Kabanata 2

14.5K 297 14
                                    

Kabanata 2

PARA akong tangang nakaluhod sa kalsada habang umiiyak. Bakit, Arjay? Bakit mo nagawa ’to sa akin? Bakit kailangan kong maramdaman ’to?

Ang sakit-sakit. Sa dinami-dami ng babae, bakit sa kaibigan ko pa? Bakit sa kanya pa?

“Aira Mae? Damn it. What happened to you?” I heard a familiar voice of someone who walked towards me.

Bahagya siyang lumuhod upang alalayan ako sa pagtayo. Dahil sa pago ayd hindi na ako umangal.

“Hey, are you okay? Why are you crying?” he asked me in his husky yet worried voice.

Mas lalo lamang akong napaiyak.

Ganiyang-ganiyan din si Arjay...

“Bakit, Arjay? Bakit mo ’to nagawa sa akin?” tanong ko sa lalaki.

Narinig ko ang pagmumura niya. I gasped when he pulled me into a warm and soft hug.

“Please, stop crying,” he begged.

“Why, Arjay? Why did you cheat on me?” I asked between my sobs.

“Stop crying, Aira. I’m not that asshole,” naiinis niyang sabi.

Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko rin siya niyakap pabalik. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Wala na akong lakas. Ang tanging nagawa ko lang ay humagulgol sa mga braso niya.

“Kung alam ko lang na sasaktan ka niya, hindi na sana kita pinaubaya,” I heard him whispered something.
I felt him kissing the side of my head. I smiled painfully and closed my eyes ‘till i fell asleep.

NAGISING ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mga mata at katawan ko. What happened?

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Nasaan ako? Inikot ko ang mga mata ko sa paligid. Paano ako napunta sa kwarto ko? Mariin akong pumikit nang maalala ang nangyari kanina.

The scene earlier rewinded on my head. ‘Yong lalaki kanina! Sino ’yon? Napatigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok do’n si Mama na halatang pagod. Agad siyang ngumiti nang makita niya akong gising.

“Gising ka na pala, anak,” nakangiti niyang sabi at umupo sa tabi ko.

Umurong ako nang kaunti para magkaupo siya ng maayos.

“Paano ako napunta rito, Mama?”

“Okay ka na ba?”

Sabay kaming natawa nang sabay kaming magsalita. Ngumiti si Mama sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko.

“May naghatid sa iyo, anak,” sagot niya sa tanong ko. “Ano ba’ng nangyayari sa ’yo, Aira?”

Gusto kong magsinungaling kay Mama dahil ayaw ko siyang mag-alala pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko ay nag-unahan na ang mga luha ko.

Agad akong niyakap ni Mama.

“Mama ang sakit,” pagsusumbong ko kay Mama na para bang batang inagawan ng candy.

“Ang sakit-sakit, Mama.Hindi ko inakala na magagawa nila sa akin ’to.”


“Tahan na, anak ko,” Mama said softly as she caressed my back.

“Mama, nangako siya... Nangako siya na hindi niya ako sasaktan pero ginawa niya pa rin. Mas masahol pa siya kay Papa,” nanghihinang sabi ko at saka humikbi.

“Gusto ko nang mawala, Mama. Ang sakit-sakit po...”

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ni Mama. “H’wag na h’wag mo ‘yang sasabihin anak. Nandito lang si Mama,” nanginginig na sabi ni Mama.

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang