Chapter 10

18.1K 406 7
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw, gumagaling na si Tatang at nasasakyan ko na ang kabaliwan ng boss ko. Sinunod ko nga ang sinabi niyang "eat with me". Kaya ayon, libre ako palagi ng lunch.

Hindi naman sa mamahaling restaurant kami kumakain, sa isang partition malapit sa pantry na sinadyang palagyan ng pandalawahang misa kami kumakain. Siya na ang nagpapadala ng pagkain sa office, siya na din syempre ang nagbabayad, mayaman siya eh.

Ang sabi naman niya ay praktikal iyon for him and for me. Dahil daw nakakatipid na kami ng oras kaya nagagampanan ko daw ang trabaho ko ng maigi. Purely business lang talaga kami, kahit kumakain ay palagi akong nag didiscuss sa kanya ng mga schedules niya habang siya naman ay nag mamando. Kaya hindi ko talaga maintindihan ang kabaliwan ni Maddie. Sa gwapo niyang iyan? Pag iinteresan ako?.

Yun yung set-up namin sa whole week namin. Masungit pa din ngunit nasasakyan ko na.

"We'll leave this afternoon, the expo will start early tomorrow and I want us to be early" ani boss habang kumakain kami.

Tumango ako, okay na ang mga dalahin ko, nakaimpake na ako kagabi dahil sa excitement. Hindi ko lang iyon ipinakita sa boss ko kasi nakakahiya naman, hindi naman kasi ako bata para ma excite ng ganito.

"And Ms. Avila, do not forget to bring our presentation also, try to look presentable there, businessmen do not compete only for stocks, we compete on looks, I believe one thing of being a successful businessman is through his looks that define dominance and as my secretary you should complement me. Hindi naman mabuting, para ka doong namamasyal lang diba?"

Matabang akong ngumisi. Nang iinsulto si boss eh. Kahit hindi diretsahan. Tatlo lang ang uniporme kong laba-suot-laba-suot, at baka nahalata na iyon ni boss, hindi pa daw kasi tahi yung uniporme ko ayun sa HR department kaya tiis-tiis muna.

"Why aren't you talking?" Parang inis nitong tanong.

Sasabihin ko ba? na wala akong presentableng damit na macomplement nung sa kanya?. Ang labo naman kasi ni boss, ang yaman niya kaya eh ako? Kahit saluwal nga hindi ko afford.

"Ahh kasi boss, yung pang opisina ko lang naman ang dala ko, ngunit presentable naman ang mga iyon"

"Those baggy Clothes you wear? Presentable na iyon sa iyo? Para na ngang basahan iyon. But I overlooked work over appearance kaya pinagpasensyahan kita but this expo, kailangan natin magpa impress"

Insultador din si boss eh, ano?

"Ano kasi boss, w-wala pa akong budget para bumili ng bagong damit"

Bumuntong hininga ito. Mataman akong tinitigan. Napayuko ako kasi naiilang ako. Para niya kasi akong inistudiohan na parang mikrobyo.

Napatingin ako sa kanya ng marinig ko siyang magsalita. May kausap na siya sa cp niya.

"Give me your best stylist, may ipapagawa ako sa inyo" tapos sinulyapan niya ako. Bigla tuloy akong napayuko.

Tapos na kaming kumain at kasalukuyan akong nagligpit ng may dumating na baklang parang bihis na bihis, malalaki din ang hikaw na suot nito habang may nakasunod sa kanyang tatlong nakaunipormeng babae na may dalang mga bag at walang laman na clothes rack.

"Is Mr. Villafuerte in?" Anang bakla na parang pinopronounce talaga nito masyado ang apilyido ni boss.

"Sino po kayo sir?" magalang kong tanong sa bakla.

"From Vice and Co Fashion Ethics" pa arte ulit nitong sabi.

Pinindot ko na ang intercom.

"Sir, may naghahanap sa inyo from Vice and Co Fashion Ethics, papasukin ko ho ba?"

I hate you BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora