Kabanata 9

15.3K 311 9
                                    

Kabanata 9

“ARE you ready?” Amiel asked me as he grabbed my luggage from my hands.

I looked at him and nodded. “I am.”
Binitiwan niya ang aking maleta at malambing na hinaplos ang buhok ko.

“Tell me if you change your mind okay?” He said softly.

I nodded.

“If you want to stay here then we’ll do that and if you want to leave, we’ll do that too. I’m always here, baby... I’m always on your side.”

Ngumiti ako at niyakap siya.

“Thank you, Amiel...” I whispered sincerely. “I’m leaving with you.”

I felt him nodding. He sighed heavily and caressed my back. Humiwalay ako sa kanya nang marinig ang anunsyo ng isang staff ng airport. Tinatawag na nito ang mga pasahero na lilipad papuntang States at isa na kami ni Amiel sa mga ’yon.

Nag-check-in kami ni Amiel at pumunta na sa boarding area.

“You can sit there.”

Nahihiya akong ngumiti kay Amiel.

“You sure?”

Tumango siya kaya naman umupo na ako sa upuan na katabi ng bintana. I fastened my seatbelt as I sat comfortably on my seat. Gano’n din ang ginawa ni Amiel. Ilang sandali pa ang hinintay namin bago magsalita ang piloto.

“Good morning, ladies and gentlemen. This is your Captain Slander speaking; I would like to welcome you aboard...”

Hindi ko na narinig pa ang sasabihin ng piloto dahil sinuot ko na ang aking airpod. Natulog lang ako buong byahe, gano’n din si Amiel. He was peacefully asleep beside me. Nagigising lamang ako tuwing may stop-over. At ito na ang huling stop over namin, wala pa kaming kain ni Amiel simula nanng umalis kami galing Manila.

“Hi Ma'am! Anong pong gusto ninyo?” tanong ng isang flight attendant nang tinaas ko ang aking kamay.

“Can I have two beef noddles?: tanong ko. Ngumiti ang flight attendant at tumango. “Pati na rin tubig. Thank you.”

Tumango lang ito at hinanda na ang in-order ko. Ginising ko si Amiel para kumain ng noddles. Pagkatapos namin kumain ay natulog akong muli. Hindi ko nga lang alam kung natulog ba ulit si Amiel o hindi. Nagising ako nang may yumugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at napangiti nang makita si Amiel.

“Hmm...”

Kinusot ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa loob ng eroplano. Nasaan na ang mga tao? Tanong ko sa sarili ko na agad namang nasagot.

“We’re already here. Let’s go.”

Tumango ako. Inayos ko ang aking saliri at tumayo na. Kinuha ko ang sling bag ko at sinuot iyon.

“Thank you for flying with us, Ma’am and Sir. Hope to see you again in our next flight!”

I smiled and nodded to the beautiful flight attendant.

Napangiti ako nang tuluyan na kaming makalabas ng airport. It’s nice to be back! Halos yakapin ko ang sarili dahil sa lamig ng klima. Napatingin naman ako kay Amiel nang hubarin niya ang coat na suot. Isinuot niya iyon sa balikat ko.

“You don’t nee—”

Hindi ko natuloy ang sasabihin nang may tumawag sa pangalan ko. My eyes widened when I saw my friends, Niel and Alise. Binitiwan ko ang aking maleta at patakbong lumapit sa kanila. Hindi ko akalain na mami-miss ko sila ng ganito! If I haven’t mentioned them yet, they’re my friends here in States. Nagkakilala kami sa hospital na pinagtatrabahuan ko noon.

My BestFriend's Boyfriend (Published under SP)Where stories live. Discover now