Kabanata 4

14.7K 309 33
                                    

Kabanata 4

IT’S been ten years since I left my country—Philippines. Sampung taon ko nang hindi nakikita at nakakasama si Mama. Sa sampung taon na ’yon, aaminin kong hindi naging madali para sa akin ang buhay ko sa America.

Wala si Mama sa tabi ko. May mga oras na kailangan ko siya. May mga oras na kailangan ko ang mga yakap niya pero wala, ang layo niya. Walang nag-aalaga sa akin sa tuwing nilalagnat ako. Walang nag-a-attend na guardian sa mga guardian meeting dahil sa wala si Mama.

Wala akong kasamang namuhay ro’n. Nagkaroon naman ako ng mga kaibigan kahit papaano. Iyong mga naging classmate at roommate ko. May iilan din akong naging kaibigan sa hospital na pinagtrabahuhan ko ro’n. Mga iilang nurses at doctors. Syempre puro Amerikana at Amerikano y’on.

Naging malungkot ang buhay ko sa America lalo nang walang magulang ang nasa tabi ko.

Finally, after ten years of non-stop hard work, I became a doctor. May sariling university at hotel na rin ako sa Pilipinas tulad ng pangarap ko. I also bought a mansion in Philippines.


Sa sampung taon na pagtira ko sa America ay nakabili na ako ng sarili kong bahay ro’n dahil alam ko naman na babalik pa rin ako sa bansang ’yon. Pagbalik ko ro’n ay dadalhin ko na si Mama.

Si Mama at Tita Lana ang namamahala ng mga negosyo ko sa Pilipinas. Tinutulungan sila ng mga pinsan ko. Umalis at uuwi ako ng Pilipinas nang hindi pa rin kami napapansinan ni Anna. Ayaw ko, e.

Tuwing naaalala ko iyong mga pinagsasabi niya noon ay naiinis ako. Napakatanga kasi. Sa sampung taon na ’yon ay ang daming dumating na pagsubok sa akin at sa awa ng Diyos ay nalagpasan ko ang mga ito. Ang dami rin nagbago sa akin. Sa itsura at pangangatawan ko. Higit sa lahat ang daming blessing na dumating sa buhay ko.

“Doc, ipaalala ko lang po na may foundation mamaya sa University,” Sarah—my secretary—told me.

Tumango naman ako.

I’m currently at the airport with Sarah. Siya ang nagsundo sa akin. Kanina pa kami rito nakatayo at halos mangalay na ang mga tuhod ko. Ang tagal naman kasi ng sundo namin.

“Anong oras ba magsisimula at hanggang anong oras?” I asked her.

Baka mamaya’y abutin ng hapon. Gusto ko nang makita si Mama. I miss her so much.

Agad naman niyang tiningnan ang schedules ko sa hawak niyang tablet.

“Alas nuebe hanggang alas dose, Doc. Then may meeting kayo with Mr. and Mrs. Lopez about sa hotel,” sagot niya at nag-angat ng tingin sa akin.

Tumango lang ako at inayos ang aviator na suot ko.

“May iba pa ba akong meeting maliban sa mag-asawang Lopez ngayong araw?” muling tanong ko sa kanya.

“So far po ay iyon lang meeting mo today, Doc,” sagot niya at sinimulang hilahin ang dalawang maleta ko.

“Matagal pa ba sila?” inip na inip na tanong ko. I’m referring to my driver.

“I don’t—Oh, nariyan na pala sila, Doc.”  Nginuso ni Sarah ang isang itim na SUV na papunta sa direksyon namin. I’m glad they finally arrived!

“WELCOME home, Dr. Francisco!” sigaw ng pamilya ko nang makapasok ako sa loob ng bahay ni Mama.

Tumawa ako at ngumiti sa kanila. Suminghap ako at hinanap si Mama para mayakap dahil miss na miss ko na siya. Nang makita siya ay mabilis akong lumapit para yakapin siya.

“I miss you so much, Mama...” I whispered as she hugged me back.
I could feel her smiling.

She caressed my back softly. “I missed you so much, hija. Tahan na at masisira ang make up mo,” pagbibiro ni Mama.

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Where stories live. Discover now