Chapter 2

22.1K 479 50
                                    


Benteng buntong hininga na ang ginawa ko habang nakatayo sa sakayan ng jeep, pasado alas otso na at sadyang mailap ang jeep ngayon. Nag Strike kasi ang mga driver dahil sa modernazation echus ng gobyerno kaya ayun walang dumadaan. Buti nalang tatlo kaming naghihintay dito.

"A-ah Miss, saan pala uwi mo?"

Binalingan ko ang nagsalita, akala ko hindi ako ang kausap ngunit sa akin siya nakaharap. Mataas ito at para ding empleyado ng boss ko dahil narin sa logo na nasa may bandang dibdib nito. Moreno, malambong ang kilay at matangos ang ilong, malumanay din itong magsalita base sa tanong nito sa akin kanina.

"Sa eskina malapit sa simbahan ng San Agustin, Barangay 56" magalang ko ding sagot. Hindi ako naniniwala ng kasabihang don't talk to stranger kasi ayoko maging snobber. Para namang ang ganda-ganda ko para mang snob ano?

"Ahh, pinasabi kasi ni boss na ipapahatid ka"

Tinuro ko ang sarili ko kasi baka nagkamali lang ito. Wala kasing kaluluwa ang boss ko kaya imposibleng magpapadala siya ng tao para ipahatid ako. Ano ako? Jowa niya? Ehhhkkk yuck, sarap naman kung ganoon.

"Ako? Ipapahatid? Boss mo? Ehhh sino bang boss mo?"

Napakamot ng ulo ang kausap, halatang mahiyain ito.

"Si sir Villafuerte ang boss ko na boss mo rin, pinapahatid ka niya sa akin, company driver din kasi ako ng kompanyang iyan" At itinuro nito ang building na pinagtatrabahuan niya.

"Ahh, pero sure kang ako talaga ang ipapahatid?"

Nagdududa padin ako sa pag-iba ng ihip ng hangin.

"Oo, tara na para maka-uwi na tayong dalawa" magalang na sabi nito.

Sumunod na ako dito, kahit hindi naman kailangan ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng sasakyan. Nga lang, tabi kami sa driver seat. Sabagay hindi naman ako amo niya.

"Arnel ho pala" pakilala nito habang pinaandar ang sasakyan

"Crisanta, Cristy nalang para bagets pakinggan" balik ko ding pakilala.

"Ilang taon kana pala?"

"Uhm 24, reporter kaba?" Di ko naiwasang itanong. Ngumiti lang ito sa tanong ko.

"Hindi naman pero boring naman na wala tayong pinag-uusapan diba? Nakaka-antok kayang magdrive"

Napaismid ako, kinokonsensya pa ako. Hindi ko naman sinabi sa magaling kong boss na ihatid ako para kokonsensyahin pagkatapos.

Habang nasa byahe ay na enjoy ko na din ang makikipag usap kay Arnel, mabait siyang tao at higit sa lahat masipag. Ayon kasi niya, siya daw muna ang bread winner ng pamilya habang nagpapagaling ang tatay niya na siyang driver talaga ng boss niya, ipinasok siya ng trabaho at tinanggap naman as substitute ng kanyang tatay. Tumigil muna daw siya ng pag aaral. 25 na ito at gagraduate na sana sa kursong accountant pero okay lang daw tumigil muna kaysa ipilit daw baka mas lalala ang kalagayan ng tatay niya.

Mukhang, hindi nagkakalayo ang sitwasyon namin. Ako din ang breadwinner ng pamilya ang kaso nga lang ako lang talaga at wala ng papalit sa role ko. Maaga kasi kaming naulila sa Ina at kahit tinry ni tatang na magtrabaho sa may vulcanizing shop dun sa tabi ng bahay namin ay di pa din kayang matustusan ang panganga-ilangan naming mag-anak. Tatlo kasi kami at ang bunso pa namin ay sakitin. Madalas atakihin ng hika. Kaya nga nung pinag enrol ako ni tatang sa college ay pinili ko nalang yung 2 year course para madaling matapos at makapagtrabaho at makatulong agad sa pamilya.

"Ayy, diyan nalang ako sa may kanto ibaba"

"Ihatid nalang kita sa inyo"

"Makipot ang daan dun baka magasgasan pa iyag kotse ng boss mo, masama pa naman ang ugali nun baka ma sisante pa tayo"

I hate you BossWhere stories live. Discover now