Chapter 18

14.8K 369 8
                                    

"Anong nangyare?" tanong ko sa kung sino man ang makarinig. Mukha kasing nagkakagulo sa lobby ng kompanya, mukhang maraming naghahakot ng gamit.

"Ewan ko" ani Maddie.

Kararating lang naming dalawa sa building at iyon nga ang nakita namin.

Mabilis na kaming sumakay ng elevator.

"Hay, aalis si sir dito sa kompanya ng hindi ko man lang nasilayan ang kanyang ngiti" anang isang empleyado na kasama namin sa elevator. Napatingin ako sa kanya. Sino bang sir ang tinutukoy nito.

"Oo nga. Sobrang strikto nun, pero naobserbahan mo bang hindi na siya masyadong nagsusungit? Hindi na nga nagagalit pag may pakalat-kalat na empleyado sa hallway at sabi pa nun ni Mark. Minsan daw nagkasabay daw sila ni sir sa elevator, akala niya ay magagalit kaya lumabas daw siya, pero pinabalik daw siya ni sir" umayon naman ang isa.

Teka, isang sir lang naman ang may ganoong ugali dito ah, at anong aalis? Wala naman iyong nabanggit na aalis siya. Ako ang sekretarya niya pero bakit ako pa ang huli sa balita.

Siniko ako ni Maddie. Kumunot ang noo niya na parang nagtatanong. Sumenyas ako sa kanya na wala akong alam.

Huminto ang elevator at nagsilabasan na ang mga empleyado doon, ako nalang ang sakay nun kasi ako lang naman at si sir ang may access doon sa office niya except dun sa mga babaeng stalker niya. Pero, bakit wala akong kaalam-alam sa mga pangyayari? Diba dapat ako yung mas nakaka-alam dahil ako ang sekretarya niya at kung aalis siya, san naman siya pupunta?

Nabaghan ako ng dumating ako sa office, andun pa naman ang cubicle ko pero parang nasa labas ang ibang mga gamit sa loob ng office ni sir. Nakalagay sa box lahat. Dahil sa kuryosidad ay sinilip ko ang loob, ang desk nalang nito at iyong sofa ang andoon, natanggal na rin ang mga paintings na nakasabit, mga awards at pictures niya sa shelve na nadoon.

Aalis nga si sir, I mean, nakaalis na si sir. Pero bakit hindi man lang ako napagsabihan? So, ano na ang gagawin ko? Tanggal na rin ba ako sa trabaho?

Kahit nanlumo ay tinungo ko ang cubicle ko. Kahit maliit lang ang cubicle ay napamahal na sa akin ito. Nakasabit na ang mga pictures namin nila tatang doon, malapit na ring mamulaklak ang inilagay kong Cactus. Pero baka iiwan ko na ito. Pakshet naman si boss, sana finire niya nalang ako. Paano ko na mababayaran yung utang ko sa kompanya niya? Ang pag-aaral nila Raiko at Shine, si Tatang? Napasabunot ako ng buhok ko... makalipas ang ilang minute ay nag decide akong mag-ayos, nakakawala talaga ng poise ang kahirapan.

Binuksan ko ang drawer para kunin ang suklay ko ng mahagip ko ang sobreng naka-ipit sa Daily Planner ni sir. Sa pagkakatanda ko, wala namang sobre dun nung isinuksok ko ito kahapon.

Kinuha ko at napakunot ang noon g mabasa ang nakasulat dun.

"Crisanta"

Para sa akin? Kanino naman galing?

Dahan-dahan kong binuksan. May nakalagay doong isang pirasong papel at kwentas na may pendant na korteng eroplanong papel. Naguguluhan talaga ako nito. Dahan-dahan kong binuklat iyon at sinimulang basahin.

Crisanta,

The days are longer now, mas malungkot, mas nakakapagod. I don't have the guts to say goodbye, see? You tamed me in ways only you can do. Maybe you'll get confuse why I wrote this. I am confused too. I hope this decision I made is the right thing to do. I wish it would work out.

I fell in love with you, deeply falling. The days I spent in the office without your sarcasm, your nagging, your honesty are torture but I guess it's for the best. I miss you so much day by day, I wanted to touch you, kiss you and tell you how I love you. But who am I? I am just your boss but I am not the one who make you happy. I wish you well and Arnel.

I hate you BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora