Wakas

17.4K 344 52
                                    

Wakas

AMIEL

NAKANGITI kong pinagmamasdan ang pagtama ng mga alon sa dagat. Aaminin kong sobra akong kinakabahan ngayon. Maraming what if’s na pumapasok sa isip ko. Kagaya nang paano kung hindi ako siputin ni Aira? Paano kung magbago ang isip niya? Paano kung napagtanto niyang hindi niya pala ako mahal kaya hindi niya ako sisiputin? Damn! Iniisip ko pa lang na hindi niya ako sisiputin ay mababaliw na ako.

Today is our wedding and we are here in Palawan, kung saan ginanap ang birthday niya at kung saan ako nag-propose sa kanya. It’s been eight months since that day I proposed to her and today, finally, is the most awaited day of my life. Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang ay tinitingnan ko lang siya sa labas ng silid-aralan nila. Yes! I was her stalker back then—I mean not really stalker, dahil kilala naman niya ako but she didn’t know that I was into her for a long time.

Yes! I fell in love with her since the first day my eyes laid on her. Damn! She is worth the wait. Everything is already settled. Everything is perfect like how I wanted it to be and like how she deserves it. Aira Mae deserved a perfect wedding and I’m willing to give it to her. She wanted a beach wedding that’s why we are here in Palawan. Lahat ng gusto niya para sa kasal namin ay nasunod at gusto kong masunod lahat ng gusto niya. Beach wedding is her dream wedding at binigay ko ito sa kanya. As much as I can,  I want to give everything she wants.

Matagal ko na ’tong pinapangarap at sa wakas ay matutupad na. Akala ko dati ay hanggang tingin na lang ako sa kanya. Iyong hindi ko siya malalapitan at makakausap pero nagkamali ako. Nalapitan, nayakap at nakausap ko siya at dahil ’yon kay Arjay. Dahil ’yon sa ginawa niya. Alam kong mali pero nagpapasalamat ako kay Arjay, hindi dahil sinaktan niya si Aira kundi dahil sa ginawa niya... The last thing I want for my Aira is to be hurt.

Call me stupid but yes, I am thankful for what Arjay has done. Nagpapasalamat ako sa ginawa niya dahil sa wakas nakahanap ako ng rason para malapitan at makausap si Aira. I grabbed the chance to be with her and gladly she allowed me to be with her.

Our chosen music played on each speaker of the island. The sounds of the violin made me freeze and nervous. Kung kanina ay sobrang kaba ko, ngayon ay mas naging doble na ang daga sa aking dibdib. Hindi ko akalain na ganito pala ang mararamdaman ko sa araw na ’to. I’m so damn nervous! The guests were already properly seated. Pero nang tumunog ang musika ay nagsitayuan ang lahat. Isa lang ang ibig sabihin niyon... my soon-to-be wife is here.

I smiled. I can’t wait to see her.

“Nariyan na ang bride mo, dude,” Antonio said, my best man.

Kinakabahan man ay tumango ako at ngumiti sa kanya. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang bride’s maid ni Aira na naglalakad. Naka-pink na gown ang bride’s maid niya at isa sa mga ’yon ay ang kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Neil at Alise.

“Not sure if you know this
But when we first met...”

The guests were emotional especially our relatives. Si Tita Lina ay umiiyak. Si Mama ay humahagulgol naman habang hinahagod ni Papa ang kanyang likod. Ang mga kaibigan na doktor at nurses ni Aira ay lumuluha rin. Si Neil ay humihikbi at gano’n din si Alise. Cherry is crying too.

Matagal ko nang pinapangarap na makasal kay Aira at magkaroon ng masayang pamilya kasama siya. Ngayon ay matutupad na kaya bakit pa ako iiyak?

“In that very moment
I found the one...”

I can imagine my Aira walking on the red carpet slowly, alluring everyone who are watching her. Damn! I can’t wait it!

“So as long as...”

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt