Chapter 27

12.5K 253 1
                                    

"Crisanta, gala tayo" pambungad ni Maddie sa akin. Nasa kusina ako at nag rorolyo ng lumpia. Pasalampak siyang umupo sa isa sa mga upuan sa hapag kainan.

"Ang aga mo yatang nangangapit bahay? Diba basta sabado ng umaga ay naglalaba ka, bakit gala naman 'yang nasa isip mo at isa pa, hindi pa nagbukas ang mga malls sa ganitong oras no?" nagpatuloy lang ako sa ginagawa.

At isa pa, ayaw kong gumala baka pupunta dito si Jacobo, speaking of which ay hindi pa ito tumawag ngayong araw. Tumawag naman ito kagabi ngunit Good Night lang. Namiss ko na tuloy ang isang 'yon.

"Pinalabhan ko sa kapatid ko, Na stress ako buong linggo kaya gusto kong gumala" sagot nito at kumuha nang plato at tinulungan ako sa pag rolyo ng lumpia.

Kinunutan ko siya ng noo at nagtatakang tinanong.

"Bakit ka naman na i-stress, Eh sabi mo nga smooth sailing na ang pagiging office girl mo"

Pumalatak ito at ngumuso.

"Ewan ko dun sa ex boss mo, Nasabihan na ba kita na nakabalik na siya dito sa Pilipinas?"

Bigla akong nabilaukan. Baka mag hysterical itong bruhildang ito pag nalaman niya na ang boss niya pala ang ibig sabihin ko nung mga unang linggo nung sasagutin ko na sana si Arnel. Tumahimik lang ako at nag pretend na nakikinig sa kanya.

"Ah baka hindi pa, So, ayun na nga, Bumalik na dito yung Bipolar mong ex boss at alam mo nagsimula na akong bumilib dun kaso nagiging Bipolar na naman, Hindi na matantya. Na i-stress na din si Cedrick 'yong sekretarya niya at halos lahat ng mga empleyado ay nakatikim na naman ng singhal niya. Mukhang mas grumabe ngayon, Hayyy nakakastress na nga kaya gusto ko namang gumaan 'tong buhay ko kahit isang araw lang sa isang linggo" Mataas na litanya nito.

Napatigil ako sa ginagawa. Hindi ko alam 'yon. Mukha namang okay lang siya tuwing tatawagan ako kaya nagtataka ako kung bakit siya nagkaganoon.

"Siguro dahil sa girlfriend niya, Sabi kasi ni Cedrick pumunta daw iyon sa opisina tapos mukhang nagkasigawan, nung lumabas daw 'yong babae ay hilam sa luha ang mga mata at mabilis daw na umalis sa opisina. Alam mo, akala nga naming lahat ay 'yon na yung pakakasalan ni sir, bagay na bagay sila eh kaso mukhang ayaw na daw ni sir sa kanya. Sabi din ni Cedrick, ayaw daw ni sir na nagpupunta dun sa opisina yung girlfriend niya, baka kako nangangaliwa si girl. Mukhang broken hearted si Boss kaya nagiging demonyo na naman" salita lang ng salita si Maddie habang ako naman ay mukhang nabibilaukan na. Guilty ako pero may isang problema ako ngayon, si Jacobo.

"Hoy, ang tahimik mo, nauubos na ang laway ko kakasalita dito oh"

Pilit akong ngumiti sa kanya at binalik uli ang atensyon sa ginagawa. Hindi kasi ako marunong magsinungaling kaya hindi ko siya tiningnan, mapaghalataan ako nito eh.

"Ah w-wala, gala tayo diba?" sabi ko at mabilis na tinapos ang ginagawa namin.

Umuwi muna si Maddie para magbihis, at ako naman ay nakatanga lang. Bumalik lang ako sa huwesyo ng pumasok si Tatang sa kusina. Mabilis akong nag ayos at kumuha ng pantalon at blouse, nag suot lang ako ng sneaker at kunting wisik ng cologne. Tiningnan ko ang CP ko kung may text ba o tawag mula kay Jacobo kaso wala kaya naisipan kong mag text nalang na aalis ako. Hindi ko na nasabi kung saan kasi hindi ko din alam kung saan kami papunta ni Maddie, patay na isda ako ngayon. Meaning, just go with the flow.

"Tara na Cris"

Bumaba na ako ng marinig ko ang tawag ni Maddie. Nagpa-alam lang ako kay tatang at binilin kay Shine ang Grocery at umalis na rin.

Nag Commute lang kami ni Maddie. Pinabayaan ko nalang siya kung saan niya ako dadalhin siya naman ang nag aya.

Halatang stress nga talaga siya dahil nanlilibre ng chibugan at hindi lang talaga pang streetfoods lang ang pinanlibre nito. Mukhang sasabog na ako dahil sa kabusugan.

I hate you BossWhere stories live. Discover now