Chapter 9

17.9K 432 49
                                    

"Miss Avila" boses ni boss galing sa intercom. Dali-dali naman akong tumayo at tinungo ang office niya. Tatlong katok muna ang ginawa ko pagkatapos mahinang binuksan ang pintuan.

Nakatingin si boss sa laptop niya, mukhang seryoso sa ginagawa. Hindi talaga maitatago ang gandang lalake nito kahit anong angle. Kahit siguro puwet nito ay magandang tingnan.

Bigla akong natigilan sa mga iniisip ko. Iwinaksi ko iyon sa pag iling.

"What are you doing?" Gulat na tanong nito sa akin. Napahinto naman ako.

Awkward akong tumawa.

"Ah, wala sir, may naalala lang akong kanta, na LSS ako kaya sumasayaw na din ako sa isip ko" pagsisinungaling ko, alang namang sabihin kong naisip ko ang puwet mo boss, baka tuluyan na talaga akong matanggal.

"Whatever..." walang gana nitong sabi "We'll be leaving next week for an expo in Baguio"

Baguio? Kasama ako papunta doon? Kung ganoon, first time ko talagang makalakwatsa, I mean makapunta doon.

"Kasama ako boss?" Pagsisigurado ko. Excited na kasi ako agad, at baka kasi mali ang dinig ko at ma disappoint lang ako.

Bumuntong hininga si boss, mukhang pinipigilan niya na sigawan ako. Lumabas na kasi ang mga ugat niya sa noo. Kaya, napatuwid ako ng tayo baka maninghal na naman ito.

"I can't be a boss and a secretary at the same time Ms. Avila and were you not reminded na your presence is necessary pag may mga business gatherings ang kompanya? If not, who's your hiring personnel so I could fire them?!" Biglang tumigas ang boses nito at nag igtingan ang mga panga.

Pasimple kong pinagalitan ang sarili ko. Ang tanga lang Cristy?. Hindi ako sumagot. Wala akong maisagot baka iba na naman ang lalabas sa bibig ko at tuluyan ng mapatid ang pasensya niya sa akin.

"Why aren't you answering? Who's your hiring personnel? Sino ang nagpapasok sa iyo dito?"

"Ahh, i-ikaw ho" inosente kong sagot.

Hindi niya ba na-alala na may pa punta-punta pa siya sa lugar namin para lang ako "suyuin". Kung hindi lang talaga kailangan ng pera para sa pagpapa-ospital ni Tatang, neknek mo boss talaga.

Mukha siyang natigilan. Hinilot niya din ang sentido niya na parang may masakit sa ulo niya.

"You little muscat! Go back to your post" singhal nito at ibinalik na ang tingin sa laptop nito.

Nagpaalam na ako at bumalik na sa cubicle ko sa labas ng office ni boss.

Ano kayang pinagsasabi nun? Muscat daw? Ano naman iyon? Ah ewan ko sa iyo boss. Sakit mo sa ulo, ang hirap mong intindihin.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa naiwan kong trabaho. Napangiti ako nang maalalang makapunta na akong Baguio. Sa wakas, hindi nalang bahay-trabaho ang byahe ko. Makakarating na ako sa summer capital of the Philippines, Baguio.

Nang mag-aalas dose ay lumabas si boss sa opisina, hindi man lang ako nilingon. Sabagay, ano naman kung hindi, para namang positibo ang aurang hatid niya, hindi naman.

Tinantiya kong lumabas kung saan hindi na kami mapag-abot ni boss sa elevator. Mahirap na, baka this time makatikim na talaga ako sa kanya.

Nasa ground floor ang cafeteria kaya nung nakarating ako sa ground floor ay mabilis akong naglakad papunta doon ngunit may tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako at nilingon yun.

Si Arnel. Nakapolo siya na parang uniporme ng isang skwelahan. Malawak ang ngiti ko dahil nakita ko siya. Kahit mabilis lang kaming nagkakilala ay magaan naman ang loob ko sa kanya.

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon