Kabanata 1

15.7K 330 50
                                    

Kabanata 1

AKALA ko ay susundan niya ako.

Akala ko ay magpapaliwanag siya.

Akala ko ay yayakapin niya ako at sasabihing mali ang iniisip ko. Pero wala.

Walang Arjay na sumunod. Walang Arjay na nagpaliwanag. Walang Arjay na dumating. Isang linggo na no’ng nangyari ’yon, ngunit walang Arjay na pumunta sa akin.Walang Arjay na nagpaliwanag.

Walang Cherry at Arjay na nagpaliwanag...

Naghintay ako. Naghintay ako sa kanilang dalawa kahit ang hirap at ang sakit. Isang linggo na ring sinusubukan ng pamilya ko na kausapin ako pero lagi silang bigo. Hindi nila ako makausap dahil ayoko. Hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Sa loob ng isang linggo wala akong ibang ginawa kundi ang mag mukmok sa kwarto. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.

Wala akong ibang ginawa kundi ang tanungin ang sarili ko kung saan ako nagkulang, tanungin ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali para magloko si Arjay. Hindi rin ako kumain sa isang linggo na ’yon. Wala akong gana.

’Yong susubo na lang ako ay hindi pa matuloy-tuloy dahil iiyak na naman ako dahil naaalala ko iyong ngiti ng lalaking mahal ko habang yakap ang kaibigan ko.

Ni makita at makausap si Mama ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang nangyari sa amin ni Arjay pero kahit malaman o alam niya na ay wala na akong pakialam.

Gusto ko nang makita si Mama at magsumbong sa kanya kung paano nila ako sinaktan, kaya lang ay hindi ko magawa dahil sa tuwing makikita ko si Mama ay nahihiya ako. Nahihiya ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang problema ko. Nahihiya ako dahil I’m not strong enough to talk to her about my problem. I’m not strong enough to cry on her arms.

Hindi ko kayang makita niya ako na umiiyak at nasasaktan ng dahil kay Arjay. Hindi ko kayang makita sa mga mata niya na naaawa siya sa akin.

Hindi ko kayang makita na nahihirapan si Mama ng dahil sa akin. Kasi alam ko na masasaktan ang mama ko kapag nalaman niya na niloko ako ni Arjay. She loves Arjay so much. Parang anak niya na ito kung ituring.

Huminga ako nang malalim at tumayo na. Kailangan ko nang magbihis dahil baka ma-late ako at mawalan ng gana hanggang sa hindi na naman makapasok. Isang linggo na rin ang absences ko kaya napag-isipan ko nang pumasok na.

Para saan pa ang pagmumukmok ko?

Para saan pa ang mga luha ko? Kahit yata umiyak ako ng ilang bald, o kaya’ magmukmok ng ilang taon ay wala nang magbabago.

Niloko at sinaktan nila pa rin ako.

Si Arjay na hindi ko inakala na lolokohin ako. Si Arjay na hindi ko inaakala na magiging rason kung bakit ako nasasaktan ngayon. Si Arjay na mahal ko...

“Oh! Anak, papasok ka na?” tanong ni Mama nang lumabas ako ng kwarto.

Inayos ko ang shoulder bag ko at tumango. “Opo, Ma.”

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit.

I smiled and hugged her back.

“Anak, alam kong may problema ka pero hindi kita pipilitin na magsalita, basta lagi mong tatandaan na nandito lang lagi si Mama,” malambing na sabi ni Mama.

Tumango ako at humiwalay sa kanya.
“Aalis na ako, Ma,” paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Mama dahil lumabas na ako ng bahay at sumakay ng taxi papuntang university.

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Where stories live. Discover now