Chapter 19

14.7K 341 10
                                    

Mag-lilimang taon na pala ako sa kompanya at nabayaran ko na rin ang utang ko dito. Napuntahan ko na rin ang mga lugar na kahit sa panaginip ay imposible kong mapuntahan noon. Tinotoo din ni Boss ang Scholarships nila Shine at Raiko. Nakapagsave na ako ng malaki-laki at ang sari-sari namin ni Tatang noon ay napa-unlad pa namin. Mayroon na kaming maliit na grocery store at naipa-ayos na rin namin ang bahay namin.

Malaki ang inunlad ng pamumuhay namin. at tinanaw ko iyong utang na loob kay Boss. Si Boss na matapos magtapat na mahal niya ako ay umalis. Iniwan ako at mukhang hindi na rin babalikan.

Ngayong araw din aalis si Ma'am France, nakapag-asawa siya ng isang Briton at doon na sila lalagay sa tahimik sa bansa ng asawa niya. Nalulungkot ako, kasi naging mabuting kaibigan ko naman si ma'am at isa siya sa mga taong naging dahilan ng pagbabago ko. Naging mas mature na ako at naging confident na din sa sarili. Nawala na nga yung pagkapalaban ko. Noon kasi, hindi ako matahimik tuwing hindi ako nakakaganti sa mga nang aapi sa akin, ngunit ngayon, ayaw ko na ng gulo. Gusto ko ng peace lang.

"I will miss you Cris, thank you for being a competent secretary, hindi naging mahirap sa akin na pamahalaan itong kompanya ko dahil sa iyo. And, Cris, Pahuling habilin ko sa iyo. Find love. Hindi ka bumabata at kailangan mo ng lumagay sa tahimik, mag-asaw at magkaanak. I am sure, madami naman diyang may gusto sa iyo. Look around" maluha-luha si ma'am ng sinabi niya iyon sa akin. Nagyakapan kami uli at tuluyan na siyang nagpaalam.

Naiwan na naman ako sa malawak na kwartong iyon, pero kumpara nung una. Mas magaan ang ngayon. Noon kasi, nahihirapan akong mag cope. Mas nakakabingi ang katahimikan, mas kakalungkot.

Maingat ko na ring tinanggal ang mga posters at mga larawang naka dikit sa cubicle ko at inilagay sa loob ng box. Aalis na din ako sa kompanya. Malayo na rin ang narating ko at mukhang mas kailangan na ako sa Grocery namin ni Tatang. Umuungot na kasing kumuha kami ng katulong kaso nasasayangan ako sa ipapasweldo ko kaya nag desisyon akong ako nalang. Hindi naman maluho ang pamilya namin kaya, kaya pa din naming masustentuhan ang araw-araw.

Inilibot ko ang mata sa huling pagkakaon. Masaya ako sa mga karanasan ko dito at Malungkot din dahil ito na ang araw na kailangan ko ng bitawan ang pangakong maghintay sa kanyang pagbabalik. If there's a will, there's a way eka nga, at alam kong kahit may way naman kung wala namang will ay wala din.

"Boss, paalam na. Salamat at naranasan kong umibig at ibigin. Pinili mo mang lumayo, andito ka naman sa puso ko at palagi kang may parte dito" idinampi ko ang palad ko sa dibdib ko "Bibitaw na ako pero pangako, mamahalin kita sa paraang kaya ko" tumulo ang luha ako, marahan kong tinuyo iyon gamit ang manggas ng 3/4th sleeve ko.

Marami ang nalungkot at isa na doon si Maddie, na parang hindi na kami magkikita. Nakalimutan yatang magkapitbahay lang kami.

Sa huling paalam ko ay bitbit ko na ang mga gamit ko. Kinawayan ako ng mga ito bago ako lumabas sa gusali.

Nakakalungkot man ngunit nakapagdesisyon na ako.

                     ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Raiko, hakutin mo na 'yung mga kahon ng delata para ma display na natin. Mamaya na yang ML mo, sana pala hindi ka na binilhan ng Cellphone. ayan tuloy, lalo kang naging tamad"

Umiinit ang ulo ko sa isang ito. Kanina pa ako utos ng utos eh hindi pala ako narinig dahil nakasalampak pala sa teynga nito ang headset. Tumulis ang nguso nito at mabilis na tumayo.

Padabog nitong hinakot ang mga kahon kaya na iinis na naman ako.

"Basagin mo nalang kaya yan lahat at ng mahimasmasan ka. Naku! Raiko ah, pinapainit mo 'tong ulo ko"

I hate you BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon