang naramdaman nito. Did he remember his fiancée that's why he suddenly stop in the midst of their lovemaking?

Marahil ganoon nga. And it really hurts her to the core. Halos hindi siya nakatulog ng maayos kagabi. Ang muntikan ng may nangyari sa kanila ni Simon at ang masakit nitong pagtanggi ang gumulo sa isip niya sa buong magdamag.

She was badly hurt and yet, she still want to see him first thing in this gloomy morning.

Ah, she's already out of her mind!'

Pero anong magagawa niya? Ito pa rin ang gusto niya sa kabila ng lahat.


HINDI niya nakita si Simon sa buong maghapong iyon. If his busy with some chores or he's at their garden hindi niya alam. Matapos na magpaalam sa kanya nina Maggie at Jessa ay nagkulong lang din siya sa kanyang kwarto. Bukod kasi sa hindi maganda ang panahon medyo masakit rin ang kanyang ulo dahil sa hangover ng nagdaang gabi. So she choose to stay at her room and just sleep.

"Mang Renato nakita ninyo po ba si Clark?" Hindi na siya nakapagtiis na magtanong kinabukasan nang hindi niya pa rin niya ito nakita. It was already afternoon and she didn't saw a glimpse of him. Kagagaling niya lang din sa hardin ng kanyang Mama nagbabaka-sakaling makita ito doon pero wala rin doon ang binata.

"Ay naku señorita.." Natampal nito ang noo. "Pasensya na po at nakalimutan kong sabihin sa inyo na umuwi po si Simon sa Sta. Monica kahapon ng madaling araw. Tumawag po kasi ang nanay niya at naospital daw yung kapatid niyang babae."

"Huh?" Bigla siyang nag-alala sa nalamang iyon. "Kumusta daw po yung kapatid niya?"

Nagkibit lang ito ng balikat. "Hindi pa po siya nakakatawag sa akin señorita. Pero base sa pagmamadali niya noong umalis siya mahinuha kong nasa hindi magandang kalagayan yung kapatid niya."

Wala sa sariling nagbalik siya sa loob ng mansion. Kung ganoon ka desperado si Simon para umuwi agad siguro ngang tama ang hinala ni mang Renato na malubha ang lagay ng kapatid nito. At sa nalamang iyon hindi na rin siya mapakali ngayon.

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Iniscroll diretso sa pangalan ni Simon. Akmang tatawagan na niya ito ng biglang nabitin sa ere ang daliri niya. Nag dalawang isip kung tamang pagkakataon ba iyon para tawagan ito. Hindi kaya maistorbo niya ito ngayon?

Pero gusto talaga niyang malaman ang kalagayan ng kapatid nito. She's worried for his sister, and most of all she's worried of him. Ngunit nakailang ring na ang cellphone nito ay wala pa ring sumasagot. She try to dial again, as usual like the first try, ringtone lang ang bumungad sa kanya.

Nanlulumong ibinaba niya ang kanyang cellphone. She convince herself that maybe he's just busy o inaasikaso nito ang kapatid kaya hindi ito sumasagot.

In the end she just send him a text message. Hoping at least he would reply.

'How 's your sister?'

Ganoon ka iksi ang message niya. Walang minuto na hindi niya sinisilip ang kanyang cellphone pero dumating nalang ang gabi ay hindi niya nakita ang inaasam-asam niyang reply nito.

She sent the same message again pero nakatulog nalang siya ay wala siyang nakuhang balita rito.

Nang magising siya kinabukasan, ang cellphone niya ang una niyang tiningnan. Still, there's no reply from him.

A love so wild (Completed)Where stories live. Discover now