Special Chapter 1- Arjay's Reasons

15K 255 57
                                    

ARJAY

“ARJAY, ano ’tong naririnig ko na pumayag ka sa gusto ng Mama mo?” halos sigaw na tanong ni Tita Lina.

“Are you out of your mind? What happened to you? Why did you let your mom control you?"

I sighed heavily and looked away, avoiding Tita Lina’s gaze.

“Anak naman! Alam kong may magagawa ka pero bakit ka pumayag?” muling tanong ni Tita Lina.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Pumayag? T*ng-ina! Kung may magagawa lang ako, ’di sana ginawa ko na. Edi sana hindi ako nahihirapan nang ganito ngayon pero wala. Wala akong nagawa at wala akong magagawa.

“Arjay, nakikinig ka ba? Paano na si Air—”

“Sa tingin mo ba, Tita, papayag ako kung alam ko na may magagawa ako? Sa tingin mo hindi ko iniisip ang mararamdaman ni Aira?” I scoffed and wiped my own tears.

“T*ng-ina naman, Tita nagawa ko ’yon... pumayag ako sa gusto ni Mama dahil kay Aira. I did that for her. Ginawa ko ’yon para hindi siya masaktan kahit alam ko na nasasaktan siya ngayon...”

Humikbi si Tita Lina habang nakatingin sa akin. “Gustong-gusto ko siyang sundan at yakapin...  gusto kong sabihin sa kanya na mali ang iniisip niya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko magagawa ’yon sa kanya. Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero hindi ko magawa dahil alam kong isang lapit ko lang sa kanya... mawawala lahat ng pinapangarap niya. Mawawala sa kanila ang lahat.”

I wanted to go after her but I can’t do it because knowing my mom, she will do what she said to me if I’d go to see Aira.

“What’s the sudden meeting, Ma?” tamad kong tanong kay Mama.

Umupo ako sa couch na malapit sa kanya. Nandito ako ngayon sa opisina niya dahil may importante daw siyang sasabihin sa akin. Ngumiti si Mama at naglakad palapit sa akin.

“How are you, son?” she asked sweetly.

I scoffed. Bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong ni Mama. I find it weird. Tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kanya.

“I’m good, Ma. Bakit mo pala ako pinatawag?”

“Have you eaten already?” she asked again, hindi pinansin ang tanong ko.

“I ate already. Can you tell now the reason why I am here?”

“Saan ka kumain? How’s school?”

Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil parang ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko.

“Mama...” I warned her. “Pumunta ako rito dahil may sasabihin ka raw na importante at ngayon na narito na ako, can you speak now? Susunduin ko pa ang girlfriend ko.”

Napabuntonghininga siya at malungkot na tumingin sa akin.

“Remember when I told you about you marrying someone for business?”

My forehead creased. “W-What about that?”

“It’s time to do tha—”

“Wait—What? What are you saying?”

Umiling si Mama at bumuntonghininga. “Come on son, listen to me first okay?” marahan niyang tanong.

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango. “Our company will be merging with Lim Zo Corp. At bago ’yon mangyari, kailan mong pakasalanan ang nag-iisang anak ng mga Lim.”

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.

“Ma? You know I can’t do that! May girlfriend ako... wala akong ibang pakakasalan kung ’di si Aira... siya lang ang papakasalan ko, Ma—”

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Место, где живут истории. Откройте их для себя